Napangiti ako ng maalala ang mga naganap noong nakaraan. Naging okay naman ang lahat sa akin. Ang problema ko lang, parang aso’t-pusa ang kambal. Hindi sila katulad sa mga kapatid ko, na magkakasundo. Ako pa naman ang tipo ng tao, na mabilis mainis sa ingay, hindi din ako nakikipagtalo, dahil ayaw ko ng paulit-ulit. Kaya ang relasyon na meron kami, hindi ko rin sigurado kung paninindigan ko. Mahal ko sila, pero hindi ko sinasabi. Dahil minsan, mas lamang ang inis ko sa dalawa. Kapapasok ko lang sa loob ng room, mukhang kadarating lang din ni Nico. Dahil kalalapag lang nito ng kanyang dala na gamit sa ibabaw ng lamesa. Ang lakas talaga ng dating nito, ang gwapo at ang ganda ng tindig. Habang pinagmamasdan ko si Nico, hindi ko maiwasan na hindi ma-akit. Naalala ko na naman noong unan

