KABANATA 18

2612 Words
Mabilis na ibinaba si Venice sa ambulansya na sakay ng stretcher at mabilis na pinasok sa loob ng hospital. Nakahawak si Damon sa kamay ni Venice habang walang tigil ang pagpatak ng luha niya. Puno ng dugo ang damit at kamay niya. Basa na rin ang buong damit niya pero hindi niya iyon batid dahil mas inaalala niya ang kapakanan dalawang buhay ng mahal niya. Huminto ang stretcher dahil bigla siyang hinarap ng doctor. "Mr. Vega, dumito muna kayo. Kami na ang bahala sa kanya Pero 'wag kayong mag-expect na mabuhay pa ang baby. Sa dami ng dugo ay baka wala na ang baby niyo.." Humarap siya sa pader at pinagsusuntok ito bago siya napaupo at sinabunutan ang buhok. Napahagulgol siya dahil kasalanan niya ang lahat ng ito! Natatakot siya at nababaliw. "Apo!" dinig niyang tawag ni Grand Ma pero wala siyang lakas para pansinin ang lahat na nasa paligid niya. "Apo, anong nangyari kay Venice?" nag-aalala nitong tanong habang yakap-yakap siya. "I-I hurt her.. This is all my fault! I killed my own child! I'm evil!" wika niya na pasigaw habang sinasabunutan ang sarili. "Apo.." nag-aalalang ani ni Grand Ma habang naaawa na nakatingin sa nag-iisa niyang apo. - Unti-unting dinilat ni Venice ang mga mata niya at tanging puti ang nakikita niya. "Anak! Baby ko!" tawag niya sa anak niya. Nakita niya ito na nakasakay sa walker na kinangiti niya. Lumapit siya pero naguguluhan siya kung bakit ito lumalayo. "Baby ko! Baby ko!" nataranta siya ng unti-unti itong nawala. Hinabol niya ito ngunit tuluyan na itong nawala. "Baby ko! Bumalik ka! Baby ko!" umiiyak niyang sabi hanggang sa nag-iba na ang paligid. Napatingin siya sa paligid at nasa isang puting kwarto na siya habang may oxygen sa gilid niya na nakakabit sa katawan niya. May dextrose at may machine din sa gilid. Sa kabilang side ay lamesa na may nakalagay na mga prutas. "Bes, gising ka na." sabi ni Gret na kakapasok lang. "Ang anak ko. Ayos lang ba siya? Nasa sinapupunan ko pa siya, 'di ba?" tanong niya rito habang kinakapa ang tiyan. "Bes, kumain ka muna. Baka--" "Sagutin mo ako! Buhay pa ang anak ko! Nasa sinapupunan ko pa siya, 'di ba?" kahit na magtanong siya ay may pakiramdam siya. Hindi nkya na makapa ang umbok sa tiyan niya. Nangingilid ang luha niya dahil hindi makasagot si Gret sa kanya. "Bakit niyo pinatay ang baby ko! Ang baby ko ibalik niyo!" nagwawala niyang sabi habang inaalis ang dextrose sa kamay niya habang pilit tumatayo pero nasasaktan siya at hindi pa makatayo. Dali-daling lumabas si Gret upang tumawag ng doctor. Pero sa bungad ng pinto ay nakita nkya si Damon na nag-aalala ang mukha na kakarating lang dahil nagpalit ng damit. "Doctor! Doctor!" tawag niya sa doctor na agad na rumesponde. "Gret, Anong nangyari? Pwede ko ba siyang makita?" tanong ni Damon. "Huwag na 'wag mo siyang ipapakita sa akin! Ayokong makita siya! Pinatay njya ang anak ko! Hindi ko siya mapapatawad!" sigaw ni Venice na dinig na dinig nilang pareho. "Damon, please, 'wag ka munang magpakita. Hindi ka niya gustong makita. At mas maganda siguro na umalis ka na dahil lalo lamang skyang magwawala oras na malaman niya na nandyan ka pa." sabi ni Gret na sakto ay papasok na ang mga doctor. Naiwan si Damon na tulala habang nanlalambot ang mga tuhod. Napahawak siya sa pader habang dinig na dinig nkya ang pag-iyak ni Venice at pagwawala nito. Napapikit sjya at tumulo ang luha niya habang nakakuyom ang kamao. "Venice, I'm sorry." bulong niya at naupo sa isang bench habang sapo ang mukha. "Mr. Vega." tawag ng doctor. Inalis niya ang kamay mula sa pagkakasapo sa mukha at tumayo. Agad niyang hinarap ang doctor. "Doc, ayos na ba siya?" agad niyang tanong. "Kailangan niya ng mahabang pahinga at kailangan niyang malayo sa lugar, sa tao, at sa lahat ng bagay na magpapaalala sa kanya mula sa trahedyang nangyari sa kanya. Masyado siyang stress at depress-depress sa nangyari kaya lahat ng sakit na magpapaalala sa kanya mula sa nangyari at sa anak niya ay nagbibigay nang trauma sa kanya kaya nagwawala siya." sabi nito. Lalo niyang hindi makayanan ang sinabi ng doctor. Ibig sabihin lang no'n ay maging siya ay hindi man lang maaaring makalapit kay Venice. Tinapik ng doctor ang balikat niya bago ito umalis. Napatingin sjya sa pinto ng bumukas iyon at nakita niya si Gret. "Tulog na siya dahil sinaksakan siya ni Doc ng pampatulog." bungad nito at sumandal sa pinto. Bakas sa boses ni Gret na may galit ito sa kanya. "Damon, siguro kailangan niyo munang bigyan ng space ang relasyon niyo. Dahil kapag nakikita ka ni Venice ay lalo niyang naaalala ang sakit na binigay mo. Niloko mo ang kaibigan ko. Pati ang baby ay hindi man lang nasilayan ang mundo ay nawala dahil sa kagagawan mo. Dati palang ay wala na akong tiwala sa 'yo para sa kaibigan ko. Pero hinayaan ko kasi, sa 'yo siya masaya. Pero kung lagi mo din naman siyang pinapaiyak, tama na. Tila hindi talaga kayo nararapat sa isa't-isa." "So, what are you trying to say, ha? You want me to leave her? No! No!" tiim bagang nyiang sabi. "Sa ayaw na nga niya! Sinabi ni Venice na ayaw ka na niyang makita kahit kailan! Bakit hindi mo puntahan ang babae mo? Tutal iyon naman ang binuntis mo. Sana ay 'wag mong gawin sa babaeng iyon ang ginawa mo kay Venice." hindi na rin nakapagtimpi si Gret at tumaas na ang boses. "Damon!" si Peter na kasama si Celine at Erika. "Alisin niyo nga ang kaibigan njyo rito." sabi ni Gret at pumasok na muli sa kwarto ni Venice at sinara ang pinto. "Pre." nag-aalalang ani ni Peter lalo ng makita niya ang madilim na mukha ni Damon. Tinalikuran sila nito na kinatingin nila at agad na sinundan ito. Habang si Celine ay may isang ngisi sa labi. Kinuha niya ang cellphone at may tinawagan. "Magkita tayo." sabi niya sa kabilang linya at binaba na ang tawag. Napapailing skya at nangingiti sa nangyayari. Agad sjyang sumunod dahil baka makahalata ang dalawa. - Gabi na nang magising muli si Venice mula sa pagkakatulog. Nakita niya si Gret na natutulog sa sofa ng hospital. Dahan-dahan siyang bumangon dahil mahina pa siya. Inalis niya ang dextrose at may nakita siyang isang jacket kaya kinuha niya iyon.. Lumabas siya ng kwarto na hindi gumagawa ng ingay. Nagtakip siya ng mukha gamit ang hood ng jacket at nakayuko na lumakad. Nakalabas siya ng hospital na walang nakakapansin sa kanya na pinagpapasalamat niya. Naglakad-lakad siya at hindi malaman kung saan pupunta. Tulala parin siya dahil sa pagkawala ng anak nkya. Hindi matanggap ng puso niya na kinuha na ito agad-agad. Kasalanan din niya ito. "Patawarin mo ako anak ko. Mahal na mahal ka ni Mommy." umiiyak niyang sabi habang nakatanaw sa bridge na daanan ng sasakyan. Nasa gilid siya habang nakatingin sa baba ng bridge. Hinaplos-haplos niya ang tiyan niya na lalo niyang kinahagulgol. Dahil sa tuwing hahawakan niya ay talagang wala na. Lumakad-lakad siyang muli hanggang sa makarating siya sa bayan. Nakikita niya ang pamilya na masayang nakaupo sa isang fastfood chain at kumakain. "Mommy! Mommy!" napatingin siya sa harap niya ng makarinig ng iyak. At nakita nkya ay isang batang lalake. "Anak!" tawag niya at agad na lumapit. Lumuhod siya sa bata at ngumiti. "Bakit ka umiiyak? Ako ito ang mommy mo?" sabi niya rito at niyakap. Pero nagpupumiglas ang bata at lalong umiyak. "Hoy! Bitawan mo nga ang anak ko." galit na sabi ng isang ginang at tinulak siya palayo sa bata. Kinuha nito ang bata at galit na tumingin sa kanya. "Balak mo sigurong nakawin ang anak ko? Ipapakulong kita!" galit nitong sabi. Natulala lang siya at napaiyak dahil nag-iilusyon na naman siya. "Sorry miss, ako na ang bahala sa kanya." sabi ng isang babae na elegante ang suot at bumaba sa mamahaling sasakyan. Tulala na inakay ng babae si Venice na tila hindi nakikita ang paligid. Sinakay ng hindi kilalang babae si Venice. Napansin na niya si Venice sa gilid ng kalsada na umiiyak. Wala sana siyang balak na pansinin ngunit tila may humahatak sa kanya na sundan ito. At napansin niya na tila wala sa sarili ito at ang pag-angkin nito sa bata na akala ay anak nito. "Miss, saan ka ba nakatira?" tanong ng babae. Tila doon lamang nagbalik si Venice sa sarili at napatingin sa loob ng sasakyan na kinataka niya kung bakit naroon siya? Tumingin siya sa babae at nanlaki ang mata niya. "M-Miss Gwen?" hindi makapaniwala niyang sambit. "You know me?" takang tanong nito habang nakaturo sa sarili. Tumango siya at biglang nahiya. Hindi man lang noya namalayan na ang iniidolo pa niya ang kasama niya. "Pwede ko bang malaman kung saan mo ako nakilala?" tanong muli nito sa kanya. "I-Iniidolo na kita nung bata palang ako. Lahat ng magazine mo na nakikita ko ay binibili ko. Pasensya na kung mukha akong obsess fan." nahihiya niyang sabi. "I see." nakangiti nitong sabi. "Pero bakit nga ba tila ka nawawala sa daan? Gusto mo bang ihatid kita? Saan ba ang bahay mo?" pagkaraan ay sunod-sunod nitong tanong. Agaran siyang umiling. "Ayokong umuwi. Hindi na ako babalik sa kanya." mariin niyang sabi. "Huh? Sinong siya?" tanong nito. "Ang lalaki na sinaktan ako at dahilan kung bakit nawala ang anak ko sa sinapupunan ko." sabi niya at muli siyang napaluha ng maalala ang anak niya. "Sorry, hindi ko alam." umiling siya at pinahid ang luha. "Ako nga ang dapat humingin ng pasensya dahil naabala pa kita." sabi niya rito. "Alam mo ba na pareho pala tayo." biglang sabi nito kaya napatingin siya rito. Nakatingin na ito sa bintana tila may inaalala. "I was hurt by the man that I used to love. He cheat on me and worst, to my bestfriend. I'm pregnant that time. Hindi nakaligtas ang baby ko ng maaksidente ako sa hagdan ng magmadali akong umalis mula ng makita ang pagtataksil ng lalakeng mahal ko. Pero ngayon ay nakamove-on na ako sa kanya pero hindi sa anak ko. Actually, ngayon ang death anniversary niya.." pagkukwento nito. Hindi siya makapagsalita sa sinabi nito. Magkapareho pala sila pero sa ibang situation. Ngayon nkya talaga napagtanto na walang magagawang mabuti ang mga lalaki sa mga katulad nila. Pare-pareho lang. Sawang-sawa na siya. Pero napakasakit sa lahat ay mahal na mahal parin niya si Damon. Pero hindi ibig no'n ay wala na siyang galit para rito. Punong-puno ng galit na tiyak na mas mananaig kesa sa pag-ibig. "Venice, saan ba kita maaaring ihatid?" tanong muli sa kanya ni Gwen nang wala siyang naging tugon sa sinabi nito. "Kahit saan nalang, Miss gwen. Ayoko muna na makakita ng mga taong magpapaalala sa akin. Dahil parang hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko." sabi niya rito. Hinawakan nito ang kamay niya kaya napaangat siya ng tingin. "Kung gusto mo sumama ka sa akin pabalik ng France. Bukas ang flight ko. Tutulungan kitang makamove-on sa sakit na nadarama mo." sabi nito. Napaisip siya sa sinabi nito. "Bakit mo ako nais tulungan?" tanong niya rito. "Dahil alam ko ang nararamdaman mo. Pero nasa sa 'yo nalang kung gusto mo o hindi. Nais ko lang makatulong. Matagal na rin akong kasapi ng secret member ng mga kababaihan na pare-parehong nagkaroon ng trauma dahil sa pagkawala ng anak.. Handa akong tumulong sa kagaya mo." sabi nito sa kanya. Napaisip siya at tumingin dito. Siguro kailangan nga niyang lumayo. Dahil 'pag narito lang siya at malapit kay Damon tiyak na mas lalo niyang hindi makakalimutan ang nangyari. - "f**k! Bakit hindi mo siya binantayan?" nagagalit na sabi ni Damon kay Gret ng malaman niya na nawawala si Venice. Nagpalamig lang siya pero hindi ibig sabihin no'n ay hahayaan niya ang nais ni Venice na lumayo siya. Hindi gano'n kadali ang gusto nitong mangyari. "Nakatulog nga ako tapos paggising ko ay wala na siya sa higaan.. Wala ding nakapansin na mga gwardya dahil tiyak na ginamit niya ang jacket ko para ipantakip ng mukha." sabi nito. Napahilot siya ng sentido dahil bigla iyon sumakit dahil sa dami ng iniisip. Halos wala na siyang pahinga. Pero hindi nkya batid iyon dahil mas inaalala niya ang kalagayan ni Venice. Agad siyang lumabas ng hospital room ni Venice at tinawagan ang lahat niyang tauhan upang utusan ang mga ito na tulungan siyang hanapin si Venice. Nag-aalala siya dahil baka napano na iyon. Kung alam lang niya na aalis ito edi sana ay nag-utos siya sa mga tauhan niya na bantayan ito. Nakita niya ang Grand Ma niya na papasok palang ng Hospital. "Apo, saan ka tutungo?" tanong nito. "Nawawala si Venice. Hindi ko alam ang gagawin, Grand Ma." nag-aalala niyang tugon. "Huwag kang mag-alala, Apo. Tatawag ako sa lahat ng kilala kong pulis upang ipahanap si Venice." sabi nito. "Thank you, Grand Ma." pagpapasalamat niya. "Pero Apo, kapag nakita na natin si Venice ay kailangan mo na siyang palayain. Dahil kung nakabuntis ka nga ay kailangan mo iyong panagutan. Huwag ka na gumawa ng isa pang kasalanan lalo na sa bata." sabi nito. Hindi siya nakasagot sa sinabi nito at lumabas na siya ng hospital at sumakay ng sasakyan niya. Napatingin siya sa kamay niya at pakiramdam nkya ay nasa kamay parin niya ang dugo ng anak niya. Nanginig ang kamay niya kaya napakuyom siya. Napasandal siya sa upuan at tahimik na umiyak. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya umiyak. Dahil lamang sa kagaguhan niya ay nawala na ang lahat. Natatakot siya na tuluyang mangyari ang bangungot niya. Ang bangungot na iwanan siya ni Venice. Dahil sa isiping iyon ay agad niyang binuhay ang sasakyan at pinaharurot. Sumeryoso siya at hindi titigil upang hanapin si Venice. Hindi niya hahayaan na makaalis ito. Gagawin niya ang lahat upang hindi ito makaalis sa mga kamay niya. Kung ano man ang galit nito hahayaan niya. Pero wala siyang pakialam basta nasa tabi lang niya ito. - "Hello?" sagot ni Gret sa tawag niya. "Gret." ani nya. "Venice! Saan ka? Kanina ka pa namin hinahanap. Lalo na si Damon." nag-aalala nitong sabi. "Gret, may sasabihin ako sa 'yo.. Pero please, 'wag na 'wag mong sasabihin kay Damon." ani niya at pakiusap niya rito. "Ano ba iyon?" "Gusto ko munang lumayo. Gusto kong makalimot sa lahat ng sakit na nangyari sa akin." wika niya. "Pero Nice, hindi ang paglayo ang paraan upang makalimot. Akala mo ba ay makakalimutan mo iyon kahit lumayo ka? Hindi." naiinis nitong sabi. "Sa ito lang ang naiisip kong paraan, Gret. Sinabi ko ito sa 'yo dahil nais kong malaman mo upang hindi ka mag-aalala pa. Hayaan muna ako. Promise, saglit lang ako." tugon niya rito. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Kung iyan talaga ang gusto mo ay sino ba ako para pigilin ka." sabi nito. "Pero saan ka ba pupunta?" pagkaraan ay tanong nito. "Sa France." sabi niya. "What?! Pero paanong makakapunta ka doon, e, wala ka namang pera lukaret ka." nagugulat nitong anas. "'Di ba kilala mo si Miss Gwen na idol ko?" "Oo, anong kinalaman niya?" tanong nito. "Siya ang tutulong sa akin.." aniya. "Pero kahit na. Kahit Idol mo pa iyan ay hindi ibig sabihin ay magtitiwala ka agad." Napahinga siya ng malalim at tumingin kay Miss Gwen na nakatanaw sa Glass wall ng kwarto na pinagdalhan sa kanya. Batid niya ang lungkot nito sa mukha habang may iniinom na wine habang may hawak na picture nang ultrasound. At alam niya na iyon sana ang anak nito. "Hindi ko alam, Gret. Pero malapit talaga ang loob ko sa kanya. At pareho din kaming nasasaktan ngayon." sabi niya kay Gret. Pareho silang nawalan ng anak dahil sa lalakeng minahal nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD