Habang nasa trabaho ako, nagkukwentuhan kami ng mga katrabaho ko. Dumaan sila Daddy Ken at Ben. Kumindat sa akin si Daddy Ken at nagtilian ang ibang mga employees.
“Jevie, prayer reveal naman dyan oh?” sabi pa ng isa. Natatawa ako na umiiling na lang. Si Nora ang pinaka close ko dito, siya lang ang bukod tangi na nakakaalam ng relasyon ko kay Brayell. Habang ang iba ang alam lang nila, simpleng empleyado lang ako, at sadyang mapaglaro lang ang mga Williams.
“Aaaaaaay! Lapit mga marites!” sigaw ni Gerlie. Ako naman patay malisya. Hindi ko akalain na nakita pala nito ang sing-sing na suot ko.
“Hoy! Teka! Bakit mo kinagat?” tanong ko kay Gerlie na nakangisi.
“Tunay! Ikaw nga umamin sa amin, Jevie. Sino ang asukal de papa mo?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Gerlie. Mabait ang babae, kaso masyado itong maingay, kaya't pili lang ang alam nito sa buhay ko.
“Wala, para kayong ano,” nakayuko na sagot ko. Ang iba ay nakaupo na rin sa pwesto nila. Pero nakatingin pa rin sa akin at hinihintay ang sagot ko.
“Siguro, jowa mo si Mr. Kenneth Williams no?” tanong ni Rico.
“Hoy mahiya ka! Mamaya may makarinig pa sa atin. Bawal pa naman ang chismis dito,” pagsaway ko sa lalaki.
“Engaged ka na kay Brayell?” pasimple na tanong ni Nora sa akin na tinanguan ko. Halata ang kilig nito at kinurot ako sa tagiliran.
“Worth it ang pagsubo girl!” sabi nito na pinagtawanan ko.
“Tingnan mo na ang mag bestfriend na ‘to! Napaka mga makasarili. Hindi man lang sabihin sino ang asukal de papa ni Jevie,” si Gerlie na pinagtawanan lang namin.
Ayaw ko kasi sabihin na kasintahan ko ang anak ng may-ari ng BKW Malls. Mas gusto na ko lowkey lang para walang issue na marami.
“After daw ng graduation niya. Isang taon na lang din naman, tapos na si Brayell,” sabi ko sa aking kaibigan na tumango-tango.
“Masaya ako para sayo. Alam mo yan! Atleast, magkakaroon ka na ng kasama habang buhay. Congrats ulit,” sabi nito habang malaki ang ngiti sa labi. Hindi naman lingid sa kaalaman nito ang pinagdaanan ko. Parang bukas na aklat ang buhay ko dito.
Katulad ng mga nagdaan na araw. Nakita ko sa parking lot ang sasakyan ni Brayell. Hindi naman kami sa nagtatago, sadyang nag-iingat lang ako. Kaya't nilibot ko muna ang aking paningin, bago binuksan ang pinto ng sasakyan.
“Love, para kang magnanakaw na nagtatago. Hahaha! Ikinahihiya mo ba ako?” tanong ni Brayell sa akin na inismiran ko lang.
“Saka na kita ipakikilala sa lahat, pag kasal na tayo. Mamaya mapulaan pa ako. Alam mo naman ang mundo, masyadong masama sa katulad ko na dukha,” sabi ko dito matapos ko makaupo. Hinalikan ko ito sa labi at umiiling na lang.
“Ang dami mo kinatatakutan love, dapat handa ka sa lahat ng mangyayari. Masyadong maikli lang ang buhay natin. Live your life to the fulliest,” sabi nito na inismiran ko lang.
Sa aming dalawa, ito talaga ang malawak ang pang-unawa. Habang ako, lagi na lang ako nagtatago. Dahil alam ko na pag nagkamali ako, wala naman akong iiyakan at hindi ko alam kung sino tutulong sa akin para bumangon. Kaya maingat ako sa aking mga desisyon.
“Love, date tayo mgayon?!” masaya na sabi ni Brayell.
“Ikaw, ikaw naman naman lagi ang gumagastos ‘e. Kaya ikaw masusunod,” sabi ko dito na ngumiti. Pinisil ng aking kasintahan ang aking pisngi, na paborito nitong gawin.
“I love you, Jevie. Sobrang mahal na mahal kita,” sabi nito na nagbigay kilabot sa akin. Parang pakiramdam ko, nag echo sa buong sasakyan.
“I love you, more. Alam mo yan!” sagot ko dito, sabay dakma sa bukol nito sa pagitan ng dalawang hita.
“Love! May date pa tayo, nagpareserved na ako sa restaurant,” nakanguso na sabi nito. Natatawa ako, dahil matigas na kaagad ang alaga nito.
Tinigilan ko na dahil namumula na ang tenga nito at nakanguso narin, parang bata. Pagdating namin sa restaurant, kaagad na pinagbuksan ako nito ng pinto ng sasakyan at nakaalalay ang isang kamay nito sa aking ulo.
Hanggang paglabas, papasok sa kainan. Nakaalalay ang kamay nito sa likod ko. Napaka gentleman talaga. Pinagbuksan pa ako ng salamin na pinto. Maging sa maka reserved na pwesto namin, pinaghila ako ng upuan.
Bihira ang lalaki na ganito. Lalo na sa mga edad namin. Masasabi ko na, literal na para akong nanalo sa lotto! Nakatitig lang ako sa lalaki habang nag oorder ito ng pagkain namin.
Nasa dulo kaming bahagi, malayo sa karamihan. Ang pwesto namin ay hindi pansinin. Pero hindi pa rin nakawala sa mata ng mga kababaihan na humahanga sa aking kasintahan.
“Hindi ko gusto ang tingin sayo ng security guard kanina,” sabi nito.
“Ang kagat-labi nga na tingin sayo ng front desk hindi ko na pinansin pa,” sagot ko naman dito.
Tahimik lang si Brayell, kaya dinukwang ko ito at hinalikan sa labi. “Wag ka na magtampo. Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko,” sabi ko dito kaya't biglang umayos ang kanyang mukha.
Magana kami kumain dalawa at nagtatawanan pa. Hindi ko alam kung ano ang naisipan nito, halos every other day kami kumakain sa labas at ngayon, plano naman nito mag out of town kami.
“Kahit sa Tagaytay na lang tayo, love. Ako bahala sa schedule mo. Gawin nating atleast two days. Para naman sulit. Mag honeymoon tayo doon,” sabi nito sabay tawa. Kung pwede lang bawiin ang birth control shot ko ‘e. Kaso hindi na!
Sa ganitong ugali ng lalaki, na mas malinaw ang relasyon namin, parang gusto ko na magpa-anak. Hindi katulad sa mga nakalipas na taon, parang pakiramdam ko, teenager lang kami at puppuy love lang ang meron kami na uri ng pagmamahalan.
“I love you,” sabi na naman nito na nginitian ko. Nakatitig lang ako sa mga mata nito. Parang naluluha ako, dahil ramdam na ramdam ko ang umaapaw na pagmamahal niya sa akin ngayon.