Pagkalabas ko'y naabutan ko ang lalaki na nagsasampay ng mga bagong laba na damit. Malawak ang espasyo sa gitna ng bahay na nagsisilbing garden dahil sa ilang puno at halaman. Ang banyo at kusina ay nakabukod. Sa isang tabi ay mayroon ihawan. Seeing the grill, I suddenly craved marinated meat. Naghanap ako ng maaaring lutuin sa fridge at nagmarinade ng beef kahit tatlong oras lang. Naligo ako at nag-ayos ng gamit para bukas. Inilagay ko na rin sa backpack ang mga gamit na dadalhin. Pagkatapos palipasin ang oras, lumabas ako na bitbit ang iihawin. Hindi ako ganoon karunong ngunit madali lang naman basta napabaga na ang uling. "s**t!" Napatingin ako sa nagmurang lalaki at nakita na mabilis niyang hinaklit ang mga sinampay niya. Tiningnan ako ng masama nito habang inaabot ang huling damit

