"Valentin, ano ba?!" impit kong bulong sa kanya. Kung Wala lang kaming nakakasalubong na mga namimili ngayon, baka kanina pa ako nanampal ng lalaking nagngangalang Valentin Simon. Pasimple akong nagpumiglas. Masakit na nng hinahawakan niya dahil mahigpit siyang nakakapit doon. Lumabas kami sa mall at may bakanteng espasyo roon dahil nasa 3rd floor kami. Hinila niya ako papunta sa isang lugar kung saan maitatago kami. "Ano bang problema mo?! Binabati ko lang naman kayo, di ba?!" pasinghal ngunit mahina ko pa ring sabi. Kahit na tagong lugar ang kinaroroonan namin, ayoko pa ring ipagsapalaran iyon. "Ikaw? Ano ba ang problema mo? Bakit kailan mong insultuhin si Jeff nang ganon? Libre? Natural na libre ko siya o ipamili dahil birthday niya ngayon!" galit na turan niya. Sa kaalamang birt

