Sa mga sumunod na araw, tahimik pa rin siya. Kahit inaasar ko, naiirita ang mukha pero hindi nagsasalita. Hindi nakikipagtalo.
Nang mag-break, natanaw ko silang kumakain. Madalas, sa ibang kaibigan niya ako tumatabi. Ngayon, sinadya kong sa kanya tumabi. Napalingon siya pero hindi naman ako pinagbawalan.
"Itong si Lucas at Catelynn hindi nawawala sa top students! Hindi ba kayo nahihirapan sa pinag-aaralan n'yo?" Sakto sa pag-upo kong tanong ni Rome.
"Nope. It's fun to study cases and researches." Nagkibit si Lucas.
"Basta nagr-review, hindi ka mahihirapan sa pag-sagot," si Catelynn na may maliit na ngiti.
Their convos struck up around studies. Nakikipag-usap siya sa mga kaibigan niya. Pero ako, hindi niya magawang sulyapan. Doon ko natanto na sa akin lang siya ganito at sa akin lang siya may problema. Siguro'y akala niya'y kung hindi niya ako kakausapin, titigilan ko siya? Well, his way of not talking to me is ineffective.
"Ang lakas mo palang kumain!" Puna ni Ryder.
Katapat ko si Rome. Katabi naman nito si Ryder. Si Leela'y nasa tabi nang girlfriend ni Lucas na katabi niya.
Tiningnan din ni Rome ang pagkain ko. Natawa rin siya. Kasi may kanin at ulam ako, may tinapay at dessert na chocolate pa.
"Mabuti hindi ka tumataba?" Si Rome.
Magkaka-edad silang lahat, matanda sila sa akin ng apat o limang taon. Hindi ko lang alam kung pare-pareho ba sila nang course na kinuha. Si Lucas at ang girlfriend niya lang ang sa palagay ko'y law dahil sa usapan nila. Patapos na sila itong taon.
"Hindi naman. Sexy pa rin," humarap ako sa aking gilid. "Hindi ba, Lucas?"
Natigilan si Lucas sa akmang pagsubo. Napatingin din sa kanya ang mga kaibigan niya't pati ang girlfriend niya. Gumalaw muna ang panga niya bago tumugon.
"I'm not judging people based on their body so I don't know," he continued to eat to show he didn't care.
Gusto kong dugtungan at tudyuin siya, pinigilan ko lang. Tumawa na lang ako at binalingan si Ryder.
"Sexy pa rin naman. Hindi ba, Ryder?" Iniliyad ko pa ang katawan ko. Natawa sila ni Rome. Tumango si Ryder.
Pagkatapos kumain, nagpaalam na ako. Nasa tapat ako ng mga locker, naglalakad papunta sa susunod na klase. Natigilan lang dahilan na mayroong humatak sa braso ko.
Hinila ako ni Lucas at dinala sa tagong gilid ng locker. Sumilip muna siya upang alamin kung mayroon bang mga tao na paparating o padaan. Nang walang makita'y saka niya ako muling hinarap.
Nakaharang sa gilid ko ang isang kamay niya, gamit pampigil sa aking umalis. Galit siyang nakayuko samantalang ako'y nakatingala sa kanya, hinihintay kung ano ang sasabihin niya at kung bakit kailangan pa akong itago sa gilid ng locker.
"Don't talk to me like that in front of my friends! Particularly in front of my girlfriend!" He snapped at me.
I was tempted to snap back but instead, I just smirked. I ran slowly my index finger over his chest while he's angrily gritting his teeth.
"But, I'm really sexy. Aren't I?" I chuckled. "You've seen my naked body. You know it."
"Hindi ako nakikipagbiruan, Lucienne! Paano kung mahalata ng girlfriend ko dahil sa mga ganyang pagtatanong mo?"
"Mahalata ng girlfriend mo na ano? Mahalata na may nangyayari—"
"Walang nangyayari!" Lalo siyang nagalit at lalo ring sumama ang tingin niya.
Tumawa ako at ipinatong ang dalawang palad sa kanyang dibdib. Bahagya akong mas tumingala.
"Wala naman pala kaya ano ang ikinakatakot mo?"
Hinuli niya ang dalawang pulso ko gamit ang kanyang isang kamay para hindi ko mahawakan ang dibdib niya at hindi mapagapang doon ang daliri ko. Padarag niya akong hinila palapit para mas mabugahan ako ng galit.
"I no longer want to play the game you wanted! Are you really like this? Do you really love flirting men?"
"What? Men?" I squinted my eyes. "I'm only flirting with you—"
"You are flirting with me and Ryder! I saw you!"
My lips parted and a smile slowly appeared.
"Ah…" Nang maalala ko ang naging biruan namin ni Ryder sa puno. "Kaya hindi mo ako pinapansin at kinakausap kasi nagseselos ka at iniisip na nilalandi ko si Ryder?"
Nagulat siya sa tanong ko. Lumuwag ang pagkakakulong ng kamay niya sa pulso ko dahilan para mabawi ko iyon. Ibinagsak ko ang aking likod sa locker. Naghalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Malaki ang ngisi ko at halos matawa.
"Nagseselos ka ba na dalawa kayo, Lucas? Iyon ba?"
"Nababaliw ka na ba?"
Nakakainsulto niya akong tiningnan pataas at pababa. Pinasadahan ang may takong na sapatos na pampasok ko, maikling palda, at hapit na blouse. Tumigil ang mga mata niya sa mata ko.
"Tingin mo ba talaga papatulan kita para iwanan ang girlfriend ko? Look at yourself. You don't even know how to wear decent."
Hindi ako nagsalita nang magpatuloy siya. Nakahalukipkip lang ako at nakataas ang kilay.
"Maybe?" I smirked. "Who knows one day your taste will change."
Inilingan niya agad iyon.
"I will never choose you over her! I will never lower my standard and choose you! Hindi ang mga kagaya mo lang na babae ang gugustuhin ko na pakasalan!" Galit na sigaw niya.
Bahagya akong napahiya pero hindi ko inalis ang ngisi ko. Pinanatili ko ang matapang kong mukha.
"Kasal? Sinabi ko ba na magpapakasal tayo?" Itinawa ko ang pagkapahiya.
Lalo siyang nagagalit sa mga pasarkastikong sagutan ko. Para bang kada salita na binibigkas ko'y nao-offend ko siya.
"Marami kaming plano. Magkasama kaming mag-aaral sa law school. Pagkatapos namin, magpapakasal kami. Kaya, huwag kang nangangarap na nagseselos ako dahil hinding hindi ko ipagpapalit ang girlfriend ko para lang sa kagaya mo!"
I don't know why his words embarassed and affected me but I refuse to give him satisfaction knowing that. Tumawa ako kasabay ng pag-irap. Binigatan ko ang katawan at lalong sumandal sa locker. I stared at him. His beautiful eyes don't look amazing today because its beautiful color is full of anger and annoyance.
"Bakit ka nagpapaliwanag? Tinanong ko lang naman kung nagseselos ka. Kung hindi, edi, hindi." Tumawa ako.
"Don't ever do that again! Don't ever talk to me like that again! Ayoko na maghiwalay kami nang dahil lang sa 'yo!" Madiin na babala niya. Pagkatapos ay iniwan ako doon.
Nabura ang mapang-asar na ngisi ko pagkalagpas niya. Huminga ako ng malalim at marahas na isinuklay ang mga daliri sa buhok. Pagkatapos ng ilang klase'y magkasabay kaming umuwi. Tahimik siya sa loob ng sasakyan. Ako, normal lang na sumasabay pa rin sa bawat kanta na tumutugtog at minsa'y nagh-head bang.
"Kung hindi mo ako papayagan na umuwi, ipakuha mo na lang ang sasakyan ko. Magkahiwalay tayong papasok simula bukas."
"Who are you to decide?" I said in sarcasm and then changed the song.
"Susundin ko ang lahat ng gusto mong ipagawa kapag nasa bahay ninyo tayo. Kapag nasa labas ayokong pinapakialaman mo ako," kalmado ngunit malamig ang tono ng boses niya.
Umirap ako sa ere. "Ako ang magd-desisyon, hindi ikaw."
Napatili ako nang biglaan ang pagtigil ng sasakyan. Napahawak ako sa suot kong seatbelt at saka siya nilingon. Gigil niyang mukha ang bumati sa akin.
"Hindi mo ako pag-aari! May utang ang magulang ko sa 'yo pero hindi mo ako pag-aari!"
Nagulat ako at halos mapa-atras sa lakas ng sigaw niya. Nakulong iyon sa loob ng sasakyan kaya imposible na hindi ko marinig. Napatitig ako sa mukha niya.
"Magt-trabaho ako habang nakatira ako sa inyo. Mag-iipon ako ng pambayad. Mayroon akong sariling pera at gagamitin ko iyon para maipambayad sa inyo. Kulang pa kaya magt-trabaho ako. Kulang pa kaya sa ngayon wala pa akong magagawa kung hindi ang sumunod sa gusto mo. Pero hindi lahat susundin ko dahil may limit din ako. Naiintindihan mo?"
Natahimik ako dahil sobrang galit na galit siya. Ang ilang ugat sa bandang leeg niya ay bumabakat na. Pinaandar niya ang sasakyan. Walang may kibo sa amin. Hindi na kami umimik sa isa't isa.
