"Gian, hindi ka ba lalabas? Buong araw ka nang nakakulong sa kwarto mo." Tok tok tok "Gian. Nasa baba ang manager mo." "Gian." "Mom, just leave me alone!" Hiyaw ni Gian mula sa silid nito. "Hindi pwedeng magmumukmok ka lang diyan. Open the door, Gian." "I said leave me alone!" Pinukol si Gian ng vase na nasa side table niya. "Hon, leave the kid alone." Huminga ng malalim si Mr. Cortez, "we both know that he can't get mad at this time. Birthday na niya bukas. Baka hindi niya ma-control ang anger niya." "Kinakabahan nga ako e. Bakit pa kasi ngayon nangyari ito." "Hayaan na muna natin siya." Inakay ang asawa para bigyan ng space ang anak. Nakamukmok si Gian sa isang sulok. Nakayakap sa mga tuhod. Ang mga pinaghirapan niyang training at lessons mula pagkabata hanggang sa kasikatan ni

