Lihim ako na nangingiti, watching Annabel lying on the floor, totally lost and confused about what was going on. Para itong bata na pinagalitan ng kanyang magulang. Kanina, unang tungin ko pa lang dito, hindi ko na magawa pang alisin ang aking mga mata sa kanyang maamong mukha. Nilingon ko si Nico at nakangisi na tinitigan. Halata ang inis nito sa akin, habang papalapit ng hakbang kay Annabel. Binuhat nito ang dalaga mula sa pagkakasalampak sa sahig na malamig at nilapag sa ibabaw ng kama, kung saan nakaupo din ako. “Umuwi ka na nga! Hindi ka naman pala kasali dito,” sabi ni Nico sa akin. Parang isip bata na naman ito ngayon. “I thought you were going home already? What are you still doing here?” pang-aasar na tanong ko naman dito, habang nakangisi. “Gusto mo alisin ko ang ngisi sa

