Wala silang nakitang kakaibang nilalang sa paligid. Hindi nila alam kung anong kalseng nilalang ang kakalabanin nila ngayon. "Guys, I need to go first. May training ako kay sir Penn." Paalam ni Lexi sa mga kasama. "Pwede ba kaming sumama? We need to talk to him." Paalam ni Duncan. "Oo nga pala. Sige, tara." Sumakay sina Duncan at Mikael sa sasakyan ni Lexi. Nagpaiwan naman sina Elisse at Cyrie para magmanman sa buong campus. Sina Efraim at Kim naman ay pumunta na sa burol ni Efren. "Kailan ka pa sinanay ni Master Penn?" Curious na tanong ni Mikael habang palinga-linga sa paligid ng dinadaanan ng kotse nila. "Since I was 8. So halos 10 years na din." "Kaya pala mahusay kang makipaglaban ng mano-mano. Kawawa ang bubugbugin mo." Narating na nila ang gym ni Master Penn. Hanggang third

