"You should go to sleep now." Natapos na ang party. Hinatid siya ni Duncan hanggang sa pinto ng silid niya. Naninibago siya sa kinikilos nito, pati ang pagpayag nitong maging escort niya. Samantalang dati lagi pa niyang inuutusan si Mikael pag tungkol sa kanya ang issue. "I had fun. Thank you sa pagpapadala ng guardians mo to watch out tonight." Tumitig ito sa kanya. "I-it's nothing. They have to be here as well to search for those 2 rougue half-troll." Nailang naman siya sa titig nito. Iba ang pinapakita nito sa kanya lately. Mainitin ang ulo nito bago sila umalis ng Spirit World, ngayon naman parang ewan lang. Tsk. Ang hirap timplahin ng guardian na 'to. Binukas na ni Lexi ang pinto ng silid niya. Pumasok na siya sa loob at pumihit paharap sa pinto at kay Duncan. Akma na niyang isasa

