"Hindi ako mapakali." Saad ni Lexi. Kausap ang sarili pero narinig siya ng mga kasamang nakatambay sa sala nila. Napakunot ang noo ni Cyrie. "Ano na naman ang binabalak mo?" "Kinakabahan ako. Gusto ko silang sundan." "Hindi pwede. Pagagalitan kami ni Lord Duncan." Tutol ni Elisse. Napabuga ng hangin si Lexi. "Hindi ba kayo nag-aalala? Paakyat daw sila sa bundok kalaban ng werewolves. Nasa tatlumpo daw ang bilang nila. 15 lang ang guardians na kasama nila Duncan." Hinawakan ni Cyrie ang kamay ni Lexi. "Maniwala ka. Kaya nila yung mga yon." "Pero paano yung taksil mula sa Spirit World? Paano kung nasabihan na yung mga werewolf na may guardians na paparating dun sa bundok? Paano kung iambush sila?" Madaming paano sa isip ni Lexi. Nagkatinginan sina Cyrie at Elisse. Paano nga kung trayd

