CHAPTER: 3

1284 Words
Maaga ako hinatid ni Brayell sa bahay. Katulad ng nakasanayan niyang gawin, aalis din ito kaagad, dahil may pasok pa ito sa school. Habang ako, matutulog ulit ng lahit isang oras, dahil may pasok pa ako sa trabaho. Pero iba ngayon, halos hindi ako nakatulog dahil sa sobrang saya. Hindi ako maka-move on sa proposal ni Brayell. Ganito pala ang pakiramdam na planong pakasalan ng taong mahal mo, hindi dahil buntis ka na, kundi dahil mahal ka niya ng totoo. Pero hindi naman ako against sa mga babae na nabuntis muna, bago ikasal. Sa akin lang naman ‘to. Umaga na, pero ang alaala ng mga nangyari kagabi ay paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan. Ang mga mata ni Brayell na puno ng pagmamahal, ang kinang ng singsing na nagrereflect sa ilaw ng lampshade habang nakahiga kami. Maging ang lambot ng kanyang mga kamay habang hawak ang aking mga kamay. Lahat ng iyon ay tila isang panaginip na ayaw kong magising. Grabe! Hindi ko akalain na malapit na sa katotohanan ang Cinderella love story namin. Naalala ko pa ang pag-aalinlangan ko noon kay Brayell, hindi ko noon pinapansin ang binata, dahil akala ko, katulad sa mga pelikula at drama, baka may mga barkada na nag pustahan. Na baka ako ang napagtripan nila. Dahil mahirap lang ako at isang kahig, isang tuka. Pero bawat araw magmula ng ligawan niya ako, pinaramdam niya sa akin na mali ang iniisip ko. Pinatunayan niya sa akin na mahal niya ako, higit pa sa inaakala ko. Hindi ako naka-idlip man lang, hanggang sumapit na ang oras ko sa trabaho, habang naghahanda ako para sa pagpasok, hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Masaya ako hanggang makarating sa trabaho. Napalingon ako ng tawagin ako ni Nora, ang kasamahan ko sa trabaho. Dadaan pala si Brayell kasama ang daddy nito at uncle. May mga bodyguards din sa gilid at likod nila. Mukhang naglilibot sila, dahil nakaraan ang usapan nila ay expansion ng kanilang mga negosyo. “Ang gwapo talaga ng jowa mo, girl! As in! Pero mas bet ko ang Daddy niya, o kaya ang Uncle,” sabi ni Nora na pinagtawanan ko lang. Ang layo talaga ng mundo namin ng kasintahan ko. Langit siya at ako, parang mas mababa pa sa lupa. Pero kahit ganun, proud ako dito. Dahil hindi ito matapobre, katulad ng ibang lalaki. Hindi rin mayabang at lahat din ng pagkain ay kinakain. Kahit pang mahirap lang. Napayuko ako ng dumaan ito sa tabi ko at kindatan ako. Ang mga kababaihan ay kinikilig sa simple gesture ni Brayell. Dalawa lang sa kasamahan ko ang nakakaalam na kasintahan ko ang binata. Dahil lowkey lang kami. Gusto niya na ipagsigawan na girlfriend niya ako, pero ayaw ko. “Ay be! Kamusta ang garter ng undies? Hindi ba pumitik?” tanong ng isang kasamahan ko sa trabaho na medyo malambot kumilos. “Puro kayo kalokohan! Magtrabaho na nga tayo. Bawal na bawal ang chismis dito, baka mawalan tayo ng trabaho,” nakangiti na sabi ko sa mga ito. Kaya't niligpit ko na ang mga damit na parang mga ukay-ukay kung tingnan ng ibang mga customer. Mga ginulo talaga! Pero pasimple ko sinilip muli ang mga Williams. Ang ganda naman talaga ng tindig ng magkapatid. Naiintindihan ko si Nora kung bakit gusto niya ng matured type na lalaki. Ang gwapo naman talaga ng dalawa. Habang ang kasintahan ko ay baby boy pa ang itsura. Pero sigurado ako, katulad din ng dalawang lalaki sa tabi niya si Brayell pag medyo naka edad na. “Jevie! Magtrabaho na tayo! Wag ka pasulyap-sulyap,” natatawa na panunukso ni Nora sa akin na inilingan ko lang. Natapos ang maghapon ko na puro trabaho lang ang inaatupag ko. Ngayon ay sakay ako ng jeep pauwi at pagod na pagod