Her Innocent Slave 23

1644 Words

I moved slightly when I heard the doorbell ring. Nakatulog ulit ako nang niyakap niya ako. Kumilos siya. Hindi ako bumangon kahit umalis siya sa kama. Nakiramdam lang ako. May kausap siya. Nakarinig din ako ng tunog ng mga nagtatamang kubyertos. Sa palagay ko'y nagising siya kanina at nang makitang gabi na'y nag-order ng hapunan. Lumabas ang naghatid ng pagkain. Narinig ko ang yapak ng paghakbang niya papasok sa kuwarto. Ang sumunod ko na naramdaman ay ang maliliit na halik sa pisngi at labi ko, ginigising niya ako. Umungol ako at dumilat. Nagkusot ako ng mga mata kahit hindi naman iyon makati at kanina pa ako gising. "Alam kong pagod ka pero kumain muna tayo. Bumalik ka na lang sa pagtulog mamaya," mahina at may lambing na sabi niya. Tinulungan niya ako na umupo at inayos ang buhok ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD