Nang makapasok kami sa restaurant. Giniya kami ng waitress sa table namin. Tumayo naman ang mga magulang ni sean pagkakita sa amin. Nang makalapit kami sa table. Bumeso ang mga magulang ni Sean sa amin. Umupo muna kami bago nagtawag ng waiter. Dumating ang waiter at sinabi namin ang order namin sa waiter bago ito umalis. May pinag-uusapan si Sean at ang Daddy nya. Nang biglang nagsalita ang mommy nya kaya napatingin ako sa kanya. "So hija? Anong natapos mong kurso?." Bahagya ding lumingon si Sean sa mommy nya. "Uhmm. HRM po." "Okay. May business ka na bang tinayo?." Medyo kinabahan ako ang mga tanong nya. "Plano palang po namin ni sean na magpatayo." Tumango ang mommy nya. Napatigil sya sa pagsasalita nang dumating ang waiter na dala ang order namin. Kumain muna kami

