Kinabukasan, ginising ko siya para makapag-ayos kami ng gamit. Sa glass house kami mananatili ng tatlong araw at pagkatapos ay uuwi na kami. I already called dad and he agreed. He said this was his present for my birthday. Kaya sa mga oras na ito, malamang ay nagbabalak na siyang kausapin ang ama ni Lucas. After three days, they are free from debt. "Masakit pa ba ang katawan mo?" Tanong niya pagkasakay sa sasakyan. Umiling ako. "Hindi na. Inaantok lang ako." "Matulog ka muna," ni-recline niya ang upuan para makahiga ako. Tahimik kami sa sasakyan. Nakatulog ako ng ilang sandali pero dahil umaandar ang sasakyan, nawala ang antok ko. Siya ang nagmamaneho ngayon kaya nasa bintana ang tingin ko. Mabilis akong bumaba sa sasakyan at pumasok sa bahay na salamin pagkarating namin. Tinanaw ko si

