Nang magising ako, pakiramdam ko ay wasak na wasak ang katawan ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa sakit. "Patrick?" dahan-dahan akong napalingon kay Miguel. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "I... I can't... move," paos na paos kong sabi sa kanya. "I'm so sorry, Patrick. Kasalanan ko kung bakit ka nagkakaganyan ngayon." Napakagat ako sa labi ko. Naaawa ako sa itsura ni Miguel na tila buhat niya ang mundo sa mga balikat niya. "Gi--ginusto... ko rin... naman," maingat kong sabi dahil pakiramdam ko, kahit kaunting pagsasalita ko lang ay sumasakit na ang mga bahagi ng katawan ko. "Yes, ginusto mo but it shouldn't be like this." Hindi ko mapigilang mapangiti kahit na waring tumitibok ang buong katawan ko sa kirot, hapdi, at sakit. Kitang-kita ko kasi ang pag-aalala sa mukh

