Pinagmasdan ng hari ang dalaga. "Napakaganda mo hija. May kamukha ka pero hindi ko maalala. Napakswerte namin dahil may kalahi kaming katulad mo." Namula si Lexi, "Salamat po. May binanggit po kayo kanina na may kinuha silang Brilyante ng Buhay ng Fantazija?" Rumehistro ulit ang pag-aalala sa mukha ng hari. "Ang brilyante na 'yon ay ang pinagmumulan ng kapangyarihan naming mga taga-Fantazija, pati na rin ng hiwaga ng buong kaharian. Oras na may mangyaring hindi maganda sa brilyante, at hindi ito maibalik sa sisidlan sa Balon ng Buhay, katapusan na ng lahat dito. Hindi ko rin alam kung madadamay ka oras na maubos ang enerhiya ng Brilyante, isa kang kalahating guardian kaya ligtas ka pa rin, pero maaaring maglaho ang mga kapangyarihan mo bilang engkantado." Nagtiningnan ang mga guardian.