Pagkarating sa bahay, nanguna siyang bumaba pagkaparada. Nakasunod ako nang umakyat siya. Tuloy-tuloy siya at tumigil lang nang nasa tapat na ng pintuan niya.
"Do you need anything else?" Malamig niyang tanong habang nakahawak sa door knob.
"Uhm, right now? Nothing," pilit akong ngumisi.
Tinitigan niya lang ako sandali. Pagkatapos ay pumasok siya sa kuwarto niya. Napalabi ako pagkasara niya sa pinto. Ganoon na rin ang ginawa ko, pumasok ako sa sariling kuwarto.
Naliligo ako sa banyo nang maalala ang galit na galit niyang mga mata. Kung lalaki siguro ako'y nasapak o nabugbog na niya ako dahil gusto na niyang umalis sa bahay.
Kinabukasan nga, hindi ko na siya naabutan. Pinakuha niya ang sasakyan niya kaya ngayon, mag-isa akong pupunta sa school.
Malamig ang tingin ko sa mga sasakyan na nasa unahan. Hindi maganda ang mood ko. Hindi ko alam kung hang-over ba ito sa pagkapahiya ko sa mga sinabi niya kahapon.
Binuksan ko ang mga bintana at nakasimangot na tiningnan ang mga sasakyan. Gusto kong bungguin ang mga nasa harapan na ang babagal magpa-andar. Nagbuga ako ng nababagot na buntonghininga. Ngumisi ako at nakaisip ng kalokohan.
"Yeah!" I laughed after my car reached a maximum speed.
Nilagpasan ko ang mga sasakyan na nasa unahan na para akong naglalaro ng karera ng sasakyan. Halos hindi ko marinig ang malalakas na busina nila sa akin dahil sa bilis ng patakbo ko. May narinig pa ako na parang tumawag sa pangalan ko.
Nakagat ko ang labi nang makita ang stop light. Ilang segundo na lang ay malapit nang lumabas ang kulay ng stop sign. Naka-awang ang labi ko at malakas ang kalabog ng dibdib. Nagmistulang finish line ko ang traffic light.
Malapit na!
Napapatili ako sa loob ko.
Nakatodo ang apak ko sa silinyador nang sumakto ang paglagpas ko sa pagdaan ng mga sasakyan. Tila millisecond lang ang pagitan. Napasigaw ako at natatawang hinampas ang manibela.
"I won! Woooh! I love my life!" I laughed then turned on the stereo on a maximum volume.
Sumabay ako sa kanta habang tumatawa at nasa labas ang isang kamay.
Tama naman si Lucas. I don't want to be reprimanded. I don't care about anything else as long as I'm having fun. My mindset and I are different from other girls. I enjoy the wild. I enjoy the trouble. Walang lalaki ang gugustuhin akong pakasalan. Walang lalaki ang gugustuhin akong makasama habang buhay. Tumawa ako nang malakas habang umiiling.
"Hindi ko kayo kailangan!" Sigaw ko sa nakabukas na bintana. "Pare-pareho kayong mga lalaki! Mga putang ina ninyo!"
Natawa ako dahil halos hindi ko marinig ang sinasabi ko sa sobrang lakas nang tugtog sa loob sasakyan. Wala naman akong problema sa lalaki pero gusto ko lang sumigaw. Even if he's right, I just play with them, I don't need men in my life anyway.
"No one wants your opinion!" Pasigaw kong sabay sa kanta. "f**k you! f**k you very very much!"
Natawa ako sa lyrics. Itinaas ko ang kamay ko na nakalabas sa bintana para doon sa labas mag-dirty finger.
"f**k you ka, Lucas! Mas mahinhin lang sila pero mas mabait ako!" Umiling ako at hininaan ang tugtog sa loob ng sasakyan dahil natanaw ko na ang eskuwelahan.
Pagkababa ko sa sasakyan, namataan ko ang sasakyan ni Lucas na papasok din. Hindi pa man niya naipaparada ng maayos iyon ay bumukas na ang pinto. Galit na galit siya nang bumaba at nagawa pang ihampas pasarado ang pinto ng sasakyan niya.
"Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw niya habang lumalapit sa akin. "Nakita kitang magpatakbo! Paano kung madisgrasya ka o makadisgrasya ka!"
Natawa ako at tinaasan siya ng kilay. Pulang-pula siya sa galit. Siya siguro 'yong narinig ko na tumawag sa pangalan ko.
Naglalakad siya palapit, pasulong kung nasaan ako. Habang ako naman ay naglalakad paatras. Nakaharap ako sa kanya subalit patalikod ang lakad, palayo sa kanya.
"Sorry po, Daddy! Hindi na po mauulit!"
Nginisian ko siya.
"Lucienne!"
"Ayaw mong maging daddy? Alright. Sorry, Attorney!" I saluted him with a wink and then I turned my back on him.