Naglakad-lakad si Lexi papunta sa lugar kung saan niya huling naramdaman iyong madilim na enerhiya kanina. Pumasok siya sa hallway ng Annex Hall. Tumingala. Naramdaman niya sa taas. Sa rooftop. Napansin naman ng dalawang guardian na nawala sa tabi nila si Lexi. Hinanap ng mga mata nila ang dalaga at nakita nila itong papasok sa building. Sumunod silang dalawa dito. Tumakbo si Lexi papunta sa roof top ng Annex Hall. Huminto siya bago umabot sa pinakahuling hagdan. Dahan-dahang umakyat si Lexi papuntang pintuan ng rooftop. Pinihit niya ang seradura ng pinto, binuksan ng kaunti at doon, nakita niya ang isang nilalang na nakatalikod sa gawi niya. Matangkad, mahaba ang puting buhok, mahahaba ang mga braso at binti, maputla ang kulay, malaki ang kaha. Mukhang lalake. May kung sinong hawak ang

