“T—Teka! Saan ba ninyo ako dadalhin?” tanong ko kay Daddy Ben na nakangisi. Ipinasa ako kay Daddy Ken na nakangiti din na umiiling. Hinawi ni Daddy Ben ang bahagi ng kanyang walk-in closet. Kung saan nakahanger ang mga coat nito. Nagulat ako ng may pindutin ito at bigla na lang nagkaroon ng malaking pinto dito. Nagulat ako at napatingin sa dalawang matanda. Sumunod lang ako sa kanila, at napanganga ako ng makita ko ang red room. Isang silid-tulugan ito na may temang pula at itim. Pula ang dingding, may itim na panel, pulang kurtina, at puting ilaw sa kisame. Sa gitna ay ang bilog na kama na may pulang unan. “A—Ano ‘to? Adjustment room?” tanong ko sa magkapatid na tumango. Paglapit ko sa bintana, nagulat ako sa nakita ko na tanawin. “Ang likod ng bahay na ito ay malawak na bangin,

