Matapos ang show ko sa VS fashion, nagmamadali kami na sumakay ng eroplano. Dahil hindi na daw kaya ng nurse at mga kasambahay si Nico. Bagay na ipinagtataka ko. Nananatili na tikom ang bibig ni Kai at halata ang pag-aalala sa mukha nito. Kaya't lalo akong kinabahan, at gusto ko literal na liparin ang pabalik ng bansa, para malaman ano nangyari kay Nico. Matapos ang halos labing-lima na oras! Sa wakas ay nakarating na rin kami sa bansa. Sakay kami ng BMW na sasakyan at kinakabahan ako habang papalapit sa bahay ng pamilya Capistrano. “Frontal Lobe Syndrome,” yun lang ang naintindihan ko sa dami ng sinabi ni Kai. Ngayon ay nakatitig ako kay Nico, naglalaro ito ng tubig, habang binabantayan ng kanyang nurse na lalaki. “Dahil sa aksidente ‘to?” tanong ko kay Kai. “Oo, car accident.

