KABANATA 1

1616 Words
5:00 AM ANG CALL time ng production nila Venice, kaya naman ay nagising siya ng tumawag si Gret sa kanya, her manager. Tumingin siya kay Damon na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakatulog pala sila sa office nito. Napangiti naman siya. Hinaplos muna niya ang mukha nito at dahan-dahan na bumangon para hindi ito magising. Nahirapan pa siya dahil napakahigpit ng pagpulupot ni Damon sa baywang niya. Laging ganito ang eksena 'pag babangon siya at aalis sa bisig nito. Parang lagi siya nitong kinukulong. Well, gusto naman niya ang pagka-possessive nito. Ibig lang sabihin ay talagang takot ito na mawala siya at alam niya na mahal siya nito. Naalala niya tuloy kung paano sila nagkakilala. (Flashback) THAT TIME AY depress na depress siya. Lagi kasi siya pinagpapalit ng boyfriend niya 'pag hindi niya pinagbibigyan ang mga ito. Syempre, hindi siya nag-boyfriend para lang sa pagbigyan ang init ng katawan ng mga manyak na 'yon. Kaya lutang na lutang siya habang patawid ng kalsada. Bumili lang siya ng kape dahil talagang napuyat siya kakaiyak sa ex boyfriend niya. Hindi niya makalimutan ang eksena na naabutan niya sa condo nito. Her boyfriend and a girl from a bar na napulot nito ay nagtatalik na akala niya ay mga aso. Diring-diri siya 'pag bumabalik sa isipan niya iyon. Iniwanan niya ito at hindi na muli siyang nakipagkita. Over her dead body! Hindi na siya nakikipagbalikan pa 'pag niloko na siya. Pagtawid niya ay saktong nasa gitna na siya ng may humaharurot na sasakyan palapit sa kanya. Napaupo at napatakip siya ng mukha. Pumikit siya at nagdasal at tinawag niya talaga ang lahat ng santo para buhayin lang siya. Mabilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya pa gustong mamatay, lalong-lalo na hindi pwedeng masira ang beauty niya. Tiyak na hanggang kamatayan ay magbabayad siya. "Hey, Miss! Are you crazy?" Napadilat siya ng marinig ang isang malamig at galit na boses. Tumayo siya at tinignan ito. A handsome man with a good looking business suit. 6'1 ang height-she think. His skin is pair like a snow. He's blonded hair and she could not help but look into his lips, pointed nose, and a dark blue eyes. Gusto niyang kiligin dahil ang gwapo ng kaharap, pero hindi niya pinakita at pinigilan niyang kiligin. Imbes, mataray niyang hinarap ito at humalukipkip siya. "Hoy, Mister! Hindi porket ubod ka ng gwapo ay may karapatan kang sigawan ako! At anong sabi mo? Crazy? Me? Hahaha! Look at you, para kang nakalunok ng gluta. Ang puti-puti mo. Are you gay?" sunod-sunod niyang bulyaw rito. Napalunok siya ng gumalaw ang panga nito tila galit. Tumalikod ito at pumasok sa mayabang na sasakyan nito. Inirapan na lang niya ito at tumawid na siya. Takot naman pala ito sa bunganga niya. Sorry na lang! Gano'n talaga siya. "Argh! Sayang 'yun! Ang gwapo pa naman. Napasobra ata ang pagtataray ko." napasimangot siya habang parang loka-lokang lumilintaya sa panghihinayang habang patungo ng studio ng company na pinagtatrabahuan niya. (End Of Flashback) Napailing siya dahil sa alaala kung paano sila unang nagkita. Dahil simula no'n ay niligawan na siya nito na hindi niya inaasahan. Tsaka na lang niya aalalanin ang iba.. Kailangan niyang magmadali, dahil kanina pa siya sinesermunan ni Greg. Lumabas na siya sa office ni Damon at nag-iwan siya ng note upang ipaalam na umalis na siya. Nagagalit kasi ito 'pag nawala agad siya sa paningin nito ng walang paalam. Kaya hangga't maaari ay hindi niya dapat kalimutan na magpaalam. May mga maagang pumasok na empleyado na nakakasalubong niya. Binabati siya ng mga ito kaya ngumiti siya bilang tugon. Pumara siya ng taxi at nagpahatid F&S company. "MY GOD, VENICE! Bakit napakarami mong kiss mark?" Namula naman si Venice. Dahil sa lakas ng boses ng manager niya ay napatingin tuloy ang mga staff sa kanila. "Paano kasi si Damon... You know..." nahihiya pa siyang sabihin habang pinagdidikit ang hintuturo. Gano'n siya 'pag nahihiya. Ang daliri ang pinagdidiskitahan. Nakalimutan niya na may photoshoot nga pala siya. Dapat pala ay pinigilan niya si Damon. "Grabe naman 'yang boyfriend mo talaga, oh!" naha-highblood nitong komento. Umalis ito para kumuha ng ipangtatakip sa mapulang balat niya. Napatingin naman si Venice sa cellphone niya ng mag-ring ito. Napangiti siya ng makitang si Damon ang caller. "Yes, babe?" malambing niyang bungad. "Tsk. Bakit hindi mo ako ginising?" buryong sabi nito. Napanguso naman siya dahil tila matagalan ata na pag-aamo ang gagawin niya. "E, babe, kailangan na kasi ako dito. Sorry na. Promise babawi ako.. 'Wag ka nang magtampo, please.." Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga hudyat na bumigay na ito, kaya naman napangiti siya ng maluwang. "Okay, okay! Alam na alam mo talaga kung paano ako papaamuhin, ha?" Napabungisngis siya sa sinabi nito. "E, ang dali mo kasing bumigay. Kasalanan ko ba na malakas ang charms ko sa 'yo?" Napahalakhak ito na kinangiti niya. Natutuwa siya dahil napapatawa niya ito. Masungit at lagi itong seryoso, kaya nga minsan nakakatakot ito kapag nagalit. "Yeah.. Oh, I forgot! I have a--" "Hi, Miss Venice." Naputol ang sasabihin ni Damon ng makarinig siya ng boses sa kabilang linya, A man voice. Bigla naman nag-init ang ulo niya. "Who's that?" tanong niya sa kabilang linya at biglang niliko ang sinasakyan niya. Pauwi na sana siya sa mansion, pero tila kailangan muna niyang malaman ang mga kasama nito sa trabaho. Mahigpit siyang nakahawak sa manibela habang mabilis na pinapatakbo ang kotse niya. "Bagong model. Ah, Damon, mamaya na lang ako tatawag, ha? Magsisimula na kasi ang photoshoot." paalam sa kanya ni Venice sa kabilang linya. Lalo siyang nagalit ng ibaba na nito ang tawag. "f**k that asshole! Don't you dare touch what's mine! I swear, I'll break your neck." dumadagundong niyang banta. Pagdating sa F&S Company ay agaran siyang bumaba ng kotse niya at pabagsak na sinara ang pinto. No one dares to look at him, because he looks like a murder who will kill his victim right now. Tinungo niya ang studio kung saan kinukuhanan si Venice. "Sir, bawal po kayo! May photoshoot pa po si Ma'am!" pigil sa kanya ng P.A ni Venice. "Move!" matigas niyang sabi. Nahintakutan naman ito kaya umalis ito sa harap niya. Pagpasok niya ay nilibot niya ang mata. Parang nagdidilim ang paningin niya ng makita ang girlfriend niya na suot ang isang revealing outfit. And f**k that asshole na nakahawak sa baywang ni Venice. Sumugod siya at nakita niya ang gulat sa mukha ni Venice ng makita siya. Mamaya niya ito haharapin. Kailangan muna