ako. Mayroong tatlong araw kasi na sale ang mall. Kapag ganito na 50 to 70% ang binababa, halos mapuno ang gusali. Pagdating ko sa bahay, akmang ipapasok ko pa lang ang susi sa doorknob, nang biglang bumukas ito. Napangiti ako nang may sumalubong sa akin na halik. “Ang tagal mo, OT ka?” tanong nito sa akin na tinanguan ko. “Dalawang oras,” sagot ko. “Hayst! Kahit kasi hindi ka na magtrabaho ‘e. Kaya naman kitang buhayin. Ewan ba sayo, nagpapakahirap ka pa,” malumanay na sabi nito. “Hayaan mo na lang ako, nag eenjoy naman ako sa trabaho. Teka, hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka dito, sana namalengke muna ako.” “Nag grocery na ako. Inayos ko na rin sa loob ng refrigerator. Double check mo na lang kung tama ba ang ginawa ko. Pero sinunod ko naman ang tinuro mo,” parang bata na sabi ni Brayell. “Okay na ‘yan! Hahaha! Ano pala ang ulam natin?” “Hindi ko rin alam, pero namimiss ko kumain ng seafoods. Kaya may dala ako, nag order ako kanina sa restaurant. Pero, gusto ko ng appetizer,” malambing na sabi nito, sabay halik sa leeg ko. “Maliligo muna ako, magpapahinga lang ako love,” malambing na bulong ko sa aking kasintahan sabay yakap. Dahil pagod na pagod talaga ang binti ko sa trabaho. “Tsk! Okay lang, kahit wag muna. Baka mapasama pa ang paliligo mo. I'll just get you a towel. What did you teach me before? Was it warm water?” Tumango lang ako at nahiga na sa kama ko na maliit. “Love, pupunasan muna kita. Tapos kumain na muna tayo, bago ka matulog,” narinig ko na sabi nito, pero nanatili ako na nakapikit. Kung wala lang ito, iinom na lang ako ng gatas at matutulog na lang ako siguro. Napaungol ako ng nararamdaman ang sarap ng bimpo sa aking mukha. Maligamgam nga! “Magtigil ka nga love, tinitigasan ako ‘e. Sige ka, kakantutin kita,” pagbibiro nito na alam ko na hindi imposible na totohanin. “Ang sarap sa pakiramdam, love. Parang gusto ko ng matulog,” “Tsk! Sasabihin ko kay Daddy, alisin ka na sa trabaho. Paano pag wala ako dito? Matutulog ka na lang?” Napaupo ako kaagad dahil sa sinabi nito. Mabilis akong bumaba sa kama, dahil baka totohanin nito ang sinasabi. “Love halika na! Nagugutom na ako!” nakangiti na sabi ko dito. Kahit wala akong suot na saplot, naupo na ako sa harap ng lamesa. Magana kaming nag salo sa pagkain. Literal na nakaupo lang ako at sinusubuan ni Brayell. Ganito ito kapag kaming dalawa lang. Para akong sanggol na pinagsisilbihan nito. “Umayos ka nga love, alagaan mo ang sarili mo. Paano na lang kapag wala na ako? Hindi ka na kakain?” malumanay na sermon nito. “Hindi na, magpapakamatay na ako. Para saan pa at mabubuhay pa ako? Susundan kita kaagad sa kabilang buhay,” nakangiti na sagot ko dito sabay yakap. “Tsk! Gusto ko, alagaan mo ang sarili mo. Kung paano kita alagaan at mahalin. Wag na wag mo isipin na sirain ang buhay mo. Lagi mo tatandaan, may second life pa. At doon natin itutulog ang walang kamatayan na pagmamahalan,” sabi nito na nginusuan ko lang. Handa akong harapin ang mga hamon ng buhay, dahil alam kong may Brayell sa aking tabi. Na hindi lamang aking kasintahan, kundi aking pinakamatalik na kaibigan, aking tagapagtaguyod, at higit sa lahat, ang lalaking mamahalin ko habambuhay. Pero dahil sa sinasabi nito ngayon, nagkaroon na naman ako ng pangamba. “Natatakot ako mag-isa,” mahina na bulong ko habang nakahiga na kami sa kama. Lumingon ito sa akin at ngumiti. Hinalikan ako sa noo. “Hindi ka mag-iisa, pangako yan!” Ipinikit ko ang aking mga mata habang may ngiti sa aking mga labi. Dahil lahat ng sinabi nito, tinupad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD