Pinigilan ni Lexi si Duncan sa paglalakad. "Sandali." Huminto naman ang guardian. "Bakit? May problema ba?" "Kailan pa yung huling natatandaan ng papa ni Gian na 30 lang ang werewolves sa Dark Tribe?" "Wala siyang nabanggit. Basta ang sabi niya, 20 years ago pa nangyari nung napatay ang pinuno ng Dark Tribe at mula noon galit na sila sa mga tao. Then sabi niya, nagtataka sila dahil lately bumababa na ang grupong yun mula sa bundok para pumatay ng tao." "Does that mean 20 years ago, 30 werewolves sila? Posible bang nag-multiply sila? Kasi 21 werewolves yung kanina, so imposibleng 9 werewolves lang ang iwan nila para bantayan ang camp nila." Napaisip si Duncan. "Ilan ba ang nagiging anak ng isang werewolf? Katulad ba sa wolf?" "Huwag kang magbiro ng ganyan, Lord Duncan." Singit ni Elis

