The peaceful sound of the waves and the cry of the birds woke me up. Dumilat ako at bumungad sa paningin ko ang bubong na gawa sa pawid. Hinahampas ng hangin ang puting kurtinang nakatabing sa bintanang yari sa pinaghalong pawid at kawayan. Nang tuluyang magising at mapagtanto na hindi pamilyar sa akin ang lugar na minulatan ko’y napabalikwas ako. “Ugh!” Mahina akong dumaing at napahawak sa balikat kong mayroong nakatapal na halamang gamot. Tumulala ako sa sahig na gawa sa kayumangging kawayan. Maging ang papag na kinahihigaan ay ganoong gawa rin sa kahoy. Ang pinto ay walang harang kung hindi kurtina lamang. Bahagyang hinangin ang kurtina dahilan para malaman kong nasa pangalawa akong palapag. Hindi ganoon kataas ngunit mayroon ilang baitang na hagdan bago makababa sa sala. Nakatakas

