Nagmulat ng mga mata si Lexi. Iginala ang paningin sa paligid. Puro puti ang nakikita niya. Ikakapit sana ang kamay sa gilid ng kama para bumangon pero may nahawakan siyang ibang kamay. Nilingon niya ito. "Duncan. Baby..." tawag niya dito. Himbing ang tulog niya. Napagod yata sa pagbabantay sa kanya. Hinaplos niya ang buhok nito. Nag-angat ito ng ulo. "Gising ka na! May masakit ba? Ano'ng nararamdaman mo?" Natatarantang tanong nito. Bigla siyang niyakap saka hinalikan sa lips ng mabilis. "Okay lang ako. I feel stronger. Kakaiba nga eh. Parang bagong ako. Teka... anong nangyari?" "Hindi mo ba naalala?" "Hmm... nasa bundok tayo tapos gumamit kami ng malakas ng energy ni Alwyn then eto na ngising na ko dito." "You collapsed. You were sleeping for 3 days, Lexi. Narito tayo sa dojo." "W

