Nakaupo si Damon sa isang recliner niya habang nasa library siya kung saan ay hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Nagpabaling-baling ang ulo niya dahil sa panaginip na kanyang nakikita.
"Ayoko na! Mag-break na tayo!" umiiyak na sabi ni Venice sa kanya habang nasa kalsada sila at madilim na ang paligid.
Malamig at walang emosyon lamang siyang tumitig kay Venice. Umiiyak ito at nagmamakaawa na umalis sa mga kamay niya.
Hindi! Hindi siya papayag!
Hindi niya hahayaan na makaalis ito at iwan siya. Dahil tiyak na ikamamatay niya oras na iwanan siya nito. Sumasakit ang dibdib niya at gusto niyang umiyak sa hinihiling nito, pero isang malamig na reaksyon lamang ang binibigay niya upang matakot ito at bawiin ang sinabi nito.
Tumalikod na ito sa kanya at tumakbo palayo sa kanya. Sinenyasan niya ang mga bodyguards niya at ginawa naman ng mga ito ang utos niya. Hindi niya hahayaan na makaalis ito. Dadalhin niya ito sa lugar na alam niya hindi ito makakatakas. Sa lugar na matagal na sana niyang ginawa. Sa ayaw at sa gusto nito ay magiging asawa niya ito.
Wala ng malay ito na dinala sa kanya. Kinuha niya ito at nilagay sa bisig niya. Ngumisi siya at sumakay na ng sasakyan. Sinenyasan niya ang driver niya na paandarin na ang sasakyan at dalhin sila sa port kung saan naka-ready na ang yatch para sa pagtanggay niya kay Venice. Kahit iwan niya ang lahat at mamuhay na silang dalawa lang sa isla ay ayos na sa kanya. Basta hindi lamang ito makatakas o iwan siya..
Porket nalaman lang nito ang sekreto niya ay iiwan na agad siya. Hindi gano'n kadali na tatakas nalang ito. Oo baliw na siya. At lalo siyang mababaliw dahil sa gusto nitong mangyari.
Napatingin siya kay Venice at nagtaka siya na wala na ito sa bisig niya. Tumingin siya sa bintana ng sasakyan at doon nakita niya si Venice na lumuluhang nakatingin sa kanya.
"Manloloko ka! Hindi na kita gustong pakasalan!"
"Manloloko ka! Hindi na kita gustong pakasalan!"
"Manloloko ka! Hindi na kita gustong pakasalan!"
Paulit-ulit nitong bigkas na kinalamig niya sa kaba..
"No! No!" ani niya at lalo siyang nataranta ng bigla itong umalis.
"Pre! Damon, gising!" napabalikwas siya ng upo at hinihingal habang napatingin sa paligid. Tumingin siya kay Peter na nakabihis na ng tuxedo. Ito kasi ang Best man niya sa kasal. "Pre, nanaginip ka. Hinanap kita dahil hindi ka pa nagbibihis. Baka mauna pa ang bride mo dun sa simbahan at baka mag-back out na 'yun." sabi ni Peter na may pabiro.
Tumayo siya at hinawakan niya ang kwelyo nito nang mariin.
"Bawiin mo ang sinabi mo! Papakasalan niya ako! Hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal! namin!" nanggagalaiti niyang sigaw rito.
"Easy, Pre. Binibiro lang kita. At bakit ba sinasabi mong hindi matutuloy?" sabi ni Peter sa kanya. Binitawan niya ito at napahagod ng buhok sa frustration. Hinawi niya ang libro na binabasa niya na nakapatong sa lamesa.
"Damn! f**k that nightmare!" galit niyang ani.
"Pre, kinakain ka na ng guilt mo. Bakit kasi hindi mo pa aminin kay Venice?" hindi siya sumagot na kinabuntonghininga nito. "Pre, payong kaibigan lang. Dapat bago ang kasal niyo ay sinabi mo na kay Venice ang nangyari sa inyo ni Ivy, dahil kinakain ka na ng konsensya mo. At maling-mali 'yung kagustuhan mo na ikasal kayo agad para wala siyang takas oras na matuklasan niya ang nangyari sa inyo ni Ivy."
"Wala akong balak sabihin iyon kay Venice.. Dahil oras na malaman niya ay tiyak na iiwan niya ako at hindi ko gustong mangyari iyon. At alam ko walang nangyari sa amin ni Ivy. Wala." tiim bagang niyang sabi at padaskol na naupo muli sa recliner. Wala si Venice sa mansyon dahil sabi ng Grand Ma niya, na may pamahiin pang nalalaman, ay bawal daw silang magkita bago ang kasal nila. Hindi sana siya papayag pero nang si Venice ay pumayag sa kagustuhan ng Grand Ma niya ay wala na siyang nagawa pa.
"Pero paano, Pre, kung may nangyari talaga sa inyo ni Ivy? Tandaan mo na lasing na lasing ka no'n at wala sa sarili. At sa mismong hotel ng bar kamo may nangyari sa inyo. Oras na malaman ni Venice iyon ay tiyak na masasaktan siya, lalo't buntis pa." paalalanan sa kanya ni Peter. Napabuga siya ng hangin at napahilot ng sentido.
That night. Ang naalala lang niya ay nagpaalam siya kela Peter na magbabanyo lang at balak din niya sana na umuwi na, dahil tiyak na magagalit si Venice 'pag wala pa siya. Nakaramdam na siya ng hilo nung pagtayo niya, kaya pagewang-gewang siyang tumayo. Kahit na lasing ay nakapunta siya ng banyo at pagkatapos niyang gumamit ay lumabas na siya ng banyo na may hilo paring nararamdaman.
Pero napahinto siya ng may humarang sa dinaraanan niya. Inaaninag niya kung sino pero hindi niya makita ang mukha dahil nanlalabo na ang paningin niya.
At natagpuan nalang niya ang sarili na may kahalikan pero hanggang doon nalang ang naaalala niya. Kaya nang magising siya sa hindi pamilyar na kwarto ay napamura at kinabahan siya. Napatingin siya sa tabi niya ng may gumalaw kaya tumingin siya doon at nanlaki ang mata niya na katabi niya ay walang iba kundi si Ivy na tangging kumot lang ang takip sa hubad na katawan nito. Tinignan niya ang sarili at sumilip sa kumot at nakita niya na hubot-hubad din siya.. Panay ang mura niya at dali-dali siyang tumayo at kinuha ang damit sa sahig.
Wala siyang maalala sa nangyari. Pero sa hubad palang nilang katawan ay doon palang ay walang duda na may nangyari nga. Tinignan niya ang oras sa wristwatch na suot niya at nakita na paumaga na. Lalo siyang nataranta dahil tiyak na manghihinala si Venice kung bakit siya inabot ng umaga.
Pinagpapalo niya ang manibela ng sasakyan niya dahil nagagalit siya sa sarili dahil sa kagaguhan niya. Walang nangyari sa kanila iyon ang pilit na tinatatak niya sa isip niya. Pero sino ba siya para magsabi kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa kanila ni Ivy? Kailanman ay hindi niya pinagtaksilan si Venice. Pero kung kailan na magkakaanak na sila ay tsaka pa nangyari iyon.
Pinaandar niya ang sasakyan at pinaharutot agad. Dali-dali siyang umuwi na lutang na lutang ang isip. Parang hindi niya kakayanin oras na matuklasan iyon ni Venice. Tiyak na lalayo ito at iiwan siya. Kaya kahit na alam niya na magtataka ito ay agad niyang inasikaso ang kasal nila. Habang naliligo ito ay tinawagan njya agad ang priest na maaaring magkasal sa kanila at iba pang kailangan.. As soon as posible kailangan na nilang makasal ni Venice. Gusto niya na asawa na niya ito kung sakali man na matuklasan nito ang nangyari sa kanila ni Ivy. Oo, ayaw niya na lokohin at saktan ito pero wala na siyang pagpipilian pa. Desperado na siya at nangangamba. Kaya uunahan na niya ang mangyayari bago pa nito malaman at umalis sa mga kamay niya. Dahil 'pag nalaman agad nito ay tiyak na wala man lang siyang habol at walang panghahawakan rito. Pero 'pag asawa na niya ito ay hindi na ito makakawala sa kasal nila dahil hindi siya tanga para hayaan itong makaalis.
Kaya habang inaayos niya ang kasal. Hangga't maaari ay hindi siya umaalis sa tabi nito. Hindi muna siya pumapasok ng company njya para lang bantayan ito at walang makalapit na maaaring magsabi ng serkreto niya..
-
Sa kabilang banda ay sinisimulan ng kuhanan si Venice ng photo para sa kasal nila. Nasa isang hotel siya kung saan siya dinala ni Grand Ma. Nakaayos na siya at suot na niya ang gown niya na napakaganda. Hindi halata ang umbok sa tiyan niya dahil medyo paballoon ang bewang. Off shoulder gaya sa catalogue na nakita niya. At lalo siyang namamangha sa mga diamonds na nakapalibot dito. Kumikinang ang mga iyon at halata na mga totoong diamonds iyon. May suot din siya sa kamay na gloves na hanggang siko niya. Feeling niya tuloy isa siyang prinsesa sa mga fairytales. Ang buhok niya ay naka-fishtail na may lawit na konting buhok sa patilya na kinulot. Light make-up at light pink lipstick ang nilagay sa mukha niya.
Nakaupo siya sa kama habang hinihintay ang signal kung pwede na siyang lumabas at magtungo ng simbahan. Ngayon na ikakasal siya ay bigla siyang nalungkot dahil wala siyang magulang na sasabay na maglakad sa kanya sa aisle at maghahatid sa kanya sa harap ng altar.
Nag-sign of the cross siya at nagdasal. Nagdasal siya na sana ay bigyan siya ng tatag ng loob at hindi lukuban ng kaba. At pinagdasal din niya na sana ay maging maayos ang kasal nila. At kahit na wala na ang magulang niya ay pinagdasal niya pa rin ang mga ito at sana ay masaksihan ng mga ito ang kasal niya.
"Hija." napadilat siya ng marinig niya ang boses ni Grand Ma. Tatayo sana siya ng senyasan siya nito na 'wag na. Nakasuot ito ng isang eleganteng gown at may bulaklak sa tapat ng kaliwa nitong dibdib. Kulot ang dulo ng buhok nito na hanggang balikat lang. May mga alahas ito na suot sa tenga at leeg na malalaking bato. naka-stocking at suot ang isang mamahalin na heels na one inch lang ang taas.
Naupo ito sa kama sa tabi njya at hinarap siya. May hawak itong box na mahaba at binuksan. Napabuka-sara ang bibig niya dahil mga alahas pala ang laman no'n. Isang kwintas na puro diamonds at hikaw na kapares nito. Kinuha nito iyon at tumingin sa kanya.
"Tumalikod ka. Isusuot ko ito sa 'yo." sabi nito. Kahit na nag-aalangan at nahihiya siya ay tumalikod siya. Sinuot nito ang kwintas kaya napatingin siya roon. Napakaganda no'n. At tila bumagay iyon sa suot niyang gown. "Dahil ikaw na ang susunod na Mrs. Vega, sa 'yo ko na pinagkakatiwala ito. Pasensya na at naging masungit ako sa una nating pagkikita. Gano'n lang ako dahil gusto kong makita kung ano ang ugali ng papakasalan ng apo ko. Pero nang malaman ko kung paano ka tratuhin ni Damon at kung paano siya sumunod sa kahit ano lang sabihin mo ay alam ko na sa 'yo lang gano'n ang apo ko. Sana lang ay alagaan mo si Damon. Dahil nung bata siya ay kulang na kulang siya sa atensyon ng magulang niya. At kulang na kulang siya sa pagmamahal na binibigay ng magulang niya." sabi nito sa kanya habang magkaharapan sila at hawak nito ang mga kamay niya.
Ngumiti siya rito dahil bigla ay nawala ang ilang niya at parang napanatag ang loob njya. "Makakaasa po kayo na magiging mabuti at tapat akong asawa sa kanya. Aalagaan ko po siya at mamahalin na lagi ko pong pinapadama sa kanya." sabi niya rito. Ngumiti ito at hinaplos ang mukha niya.
"Salamat kung gano'n," sabi nito. "kaya nga pala ako narito upang sabihin na nasa simbahan na si Damon. Mauuna na ako sa 'yo at susunduin ka rito ng kaibigan mo at ilang tauhan ko para ihatid ka sa simbahan." sabi pa nito.
"Sige po." tugon niya at ngumiti. Ngumiti ito at tumayo na. Nagpaalam na ito at lumabas na ng room. Napahawak siya sa tapat ng puso niya dahil bigla siyang kinabahan. Kagabi ay hindi siya makatulog dahil iniisip niya kung ano ang mangyayari.
"Ready na ba ang Soon to be Mrs. Vega?" pukaw sa kanya ni Gret na hindi niya namalayan na nakapasok na pala. Tumayo siya at ngumiti rito.
"Kinakabahan ako at na-eexcite, gret." sabi niya rito.
"Ganyan talaga, bes. 'Yan talaga ang nararamdaman ng lahat ng ikakasal." sabi nito.
"Bakit kinasal ka na ba at alam mo ang feeling?" biro niya rito.
"Ang hard mo lukaret ka. Hindi porket ilang saglit nalang ay kasal ka na ay gaganyanin muna ang pinakamaganda mong manager at kaibigan." satsat nito.
Ngumiti siya at kinawit ang kamay sa braso nito at pinatong niya ang ulo sa balikat nito. "Thank you, Gret. Lagi kang nand'yan 'pag may problema ako. Minsan ay nagi-guilty ako dahil lagi ako ang tinutulungan mo. Minsan ay hindi man lang ata kita natulungan." sabi niya rito.
"Ano ka ba! Anong tawag doon sa pagbalik ng titulo sa akin. Kung hindi dahil sa 'yo ay baka wala na ang tinayo kong agency. At thank you din sa hot and super rich soon to be husband mo. Kung hindi mo boyfriend iyon ay tiyak na nabenta ng walang hiya kong EX boyfriend ang titulo sa iba. Kaya iyon palang ay sapat na. At hindi naman ako humihingin ng kapalit. Kaibigan at kapatid na ang turing ko sa 'yo. Kaya kahit ano man ang maging problema mo ay lagi lang akong nakaalalay sa 'yo at handang tumulong." sabi nito na kinaiyak niya.
"Ang swerte ko talaga at may nakilala akong isang Gret Batongbakal." sabi niya.
"Ay, lukaret ka! Huwag na 'wag mong mababanggit ang pangit kong apelyido, dahil tiyak na magwawala ako." sabi nito na kinahalakhak niya. Pinunasan niya ang luha habang tumatawa sa mga sinasabi nito. Hindi matatawaran ang kasiyahan na nadarama nkya ngayon. Ganito pala ang feeling ng 'pag ikakasal. Para siyang hindi mapakali na para bang kinakabahan na na-eexcite.
Lalo na nang unti-unting bumukas ang pinto ng simbahan. Sa pagbukas ay parang isang liwanag ang nakikita niya hanggang sa makita niya ang ayos ng simbahan. Maraming bulaklak ang nakapalibot sa bawat linya ng upuan dadaanan niya. May mga petals ng rose sa carpet. May mga bisita na nakatingin na tila manghang-mangha. Napalunok siya at maluwang na ngumiti habang hawak ang bulaklak. Tumugtog ang isang awitin na pamilyar na pamilyar sa kanya habang siya ay lumalakad palapit kay Damon.
"At Last"
At last
My love has come along
My lonely days are over
And life is like a song
Oh yeah yeah
Unti-unti niyang naaaninag ang mukha ni Damon. At nakita niya na napaka-gwapo nito sa suot na puting tuxedo at naka-wax ang buhok nito at bagong ahit ang bigote nito na lalo nitong kinagwapo.
At last
The skies above are blue
My heart was wrapped up in clover
The night I looked at you
I found a dream, that I could speak to
A dream that I can call my own
I found a thrill to press my cheek to
A thrill that I have never known
Oh yeah yeah
Napangiti siya at nangingilid ang luha dahil hindi niya akalain na may isang lalake na handa siyang iharap sa altar at kailanman ay hindi siya niloko. Napakaswerte niya na sa daming babae na higit na maganda at may sinabi kesa sa kanya pero sa kanya pa ito nagkagusto.
You smiled, you smiled
Oh and then the spell was cast
And here we are in heaven
for you are mine...
At Last
Kung hindi pa dahil sa paharang-harang niya sa daan ay siguro hindi niya ito makikilala. Wala siguro siyang Damon ngayon.
Ngumiti at nagkatinginan sila sa isa't-isa habang palapit siya rito. Naglahad ito ng kamay na agad niyang inabot upang makahakbang siya. Humalik siya kay Grand Ma bago siya muling tumingin kay Damon.
"Sa ating pagsisimula sa seremonya para basbasan ang dalawang taong itong na nasa harap ko. Magsabi na kung sino man ang tutol sa kasalan ng dalawang ito." panimula ng pare. Hinawakan siya ni Damon sa kamay na kinatingin niya rito. Pinagsiklop nito ang kamay nila kaya ngumiti siya rito.
"Napakaganda mo, babe. Lalong hindi ako makapaghintay na mapasa akin ka ng tuluyan." bulong nito sa kanya. Ngumiti lang siya at pinisil ang kamay nito dahil hindi talaga siya makapagsalita dahil sa sobrang kaba.
Sinimulan na ni father ang seremonya ng kasal. Nagtanong-tanong ito kung saan sila nagkakilala. Habang ikinikwento nila ay nakangiti siya dahil parang ang sarap alalanin ang mga pangyayari na iyon.
Nung nasa magpapalitan na sila ng I Do. Ang unang tinanong ay si Damon.
"Ikaw, Damon. Tinatanggap mo ba si Venice upang iyong maging asawa sa hirap at ginhawa. Sa saya man at lungkot. At iyong aalagaan at hindi kailanman sasaktan o pagbubuhatan ng kamay." ani ni father.
"Yes, I Do." sagot ni Damon at tumingin sa kanya.
"Ikaw, Venice. Tinatanggap mo ba si Damon bilang iyong maging asawa sa hirap at ginhawa. Sa saya man at lungkot. At iyong aalagaan at paglilingkuran. At kailanman ay hindi sasaktan." tanong sa kanya ni Father.
Ngumiti siya at buong pusong sumagot. "Yes, Father. I Do."
"Ngayon, para bigyan pa ng katibayan na kayo ay pinagbuklod na ng panginoon. Inaabot ko ang inyong singsing upang isuot niyo--"
"Itigil ang kasal!" sigaw na nagmumula sa tapat ng pinto ng simbahan. Natigil ang Pare sa pagsasalita at napuno ng bulungan ang simbahan. Napalingon siya roon at nakita niya ang isang babae.
"f**k!" bulong na mura ni Damon kaya napatingin siya rito na namumutla. "Paalisin niyo ang babaeng iyan!" galit na utos ni Damon na kinalito niya. Nagdatingan ang mga bodyguard nito at hinarangan ang babae.
"Bitawan niyo ako! Kailangan kong pigilan ang kasal na ito dahil hindi maaari na matuloy ang pag-iisang dibdib nila!" nagsusumigaw na sabi nung babae habang pilit na kumakawala sa mga tauhan ni Damon.
"Sandali!" biglang pigil ni Grand Ma sa mga tauhan ni Damon. Mahigpit siyang hinawakan ni Damon sa kamay. "Anong rason mo at nanggugulo ka sa kasal ng apo ko?" tanong ni Grand Ma rito. Inagaw muna ng babae ang mga braso nito mula sa pagkakahawak ng mga tauhan ni Damon.
"Pinipigil ko po ang kasal dahil kailangan akong panagutan ng apo niyo." sabi nito. Kaya inalis niya ang kamay ni Damon sa pagkakahawak sa kamay niya at lumapit sa babae.
"B-Babe." pigil sa kanya ni Damon pero hindi niya pinansin ito.
"Anong sinasabi mo?" tanong niya rito ng makalapit siya. Tumingin ito sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa at tsaka ngumisi.
"Buntis ako sa lalaking papakasalan mo." sabi nito na kinauwang ng bibig niya.
"Hoy, lukaret ka! Huwag mo ngang guluhin ang kasal ng kaibigan ko kung ayaw mong sabunutan kita." biglang singit ni Gret.
"Gret." pigil niya rito at tumingin siya sa babae. "Miss, kung hindi ka man pinagutan ng nakabuntis sa 'yo. Pwede ba na 'wag kang gumawa ng kwento." sabi niya rito.
Natawa ito at napailing. "Bakit naman ako pupunta dito at manggugulo kung hindi si Damon ang ama ng dinadala ko? Hindi ba niya sinabi na may nangyari sa amin nung time na inumaga siya ng uwi." nakangisi nitong sabi. Bigla ay naalala niya nung araw na iyon. Ang kauna-unahang beses na inumaga ng uwi si Damon. Pero ang sabi ni Damon sa kanya ay nakatulog daw. Pero hindi niya alam kung saan?. Napakuyom siya ng kamao dahil bigla siyang pinanlamigan.
"Get out of here, b***h! Rey, alisin niyo--"
"Stop, Damon!" pigil niya rito na kinatingin nito. Tumingin siya muli sa babae na tila tuwang-tuwa sa nangyayari. "Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Dahil kahit kailan ay hindi ako niloko ni Damon. Syempre gagawa ka ng kwento--"
"No, I'm not here without a reason." pigil nito sa kanya at may kinuha sa bag nito. Nilabas nito ang cellphone at hinarap sa kanya ang isang litrato na tuluyan niyang kinabigay at kinapira-piraso ng puso niya. Napaiyak siya ng makita ang magkayakap na si Damon at ang babaeng ito habang nasa iisang kumot na takip ang mga hubad na katawan nito. Nanginginig ang kamay niya para kunin iyon ng agawin iyon ni Damon at ihagis na kinasira nito.
"Damn you!" galit na sabi ni Damon sa babae.
"Bakit ka nagagalit? Bakit hindi mo ba sinabi sa kanya? Oh, sorry my bad." painosente pa nitong sabi habang napatakip pa ng bibig. "Pero ayoko lang na walang magiging ama ang anak ko. Kaya hindi ako papayag na makasal kayo." pagpapatuloy na sabi ng babae. "Here. Kung ayaw niyong maniwala na buntis ako, heto ang result. One hundred percent na buntis ako. I'm two weeks pregnant." sabi nito at nilahad ang papel na sinasabi nito. Hindi niya inabot iyon dahil nanginginig siya sa galit at sakit.
"Totoo ba iyon, Damon?" mariin niyang tanong kay Damon habang lumuluhang nakatingin sa papel na nakalahad sa harap niya. Ayaw niyang maniwala. Gusto niya na sa mismong bibig ni Damon magmula kung totoo ba ang lahat bago pa man siya tuluyang bumigay.
"N-No, babe." hindi siguradong sabi ni Damon at hinawakan siya sa kamay pero hinawi niya.
"Please, sabihin mo ang totoo. Nasa simbahan tayo. Kaya magsabi ka na ng totoo.." pakiusap na sabi niya rito at tumingin siya sa mga mata nito habang patuloy ang pag-agos ng luha niya. Kita niya ang takot sa mata nito bago nito binuka ang bibig.
"Wala akong maalala. Pero babe, hindi ko ginusto iyon--" sinampal niya ito na kinatigil nito.
'Diyos kong mahabagin.' sabi ni father.
Dahil sa sinabi nito ay walang duda na totoo nga ang sinasabi ng babae. Parang dinudurog ang puso niya dahil sa nalaman niya.
"Ang sakit! Ang galing niyo! Talagang sa kasal na ito niyo pa siniwalat ang lahat! K-Kaya pala.. Kaya pala gusto mong agahan ang kasal natin dahil may kasalanan ka pala! Ang sama mo! Ang sama niyong dalawa! Sana sinabi njyo na bago niyo pa pinaabot sa ganito! Para hindi rin ako nagiging mukhang tanga at kaawa-awa sa harap ng mga tao rito!" galit at umiiyak niyang sabi kay Damon na pilit siyang hinahawakan pero lumalayo siya. Napailing siya at ang tangging naisip lang niya ay tumakbo dahil sa kakahiyan at sakit na nadarama niya.
"Babe!" sigaw ni Damon ng tumakbo siya palabas ng simbahan. Hindi niya pinansin ito at tumakbo lang siya ng tumakbo habang hawak-hawak ang dulo ng gown. "Babe, please!" dinig niyang tawag nito mula sa malayo.
Humihikbi siya habang hindi alam kung saan pupunta. Humakbang siya kahit na hindi niya makita ang nilalakaran niya. Dahil nanlalabo na ang mata niya sa pagluha.
Sa kanyang pagtakbo mula sa kalsada ay hindi niya napansin ang isang sasakyan na paraan. Napahinto siya at nanlaki ang mata. Parang slow-motion ang nangyari at huminto ang paligid niya. Tumama ang katawan niya sa hood ng sasakyan at nagpagulong-gulong isya at tumama sa salamin bago bumagsak sa lupa.
"VENICE!" sigaw ni Damon ng makita ang pagbunggo ni Venice sa isang sasakyan na mabilis na humaharurot. Parang tumigil ang mundo niya nang makita ang dalaga na bulagta sa lupa. Dali-dali siyang tumakbo palapit dito at dinaluhan ito. Napaluha skya ng makita ang dugo na umaagos sa binti nito at ulo. "TULONG! TULUNGAN NiYO AKO! VENICE! f**k!" umiiyak na sigaw niya habang yakap-yakap ito.
Biglang bumagsak ang ulan habang nanginginig ang kamay njya na nakatingin rito na may dugo na mula sa binti ni venice.
"A-Ang baby ko." bulong ni Venice bago ito nawalan ng malay.