Ini-on ni Lexi ang TV sa sala. Naiinip siya. Walang balita sa iba pang nakawalang evil spirits, wala ring balita dun sa magkapatid na half-troll half-elf, wala ring balita kung nasaan si Gian. Hindi ito nagpapakita sa press. Saturday pa kaya walang klase. Tumabi sa kanya ang magkakapatid na prinsipe at prinsesa na mga pinsan ni Lexi. Sa single sofa naman ang reyna, na tita pala niya. Sina Duncan, Mikael at papa ay sa kabilang long sofa. "Sa mga nagbabagang balita. Dalawang estudyante ang natagpuang patay sa kagubatan ng Poblacion kaninang umaga. Wasak ang dibdib at walang mga lamang-loob. Hinihinala ng iba posibleng nabiktima ang mga ito ng sindikato ng mga nagbebenta ng human organs. Ang iba naman ay may hinalang gawa ito ng isang di kilalang mabangis na hayop sa gubat. May kahalintula

