Alas-sais pa lang ng umaga, at ang amoy na kaagad ng bawang, sibuyas, at luya ang sumasama sa hangin ng aming kusina. “Ang bango mo, Nora. Amoy sibuyas!” pagbibiro ko sa aking kaibigan. “Alam natin pareho na ang amoy ng sibuyas ay medyo… amoy tinapay ‘yung boom!” sabi ko pa, habang nakangisi. “Inamo Jevie! Bagong ligo ako, kahit kilikili ko, bagong ahit. Kaya, mas malinis pa ako kay Mr. Clean!” may action pa na sabi nito habang tumatawa. Si Brayell, ang aking kasintahan, ay nag-text kagabi, nag-request ng kare-kare, kaldereta, at orange chicken para sa kanyang uncle at daddy. Ang problema? Wala siya rito para tumulong! Mabuti na lang at day-off din si Nora, ang aking matalik na kaibigan na nakilala ko sa trabaho, kaya’t may kasama ako at katulong sa pagluluto. "Nora, tara na! Mukhang

