Nakarating sa Hacienda Salvacion ang ama ni Lexi. Nag-pop ito sa sala. Walang tao doon. Nagpalit-anyo si Felix bilang tao. Tinakpan ng kamay ang sugat niya sa tagiliran. "M-manang Ising!" Tawag ni Felix sa Mayordoma nila. "Señor. Bakit po?" Lumabas ito mula sa dining area, may bitbit pang plato na pinupunasan nito. "Nasaan si Salve?" Tinutukoy ni Felix ang asawa. "Umalis po kasama ni senyorito Aristel. Nagpasama si senyora para mamili ng dadalhin nyo sa bakasyon nyo." "Si Alliyah?" "Hindi pa po bumababa." "S-sige, pupuntahan ko muna." Lumakad ito paakyat ng hagdan. Hindi iniinda ang sugat sa tagiliran. Huminto ito sa tapat ng pinto ng anak. "Alliyah." Tok tok tok. "Alliyah." Hindi na makapagtimpi si Felix. Nagteleport ito sa loob ng silid ng anak. Doon, nakita niya ang anak sa kam

