Nakaupo ako sa gilid ng stage. Wala akong rampa ngayon, dahil nanonood ako sa mga supermodels na rumampa para sa sikat na brand ng damit at sapatos. Katabi ko si Rona, ang apo ni Aling Sheila. Ang ina nito ang namamahala sa bahay na naiwan ni Mommy Jevie, kinuha ko mula sa Pinas, dahil pangarap din daw dito sa ibang bansa makarating. Kaya't ginawa ko muna na assistant ko. “Miss Anna, may bisita ka po. Nasa backstage, Kai daw ang pangalan,” nagulat ako sa sinasabi nito. Tumayo ako at sumunod kay Rona. Pero habang naglalakad, kumakabog ang aking dibdib. Napatitig ako sa lalaking nakatalikod. Ang buhok nito ay hindi na undercut ang gupit. Ngayon ay modern mullet na, parang buhok ni Daniel Padilla. Ang dating sakto na pangangatawan nito na may konting muscle, ngayon ay pumuputok na. Para