niyang bigyan ng leksyon ang hayop na lalaking humawak sa girlfriend niya. Inaawat na siya ni Venice dahil wala siyang batid sa pagbubog sa lalaking model, pero wala siyang pakialam. "Stop! Damon!" napaling ang pisngi niya ng sampalin siya ni Venice. Umigting ang panga niya habang tila naglabasan ang ugat niya sa leeg. Nakakuyom ang kamao niya nang balingan niya si Venice na tila hindi alam ang ginawa. "I-I'm sorry, babe." hinawakan siya nito kaya hinawakan niya ito sa baywang at kinaladkad. "Damon, wait! Hindi ako pwedeng umalis." Hindi niya pinakinggan ang sinabi nito. Tila siya bingi habang walang emosyon lang na nakatingin sa nilalakaran nila. "Damon please... Magagalit sa amin ang company na kumuha sa akin." pagmamakaawa ni Venice na pakawalan niya. No! Never! "Shut up!" pagalit niyang sabi rito. Pagdating sa kotse niya binuksan niya ang frontseat at pinasakay niya ito bago pinag-seatbelt. Pabagsak na sinara niya ang pinto at nagmamadaling sumakay sa driver seat. Mabilis niyang minaneho ang sasakyan papunta sa mansion niya. "WHERE ARE WE going?" naguguluhang tanong ni Venice. Wala pa rin siyang nakuhang tugon kay Damon. "Stop the car!" madiin niyang sabi dito. Mas binilisan lang nito ang pagmamaneho, kaya napakapit siya sa seatbelt. Ito ang sinasabi niya 'pag nagagalit ito ay hindi ma-kontrol ang sarili. Paghinto ng sasakyan ay napatingin siya sa labas. Nasa mansion sila ni Damon. Nabigla siya ng bumukas ang pinto sa gilid niya. Tinanggal ni Damon ang seatbelt niya at binuhat siya na pa-bridal style. "Ibaba mo na ako, kaya ko naman maglakad." request niya, ngunit hindi siya nito pinakinggan. Napabuntonghininga siya at hinaplos ang mukha nito. Nakita naman niya na nawala na ugat nito sa leeg dahil sa galit. Yumakap siya sa leeg nito at sumandal sa dibdib. "Sorry na, babe. 'Yun kasi ang tema ng photoshoot." malambing niyang sabi. Nakita niya ang mga tauhan nito na mga nagyukuan bilang paggalang. "Babe, magsalita ka naman, please.." pakiusap niya rito at tiningala ito. Inupo siya nito sa sofa, kaya umayos siya ng upo. Buti naman at naka-jeans lang siya, kaso kita nga lang ang clevage niya dahil masyado mababa ang neckline ng blouse na pinasuot sa kanya. Naupo din ito sa tabi niya at humiga. Pinatong nito ang ulo sa hita niya at pumikit. Sinuklay niya ang buhok nito, habang hinawakan naman ni Damon ang isang kamay niya at pinagsiklop sa kamay nito. "Hindi ko pinagsisihan ang pagsuntok ko sa asshole na 'yun." Napangiti naman si Venice dahil talagang nagseselos ito. Ang gwapong seloso.. "Huwag ka nang magselos. Mas gwapo at ma-appeal ka pa doon. Kailangan lang talaga sa trabaho 'yon." piningot niya ang matangos nitong ilong. "Tsk. Bakit kasi hindi ka pa huminto doon? Kung gusto mo ay sa company ko ikaw magtrabaho, pero sa office kita." hinampas niya ito dahil tila bumalik na ito sa pilyong ugali nito. "Ikaw talaga! Pero pag-iisipan ko... Tutal, sandali na lamang ay tapos na ang kontrata ko. Para matapos na din 'yang pagseselos mo." NAPANGITI NAMAN SI Damon sa sinabi nito. Dahil 'pag umalis na ito sa pagmomodelo ay titiyakin niya rin na hindi na ito babalik pa sa modeling. At 'pag nangyari iyon.... Siya at magiging anak na lang nila ang bibigyan nito ng pansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD