"Halika Jenny, magbabad muna tayo sa ilog sa likod bago tayo bumalik sa room." Aya ni Efren sa nobyang si Jenny habang hinihila ito. "Ayoko nga noh, wala akong pamalit na damit." Tanggi ng dalaga. "Hindi naman natin kailangang magdamit eh." Sabay kindat sa girlfriend. "Ayoko nga sabi. Ikaw na lang." Saka hinila ang kamay at bumalik sa loob ng classroom. "Nakakainis. Ang arte-arte!" Tumalikod ang binata saka nagtungo sa ilog sa likod ng school. Magpapalamig na lang siya ng ulo mag-isa dun. Badtrip na nga siya sa bahay, badtrip pa sa school, badtrip pa ang gf niya. Naglakad si Efren sa batuhan nang matanaw niya na may isang babaeng nakatalikod at may mahabang buhok ang nakaupo sa pinakababang batuhan. Nagsusuklay ito ng buhok. Hinawi nito ang buhok na nakatabing sa likod at nakita niyan

