Her Innocent Slave 06

1621 Words
"Don't bump into Ivy again. If you saw their group, avoid them at all cost." Pinaglalaruan ko ang mga nasa loob ng sasakyan. Siya, nagmamaneho kaya sa kalsada siya nakatingin. "Ivy who?" Nilingon niya ang kamay kong pinaglalaruan ang aircon vent. Sinasampal ko iyon kaliwa't kanan. Ibinalik niya rin naman agad ang tingin sa kalsada. "The girl you fought yesterday. Her name is Ivy." "Oh!" Tumawa ako. "May pangalan pala si tantrum girl?" He sighed and looked at me lazily. "Don't try to provoke her again." "Bakit?" I tried to sound interested. "Pumapatol iyon sa bata," wala sa sariling sagot niya. Nahinto ang kamay ko sa paglalaro sa aircon. Binalingan ko siya at nakitang hindi pa niya natanto ang maling salitang nagamit niya. "Pumapatol sa bata? Bata? Sino ang bata?" Ulit-ulit ko. Sa may diing tanong ko, saka niya na-realize ang nasabi niya. Napalunok siya at mabilis na binago ang unang sinabi niya kanina. "What I mean is pumapatol iyon sa mas bata sa kanya. She is my age. I'm older than you so she's older than you too." Umirap ako at sinamaan siya ng tingin. "Gusto mo patunayan ko sa 'yo rito mismo sa sasakyan na hindi na ako bata?" Namumula niya akong inilingan. Sinasabi ko pa lang pero siya sa tingin ko'y nai-imagine na niya kung ano ang gagawin ko kaya heto at namumula. "I already explained, okay? Mahilig mambully iyon lalo na sa mga bagong estudyante." Naghalukipkip ako at hinayaan siyang magsalita kahit hindi ako masyadong nakikinig. Anak ng isa sa mga shareholders kaya malakas ang loob? Wala ring nagsusumbong kaya hindi napapagalitan? Umirap ako. Hindi uubra sa akin ang pagiging bully at kamalditahan niya kahit magulang niya pa ang maging may-ari ng buong eskuwelahan. Pagdating sa school, bumaba siya sa parking lot at inabot sa akin ang susi ng sasakyan. Mabilis siyang umikot papunta sa gate para doon pumasok. Ang alam ng girlfriend niya ay nagc-commute siya pansamantala sa pagpasok. Nagpunta na ako sa building namin at hindi na sila tinanaw sa pagpasok mula sa gate. Pareho lang naman sa araw-araw, magka-holding hands lang sila. Nag-uusap. Nagngingitian. "This is torture!" Tukoy ko sa math subject. Wala akong naintindihan sa solving ni isa. Bored na bored akong nagpangalumbaba. Naghihikab ako nang matapat sa bintana ang mga mata. Mula rito, tanaw ko sila na naglalakad at magkahawak ang kamay. Inaayos ni Lucas ang buhok ng girlfriend niya na hinahangin dahilan ng malakas na ihip ng hangin sa labas. Nakasuot si Lucas ng malinis na school uniform. Ang babae naman ay nakasuot ng P.E uniform na hapit na blouse at maikling short. Mahinhin itong nakangiti at nakatingala kay Lucas. Nag-uusap sila ngunit hindi na iyon abot sa pandinig ko. "Open your books..." Inalis ko sa kanilang dalawa ang tingin at sinubukan makinig sa guro na nasa harapan kahit lumulutang ang explanation niya at wala akong maintindihan. Sa sumunod na subject, walang dumating na guro kaya naglabasan na ang mga kaklase ko. Sumunod ako at nag-isip kung saan tatambay para ubusin ang oras. Nakahawak ako sa railing ng second floor. Nasa ibaba sila Lucas at ang mga kaibigan niya. Pinapanood nila ang girlfriend niya na nag-eensayo ng larong volleyball. Napangisi ako at napagdesisyunan na bumaba na lang. Malayo pa lang, nasa paglapit ko na ang mata ni Lucas. Ang malaking ngiti niya para sa girlfriend na naglalaro'y napalitan ng kabado at seryosong titig. Lumabi ako. Wala pa akong ginagawa'y nagagalit na siya. Palapit pa lang ako, parang gusto na niya akong itaboy at paalisin. Hanggang tingin lang siya't hindi ako puwedeng sawayin ngayon. Dahil napagkasunduan na namin ito. Inilipat ko na siya sa katapat ko na kuwarto. "Hi!" Malaki ang ngiti na bati ko. Napatingin sa akin si Leela, 'yong nerd na tinabihan ko kahapon. Nagbabasa siya bago ako dumating. Natuklap lang ang tingin niya sa libro dahil lumapit ako sa kanya. "Ano iyang binabasa mo?" Tahimik niyang isinarado iyon nang subukan kong silipin. Napalabi ako at binalingan ang baklang si Rome na nasa tabi niya. Kaya pala malamya siyang kumilos dahil pusong binabae. Ang isang lalaki pa na kasama nila'y nakasandal lang sa puno at nakaupo. Hinubad ko ang suot ko na backpack at saka lumapit sa lalaki na tahimik sa puno. Tamad itong nakatanaw sa mga naglalaro at mukhang inaantok. Pagkaupo ko sa tabi niya, hinanap ko sa bag ang sandwich na pinagawa ko kay Ate Ysa. Nilingon ako nang lalaki nang makitang tumabi ako sa kanya. Nginitian ko siya't nagsimula akong kumain. "Ano'ng pangalan mo?" Tanong ko habang ngumunguya. "Ryder," tipid niyang sagot. "Gusto mo?" Tiningnan niya ang inaalok kong sandwich na mayroon nang kagat. Pagkatapos ay sinipat niya ako ng tingin sa mukha. "Malinis iyan!" Tumawa ako. "Gusto mo hatiin ko para walang laway?" "Hindi na. Salamat na lang." Tumawa siya. Kumagat na lang ulit ako at hindi na siya inalok. Sa pangatlong malaking kagat ko, namataan ko si Lucas. Nasa direksyon namin ng kaibigan niya ang tingin niya. Wala nang bago, madilim na naman ang mga mata. Wala akong ginawa pero nahuli kong dismayado siyang umiiling habang umuupo sa batong upuan kung nasaan ang mga gamit ng girlfriend niya. "Ano'ng pangalan niya?" Itinuro ko ang girlfriend ni Lucas. "Catelynn." Sagot ni Ryder. Pagbaling ko, nakatingin siya sa kinakain ko. Napangisi ako at inilapit ulit sa kanya ang tinapay. Natawa siya sa ginawa ko bago umiling ulit. "Ayaw mo talaga? Sa ilalim ka kumagat kung ayaw mong kainin ang nalawayan ko na!" Hindi siya sumagot, tumawa lang. Sabay kaming napatingala nang lumapit si Lucas. Sumandal siya sa gilid ng puno kung saan kami nakaupo. Ang mga gamit ng kasintahan niya ay bitbit niya. Inilapag niya iyon malapit sa tabi namin ni Ryder. Nang malingunan ko, seryoso ang panonood niya sa mga naglalaro. Bumaling din ako sa mga naglalaro. Pinagmasdan ko ng maigi ang mahahaba at makikinis na biyas ng girlfriend niya. Hindi man lang ba siya naaakit sa ganyan kaganda at kakinis na babae? Kahit sabihin pa na mahinhin si babae'y sigurado ako na kung mangunguna si Lucas, bibigay agad ang girlfriend niya. Malaki akong kumagat muli sa tinapay. Ngumunguya ako nang ikiling ko ang aking mukha sa katabi. Nakangisi si Ryder na pinapanood ako habang kumakain. Nakataas ang isang tuhod niya at nakapatong doon ang isang braso. "Bakit ka nakatingin? Ayaw mo ba talaga? Kagat na!" Pilit ko ulit at pabirong inilapit sa labi niya ang kinakain ko. Natawa siya pero nang maidikit ko sa labi niya iyon, mabilis niyang kinagatan ng malaki sa parteng may laway ko. Mabilis kong binawi ang kamay ko. "Hala! Bakit mo kinagat?" Nang i-check ko ang natirang sandwich, isang subo na lang iyon. "Ang sabi mo kumagat ako!" Matunog siyang humalakhak sa naging reaksyon ko. Alam niyang akala ko'y hindi niya kakagatin. Siguro sinadya niya na malaki rin ang kagatin kasi makulit ako sa pag-alok sa kanya. "Nakagatan ko na. May laway ko na iyan. Akin na lang—" Sinumpak ko na para wala na siyang mahingi. Nagtawanan kami. Ang mga naglalaro, sina Leela at Rome, lahat sila napatingin sa amin dahil sa ingay namin. "Padala rin nito hanggang sa locker," sobrang hinhin at ang bagal magsalita ni Catelynn. Tahimik lang si Lucas na nakatayo sa gilid. Kahit nang lumapit ang girlfriend niya, hindi siya masyadong nagsasalita. Tinulungan niya lang itong magbuhat ng gamit. Hindi niya na ako tinitingnan ng matalim kasi mula no'n, hindi naman siya lumingon sa akin. Kahit nang nasa sasakyan na kami, tahimik lang siya. "I'm in love with somebody! Oh, yeah! Oh, yeah!" I sang, trying to make a noise. "And it's not you!" Sinasabayan ko ang kanta na tumutugtog sa loob ng sasakyan. Siya, tahimik lang. Walang pake. Seryoso ang tingin sa kalsada. Pagkaparada ng sasakyan at pagkapasok sa loob ng bahay, wala pa rin siyang imik. "Ang tahimik mo, ah!" Hindi niya ako nilingon. Dire-diretso ang akyat niya papasok sa sariling kuwarto. Kinatok ko siya at sinubukang buksan ang pintuan ng kuwarto niya pero naka-lock. Bumaba na lang ako ulit at nagpaluto ng pagkain. Sa kusina ako naghintay habang naglalaro ng sugar crush sa mobile phone. "Ate Ysa, hindi pa umuwi si daddy?" "Hindi pa. Siguradong sa mga susunod na buwan pa iyon darating bago ka mag-birthday." Tumango ako. Nagpatuloy ako sa paglalaro. Dahil nakatutok sa nilalaro, hindi ko napansin na mayroong taong nagbukas sa fridge. Nandoon si Lucas at kumukuha ng tubig. "Umupo ka na rito. Sabay na tayong kumain." "Busog pa ako," malamig niyang sagot. Nilinis niya ang pinag-inuman na tubig at aamba na nang pag-alis. "Busog ka? Ano ang kinain mo?" Takang tanong ko. "Wala." "Wala pala. Edi sabayan mo akong kumain dito." "Mamaya na lang pagkatapos mo." Umarko ang kilay ko. Aba! "Hoy! Hindi mo bahay ito huwag kang feel at home! Umupo ka riyan, kakain tayo!" Masama ang naging tingin niya sa turan ko. Bakas sa mukhang masama ang loob pero umupo pa rin sa itinuro ko na upuan. Tahimik siyang kumain. Maging ang mga kubyertos na gamit niya'y parang ayaw mag-ingay. Samantalang ako, nakataas pa ang mga paa habang kumakain at maingay na ngumunguya. "Ano'ng problema mo? Kanina ka pa ganiyan katahimik, ha!" Umiling siya at nagmamadali sa pagkain. Kaonti lang ang kinain niya. Tatayo na sana siya at dadalhin ang pinggan sa lababo nang pinigilan ko siya. "Mamaya mo na alisin iyan. Baka hindi ako makapag-asawa," tumawa ako nang sumimangot siya at binitiwan ang pinggan pabalik sa lamesa. "Ang lamig mo naman! Gusto mo ba sa kuwarto muna tayo? Painitin kita?" Ngisi ko. Tiim-bagang siyang tumayo nang walang paalam sabay hablot sa pinggan. Kahit pinigilan ko, dinala niya iyon sa lababo. "Hoy! Ano'ng arte iyan?" Walang lingon-likod siyang mabilis na umalis sa kusina. Hindi na niya nahugasan ang pinagkainan niya dahil sa pagmamadaling iwanan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD