KABANATA 2

2276 Words
NAPANGITI SI VENICE habang naghihintay siya sa loob ng room ni Damon. Nasa shower room ito at naliligo, kaya doon na lang niya ito hinintay. Suot niya ang damit at boxer short nito. Hindi kasi siya komportable sa suot niya galing sa photoshoot, kahit marami beses naman na siyang nagsusuot ng gano'n. Binuklat niya ang mga picture nila sa album photo na ginawa niya. Siya ang gumawa dahil alam niyang walang hilig si Damon sa mga pictures. Iniwan niya ito dito para kagaya ngayon ay nakikita at naaalala niya ang mga memories nila. Lalo siyang napangiti nang bumungad ang litrato nila nung time na nagde-date palang sila sa isang public park. Nasa bench sila habang nakaakbay sa kanya si Damon. Ayaw nga noon ni Damon doon dahil ayaw nito sa matataong lugar. Tapos naaalala pa niya nang pakainin niya ito ng kwek-kwek.. Nung una ay talagang napipilitan lang ito, pero pinandilatan niya talaga ito ng mata para sabihin na tikman nito. Kaya naman ay napilitan itong tumikim at kalaunan naman ay nagustuhan din at um-order pa... First time nito na kumain ng gano'n, kaya masaya siya at siya ang una nagpa-experience no'n kay Damon. Nilipat naman niya sa next page at bumungad sa kanya ang isang beach resort kung saan ay inaya siya nito sa beach na pagmamay-ari nito. Napaka-KJ nga nito, e! Dahil nakahiga lamang ito sa isang upuang mahaba na natatabunan ng malaking payong. Gusto niya rin noon mag-bikini, pero pinagbawalan siya nito dahil oras daw na hubarin niya 'yon ay makakatikim daw siya. Syempre alam niya kung ano 'yun. 'Pag nagsalita pa naman si Damon ay talagang tinototoo. At 'yon rin 'yung time na sinagot niya si Damon. Kahit na hindi pa niya ito masyadong kilala pa ay may nararamdaman na siya para kay Damon. At hindi naman siya nagkamali na mahalin ito, dahil never pa siya pinagselos nito. Baliktad nga, dahil ito ang laging nagseselos. Siguro kung may mang-aakit sa boyfriend niya ay talagang makakapanakit siya. Iyon nga ang isa sa kinakatakot niya. Baka may umagaw sa Damon niya at masaktan siya. Pero hindi mangyayari 'yon, dahil alam niya na hindi siya sasaktan ni Damon. Nangako ito sa kanya na hindi siya sasaktan kailanman at pinanghahawakan niya 'yon. Takot na kasi siyang masaktan muli. Siguro ay na-trauma na siya sa mga nakaraan niyang mga nakarelasyon. Pinilig niya ang ulo at inalis na 'yon sa isip. Nilipat niya muli sa next page at kinilig naman siya ng makita ang anniversary picture nila. Sa litrato kasi ay pinapakita niya ang singsing na binigay nito nung nag-propose ito sa kanya. Tinanggap niya ang proposal nito dahil talagang mahal niya si Damon. Wala na siyang dahilan para tanggihan ito, dahil siya pa ba ang aayaw? Pero wala pa silang date kung kailan nila balak magpakasal. Hindi pa kasi siya handa. Iniisip din kasi niya ang pamilya ni Damon na hindi pa niya nakikita. 'Pag tinatanong niya si Damon ay iniiba lang nito ang usapan. Iniisip niya tuloy na baka may alitan ito sa pamilya nito kaya ayaw nito mag kwento. Hinayaan na lang muna niya dahil baka magalit ito 'pag pinilit niya. Siya naman ay patay na ang kanyang magulang. Namatay sa aksidente ang Papa niya, habang ang Mama niya ay namatay dahil sa pagka-miss sa Papa niya. Siguro kung sino man ang may forever ay ang kanyang magulang na 'yon. Dahil kahit sa kamatayan ay hindi iniiwanan ng mga ito ang isa't-isa. Nalulungkot siya dahil ang aga siya iniwan ng mga ito. Wala tuloy siyang masandalan nung time na 'yun. Sixteen years old pa lang siya ng maulila. Walang ibang pamilya na mauwian. Kaya naman habang nag-aaral siya ay suma-sideline siya ng trabaho, pero sa dami din ng gastusin kaya hanggang high school lang ang nakayanan niya. Buti na lamang at nakilala niya si Gret, ang manager din niya at naging best friend na rin niya at the same time. Gret is gay. Pero hindi katulad ng ibang naglalantad ay hindi ito masyadong nagsusuot ng damit pambabae. Naka-scarf lang ito palagi, tapos unisex din ang mga damit na sinusuot nito. Thankful siya kay Gret. Dahil kung hindi dahil dito ay wala pa siguro siyang masyadong nararating. Nakatapos siya ng kurso business administrasyon, pero gusto rin niya na mag-aral ng tungkol sa pagde-design. Pero siguro 'pag nakaipon na siya. Sa ngayon ay nagmo-model muna siya sa malalaking company dahil malaki rin ang kinikita niya doon. Ngayon ay twenty one years old na siya at malapit nang matapos ang contract niya. Balak niya na magpakasal kay Damon. Marami na rin siyang kasalanan rito at lagi niya pa itong binibigo. Napakaswerte niya dahil patuloy pa rin ito sa pag-intindi. Minsan iniisip niya na baka magsawa ito sa kanya at maghanap ng ibang babaeng tutugon sa pangangailangan nito. Minsan nga 'pag may nakikita siya na lumalapit na babae rito at nagbibigay ng motibo ay tinitignan niya ang reaksyon ni Damon. At natuwa siya dahil hindi nito binibigyan ng pansin ang mga babae. Feeling niya siya ang sentro ng atensyon ni Damon. Halos hindi nito nakikita ang mga babaeng nagpapantasya at naglalaway sa kagwapuhan nito. Minsan ang hirap din ng sobrang gwapo ang boyfriend. Pero syempre swerte din dahil siya ang minahal ng isang Damon Vega. Iniisip niya tuloy na 'pag nagkaanak sila, baka puro kamukha lang nito.. Napapailing siya sa iniisip niya. Siya 'yung may ayaw pang magpakasal tapos siya pa ang nag-iisip ng gano'n. Inilapat niya sa next page ang mga litrato, at napakunot-noo siya ng makita niya ang picture niya. Tingin niya ay ito 'yung sixteen years old pa lang siya. Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit mayroon siyang picture ni Damon nung sixteen pa lang siya? Alam niya wala siyang litrato na gano'n, at lalong wala siyang binibigay kay Damon. Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya namalayan na nasa harap na pala niya si Damon na naka-towel lang at medyo basa pa ang katawan. Kaya halos mapalunok siya nang mapukaw siya nito at bumalandaran sa mga mata niya ang eight packs abs nito. "Anong iniisip mo?" pukaw nito. Umubo muna siya at inangat ang picture na nakita niya. "Bakit mayroon kang picture ko nung sixteen years old pa lang ako?" pilit niya hindi mailang sa nakabalandara nitong katawan. Kahit nahawakan na niya ito palagi ay para pa ring bago ito sa kanyang paningin. "Oh.. " napaisip muna ito at pilyong ngumisi. Napataas naman siya ng kilay sa ngisi nito. Binaba nito ang mukha kaya agad siyang napahiga sa kama para makaiwas. "A-ano ba!" hinarang niya ang kamay sa dibdib nito na gumagalaw ang muscle dahil sa paghalakhak nito. "Bakit ba naiilang ka pa rin 'pag nilalapit ko ang mukha ko sa iyo, ha, babe?" malambing nitong tanong habang nakatitig sa mga mata niya. Nakangiti ito kaya hindi niya mapigilan na haplusin ang mukha nito. "Ang gwapo kasi ng boyfriend ko kaya hindi pa ako masanay-sanay." Hinawakan nito ang kamay niya na nakahawak sa mukha nito at hinalikan nito 'yon. Umayos ng tayo si Damon at hinatak siya patayo. Pagtayo niya ay hinatak siya nito palapit sa katawan nito, kaya ramdam niya na nabasa ng kaunti ang damit niya dahil sa basa nitong katawan. Hinawakan ni Damon ang baywang niya at gumalaw ito para isayaw siya na parang isang mabagal na sayaw kahit wala namang kanta. Umangkla naman siya sa leeg ni Damon habang nagkatitig sila sa isa't-isa. "Dapat masanay ka na, My Queen. " namula siya sa sinabi nito. "My queen talaga? Tapos ikaw ang king ko?" Tila naman nainis si Damon sa tono ng boses niya. Kumunot kasi ang noo nito tanda 'pag naiinis ito. "Yeah. Bakit, ayaw mo ba na ako ang maging king mo? Dahil ako, siguro akong ikaw lang ang queen ko." seryoso sabi ni Damon. "Ano ka ba! Ang seryoso mo naman. Parang luma na kasi ang mga king and queen, dapat iba na lang." "Tsk. Whether you like it or not, you are my queen and I am your king period. " bugnot na sabi nito sa kanya. Napailing na lang siya at sumandal sa mabato nitong dibdib. Napapanguso siya tanda na pinipigilan niya ang pag-ngiti dahil kinikilig siya sa ka-corny-han nito. "My king." sambit niya na kinangiti ni Damon. MAGKASIKLOP ANG KANILANG kamay na bumaba sila ni Damon para kumain. Nagugutom na rin siya dahil hindi pa siya nagla-lunch. Pagdating sa dinning area ay may nakahanda na palang pagkain. Natakam siya sa mga pagkain dahil lahat ng nakahain ay mga paborito niya. Pinaghila siya ng upuan ni Damon kaya naupo siya. Tumabi ito sa kanya at nilagay ang isang braso sa sandalan ng upuan niya. Magsasandok na sana siya ng unahan siya nito. "Let me." sabi nito kaya hinayaan na lang niya. Hindi na bago sa kanya 'yon, dahil palagi naman itong maalaga sa kanya. Para nga siyang bine-baby nito na inaamin niya na kinadagdag ng pagmamahal niya rito. Tumunog ang ringtone niya na kinalingon niya sa may living room nito. Tatayo na sana siya para kunin 'yon ng pigilan siya nito. "Kumain ka na lang d'yan at ako na ang kukuha ng cellphone mo." sabi nito at tumayo. Tumango siya rito at tinignan ito na lumakad patungo living room. Binalingan na lang ulit niya ang pagkain sa plato niya at sumubo na dahil talaga gutom na gutom na siya. Sana ay 'wag lang siyang tumaba, dahil tiyak na uulitin ang photoshoot na hindi natapos. Hindi puwede mapurnada 'yon dahil malapit nang i-launch ang product na i-e-endorse niya. Nakarinig siya ng yabag palapit kaya alam niya si Damon 'yon, at tama nga siya! Dahil ito nga! Naupo ito sa tabi niya at nilapag ang cellphone niya sa lamesa. "Sino ang tumawag?" tanong niya nang malunok ang kinakain. Uminom siya ng tubig habang hinihintay ito na sumagot. "Nothing. Prank call lang ang tumawag." tugon nito kaya tumango siya. Sinandukan niya ito ng ulam at kanin para siya naman ang magsilbi rito. Nag-ring muli cellphone niya kaya huminto muna siya sa pagsubo dahil baka importante 'yon. Tinignan niya kung sino ang caller at nakita niya si Gret 'yon! Kaya naman ay agad siyang nag-excuse kay Damon at lumayo lang ng kaunti rito. "Hello, Gret?" sagot niya sa tawag. "God Venice! Buti sinagot mo." naha-high blood nitong tugon. "Bakit, anong problema?" nababahala niyang tanong. 'Pag ganito kasi ang boses ni Gret ay tiyak na may malaking problema. "Nakausap ko ang company na kumukuha sa 'yo para i-endorse ang product nila. Ang sabi ay papalitan ka na lang daw dahil may nagreklamo na 'wag ka na raw kunin." sabi nito. Napapikit siya dahil 'yon ang unang beses na palitan siya ng kumukuha sa kanya. Dumilat siya at tumingin kay Damon na seryoso lang ang mukha habang hinihintay siya nito na matapos na makipag-usap. Huminga siya ng malalim bago sagutin si Gret. "Hayaan mo na. Siguro ay hindi para sa akin 'yon. Pasensya na rin Gret, kung puro problema ang hatid ko sa 'yo." paumanhin niya. "Hay, Venice. Alam mo naman na kahit pasaway ka ay hindi kita iniisipan ng ganyan." sabi nito. Napangiti naman siya dahil para talaga niyang ate-este kuya ito. Hindi niya akalain na makakakilala siya ng isang mabait at parang pamilya ang turing sa kanya na kagaya ni Gret. "Pero Venice, 'yang boyfriend mo... Hindi kaya masyadong seloso? Baka 'pag lumala pa ang pagiging seloso n'yan ay ikulong ka na lang para wala nang pagselosan." pag-uusisa nito. "Hindi naman siguro. Kilala ko siya at alam ko na masyado lang niya akong mahal." tugon niya. "Ikaw ang bahala.. Pero 'wag ka masyado mapalagay, dahil hindi mo pa siya lubusang kilala. Baka magulat ka na lang isang araw, kulong na kulong ka na pala." paalala nito. Nakaramdam naman siya ng takot sa sinabi nito pero sinawalang bahala na lang niya. "Anyway, dumaan ka na lang rito sa office bukas, dahil marami pa akong sasabihin sa 'yo." pagpapatuloy nito. "Okay.. Sige, salamat, Gret, Bye." paalam niya at binaba na ang tawag. Huminga siya ng malalim at lumingon siya kay Damon na nakatungo lang sa pagkain at tila malalim ang iniisip. Hindi man niya ito lubusang kilala, pero alam niya sa puso niya na ang Damon na nakilala niya ang panghahawakan niya, kaya hindi niya kailangan na mabahala sa sinabi ni Gret. Lumingon si Damon kaya agad siyang ngumiti at lumapit dito. Naupo siyang muli sa tabi nito at pinagpatuloy niya ang pagkain. "Venice, lumiban ka muna sa trabaho mo, dahil gusto ko mamasyal tayo. At para ako muna ang pagtuunan mo ng atensyon." sabi nito sa gitna ng pagkain nila. Lumingon siya rito dahil sa sinabi nito, "Huh? Pero---" "No more buts. Ako na ang magsasabi sa manager mo." seryosong sabi nito at nilagyan siya muli ng pagkain. "Sige, ubusin mo na 'yan, dahil mamayang gabi na ang alis natin." utos nito sa kanya. "Pero Damon.. Bakit biglaan? Tatapusin ko muna---" hindi niya ulit natapos ang sasabihin niya, dahil maingay nitong nilapag sa lamesa ang kurbyertos nito. Halos mapaidtad siya sa lakas. Tumingin ito sa kanya na may maawtoridad na tingin. "Ang gusto ko ang masusunod! Naiintindihan mo?" maawtoridad nitong sabi. Umiwas siya ng tingin dahil hindi niya makayanan ang binibigay nitong tingin sa kanya. Napahinga ito ng malalim at muli hinawakan ang kurbyertos nito. "Kumain ka na, baka lumamig pa 'yan." malumanay na nitong sabi. Tumango siya at napipilitang kainin ang pagkain habang malalim siyang napaisip. Kapag nangyayari kasi na mag-desisyon ito sa gusto nito, kahit na hindi niya gusto, ito pa rin ang masusunod. Mabuti nga sa kasal na inaalok nito ay hindi ito ganito. Hindi siya agad nito na pinipilit. Maging sa pinagkakaingatan niyang puri. 'Sana lang ay hindi ako nagkakamali ng pagkakakilala sa 'yo..' aniya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD