Umupo na ulit si Sean saka tumingin sa amin. Tapos na kaming kumain. Naghihintay lang kami sa kanyang sasabihin. "Sino pong tumawag?." Napatingin sa akin si Sean. "Sila mommy kinakamusta ako.'' Natigilan ako at nanigas. s**t! Sana ready na akong harapin ang parents nya. "Gusto sana ni mommy bumisita at makilala kayo pero sinabi ko na tatanungin muna kita. Okay lang ba sayo?." Huminga akong malalim "Mukhang kahit kalian ay hindi ako magiging ready pero kailangan ko maging matapang para Kay Andrea." Ngumiti sya sa akin. "Kaya lalo kitang minahal." Natawa ako. At tumingin Kay Andrea na inonsenteng kumain. Lalaban si mommy para Sayo anak. nang matapos si Andrea sa pagkain ay binuhat na sya ni Sean papuntang kwarto para patulugin. Niligpit ko naman ang mga pinagkainan.

