"A-anong klaseng nilalang ka?" "Hindi mo na malalaman pa 'yon!" Mabilis na nakalapit ang mukhang halimaw na babae sa kanya, subalit sanay sa pakikipaglaban si Efraim. Nahawakan niya ang dalawang pulso nito habang nakaumang ang matatalas na kuko sa kanya. Naitulak niya ito at sinipa niya ang halimaw sa tiyan. Hindi ito gaanong ininda ng halimaw. Gumanti ito ng sipa at napaupo ang lalake. Hindi na natiis ni Lexi ang magtago kaya lumabas ito. "Lexi!" Hindi na naawat ni Duncan ang dalaga. "Efraim!" Hiyaw ni Lexi. Nilapitan ang kinakapatid. "Ako ang kalabanin mo, pangit!" Hamon nito sa Shishiga. "At sino ka namang pakialamera ka?" Nanlilisik ang mga mata nitong maiitim. "Hindi mo na malalaman pa 'yon." Pang-iinis na ngumisi si Lexi. Sumugod siya sa halimaw. Humanda naman ang babaeng halima

