“Ano?! Abala ka? Ganyan mo ba tawagin iyon? Abala ka habang ang empleyado mo ay halos ihagis na ang sarili sa iyo? Bakit may mga babaeng mababang uri sa mundo? Hindi ako nagmamalinis, pero pag alam ko na may karelasyon na ang isang lalaki, hindi ba dapat dumistansya na?” Parang pakiramdam ko, wala akong pwedeng sabihin kay Jevie. Dahil alam ko rin na pagod ito sa pag-aalaga ng mga bata, kahit pa may mga sariling Yaya ang triplets. Ang boses ni Jevie kanina ay matalas at mapanuri. Tumagos sa nakakabinging katahimikan ng aming silid-tulugan. Nakaramdam ako ng panginginig na dumaan sa aking gulugod. Alam ko na nasa malaking problema ako. Binuksan ko ang aking bibig upang sumagot, upang magpaliwanag, para kahit papaano ay mapagaan ang nangyari, pero ang mga salita ay natigil lang sa aki

