Narito sina Lexi, ang family niya, si Kim at ilang kaklase ngayon sa burol ng estudyanteng nalunod sa ilog. Hindi niya akalain na ang nalunod ay ang kinakapatid niyang si Efren. Kababata niya ito at ang kambal nitong si Efraim, halos lumaki silang apat nila Kim mula sa iisang day care hanggang sa nag-college sila. Napariwara lang si Efren ng magkaroon ng ibang kinakasama ang papa nito at nagkaroon ng ibang anak doon. Ang mama naman niya at ang kakambal ni Efren ay pumunta ng US after ng Junior High nila nung maghiwalay ang parents niya. "Oh my, bakit si Efren pa? Champion swimmer siya e. Bakit siya nalunod? Alangan namang lunurin niya ang sarili niya... Iniwan niya tayo agad." Naiiyak na sabi ni Kim habang nakatingin sa kabaong mula sa kinauupuan niya. Ayaw niyang tumingin kay Efren mismo

