CHAPTER: 4

1069 Words
Maganda ang sikat ng araw ngayon. Maaliwalas din ang langit. Wala akong pasok kahit araw ng lunes, dahil day-off ko. Maaga akong naligo dahil maglalaba ako. Hinihintay ko lang ngayon na maluto ang kanin na sinalang ko sa rice cooker at kakain na ako para makapag simula ng maaga at maagang matapos. Nag prito ako ng tuyo at itlog kanina, may kamatis din ako na ginayat na merong sibuyas at bawang. May noodles din na seafoods jampong flavor. Dahil mahilig ako sa maanghang na pagkain. Kaya't sigurado mamaya, ganado na naman ako. Habang sinusuklay ko ang aking buhok, napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ang sarap pagmasdan ng langit ngayon. Ang ulap at ang kalmado. Hindi din masakit sa balat ang sikat ng araw. Walang sinampay ang kapitbahay kaya't solo ko ngayon ang sampayan sa likod bahay. Ganito kasi sa amin, may nakikisampay kapag araw ng sabado at linggo. Mga may estudyante na anak. Matapos ang limang minuto, sa palagay ko ay luto na ang kanin, kanina pa kasi bumaba sa lukewarm. Nagtimpla ako ng black coffee at nagsimula ng mag sandok ng pagkain. Pero paupo pa lang sana ako ng dumating ang aking kasintahan. “My fave! Hindi man lang ako tinawagan,” nakanguso na sabi ni Brayell na nakatayo na sa pintuan. May dalang paper bags na mukhang pagkain ang laman, at eco bag na sa hula ko ay groceries. Dahil hindi pumupunta ang aking kasintahan dito na sarili lang niya ang dala. “Ano na naman ang mga bitbit mo? Halika na, kumain na tayo!” nakangiti na salubong ko dito sabay halik ng magaan sa kanyang labi. “Pancit at pandesal, your fave almusal. With siomai and siopao. My Goodness! Ang bango ng pagkain, kakain muna ako,” sabi nito sabay upo. Ipinaghain ko ng pagkain si Brayell at sabay kami na magana na kumain. Ito ang gusto ko dito, hindi maarte dahil laki sa yaya. Kaya't kahit ano lang din, kinakain nito. “Love, nasobrahan ata ako ng kain,” sabi ni Brayell na tumatawa pa na tumayo. “Taob ang kaserola sayo ‘e. Hindi naman halata na ganado ka love,” sabi ko dito. Dahil talaga naman kapag tuyo ang ulam, ang dami talaga nito kumain. Mabuti na lang dinamihan ko ang sinaing na kanin, dahil para sana hanggang mamayang hapon. Kaso, malakas pang-amoy ng lalaki. Binabantayan ata ang schedule ko. “Tara sa loob, love! May burn tayo ng kinain natin,” nakangisi na sabi nito sa akin sabay yakap. Mabuti na lang nag sipilyo na ‘to kaagad. Dahil ngayon ay humahalik na kaagad sa leeg ko. Ayaw ko naman mangamoy tuyo. “Hay nako! Ang dami ko gagawin. Maghugas ka na ng plato, maglalaba pa ako,” sabi ko dito, sabay kinalas ang kanyang braso sa bewang ko. “Dumayo nga ako para makipag bebe time, tapos tagahugas lang ng plato. Sa bahay nga—” hindi na natapos ang sasabihin nito ng tingnan ko ng masama. “Edi umuwi ka na!” sabi ko, sabay talikod. Pumasok ako sa silid ko at kinuha ang laundry basket. Dinala ko sa banyo at nakapwesto na ako para maglaba. Napapangiti ako ng lihim, dahil galit-galitan lang ako. Dahil alam ko na walang matatapos kapag pinagbigyan ko ito. “Ang sungit ko naman, buntis ka na ba?” tanong nito sa akin habang nakangiti. “May regla ako ngayon!” pagsisinungaling ko dito na napakamot na lang ng kanyang ulo. “Pwede naman, hindi ko na lang kakainin. Dyan tayo sa banyo, para hindi makalat,” bulong nito habang papalayo. Napangiti ako ng marinig ko ang kalansing ng mga kutsara. Sa palagay ko ay naghuhugas na ang lalaki. Hindi naman marami ang damit na labahan ko, may washing machine naman kaya't saglit lang ito. Ang mga pambahay lang ang nilabhan ko sa washing at hand washed ang aking uniform at mga undergarments. “Sabi ko ng bibilhan kita ng automatic na washing machine ‘e. Bakit ba ayaw mo?” nakasandal sa pinto si Brayell habang nakatingin sa akin. “Magastos ‘yun sa tubig love. Tsaka, okay na ako dito. Takaw space din ‘yun, saan ko ilalagay? Ang sikip na nga ng bahay na ‘to,” sagot ko. “Ibuka mo pa ang hita mo love, singit mo pa lang ang nakikita ko. Hindi pa ang biyak,” natawa ako na tinapunan ng tubig ang lalaki na kagat-labi na nakatitig sa pagka**bae ko. “Tigilan mo yan, love. Hindi tayo matatapos kung puro ka kamanyakan! Banlawan mo na itong iba,” utos ko dito na ngumuso lang. Naghubad na ng kanyang pantalon at damit. Tanging boxer lang ang suot. Pumasok sa banyo at tinulungan ako. Ang ending, siya halos gumawa ng lahat. Nakakatuwa dahil kahit lalaki ito, maganda ang pagkakasampay niya. Hindi katulad ni Tiya noon, kahit babae ang gulo ng sinampay. Ito, halata na metekoloso na tao. “Tao po!” nagkatinginan kami ni Brayell dahil wala naman kaming inaasahan na bisita. Sabay kami nag banlaw ng kamay at tinungo niya ang pinto. “U–Uncle, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Brayell sa kanyang kausap. Kaya't ako naman ay lumapit. “Magandang tanghali po, pasok ka po.” sabay talikod ko. Si Uncle Ken pala ang bisita. “Nagtingin kami ng mga properties malapit dito. Nauna ng umuwi si Kuya, dahil may mga meetings pa siya na dadauhan. Nakita ko kasi ang kotse mo sa labas ng daan naka park, kaya't bumaba ako. Akala ko may ibang ibinahay ka na ‘e. Dito pala ang bahay ni baby girl,” sabi nito. “Opo, naglalaba nga kami,” sagot ni Brayell. Ako naman ay nag excuse na at maghanda na ako ng pagkain na dala ni Brayell kanina. Tumingin ako ng pwede lutuin at sinalang ko na lang ay sinigang na baka. Palalambutin ko sa pressure cooker. Hinarap ko na rin ang mga damit sa banyo at inayos. Baka kasi may gumamit, puno ng harang. Habang nagsasampay ako, nagpaalam si Brayell na maliligo muna. Matapos ko magsampay sa likod, sa kusina naman ako at nagluto. Napalingon ako ng maramdaman ko na parang may nakatitig sa akin. Paglingon ko, seryoso na nakatitig si Uncle Ken sa kanyang cellphone. Kaya't pinagtuunan ko na lang ng pansin ang niluluto ko. “Ay!” nagulat ako ng may yumakap sa likod ko at pisilin ang isang dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD