He was wearing baggy pants, an old shirt, and a sweater cardigan. Sa anyo niya, mukhang lumabas siya at nagtungo sa malapit na convenience store base na rin sa hawak niyang supot na naglalaman ng mga inumin at pagkain. "I should be the one asking you that, who are you? What are you doing at my house?" Nagsalubong ang kilay niya at tiningnan ang inaambahan ko sanang kunin na pigurin. Pagbalik sa akin ng mata niya, may panghuhusga na roon. "Are you a thief? That figurine is worthless. You can't find valuable things from this house. If you're looking for something to sell, you should be stealing from a bigger house, not here." Saglit akong napanganga bago natawa. Hindi pa ako nakakabalik ng salita nang lumapit siya. Hinawakan niya ako sa braso, hinihila niya ako at pinapalabas sa pintuan

