Simula ng naghiwalay kami ni Nico, wala na akong naging balita tungkol sa kanya. Para akong nawalan ng isang bahagi ng aking sarili. Walang balita, walang tawag, walang kahit anong senyales. Tuluyan na raw ito umalis sa kanilang bahay at lumayo sa kanyang ama at kapatid. Yan ang kwento ni Kai at ni Daddy Herman sa akin. Nakaramdam ako, na para bang ako ang responsable sa mga nangyari, kaya't ng malaman ko na aalis ang aking mga magulang, biglaan akong sumama sa kanila sa ibang bansa. “Anong nangyari?” tanong sa akin ni Mommy, Jevie. Hindi muna ako umimik, tumingin lang ako sa bintana at pinagmasdan ang walang katapusan na paggalaw ng ulap. Huminga muna ako ng malalim, bago ako nagsalita. “Mukhang nakasira ako ng pamilya,” mahina at medyo mahina na sabi ko sa aking ina, bilang pagb

