Halos tatlong linggo ang ginugol nila para paghandaan ang kasal. Kinakabahan si Venice dahil ilang araw nalang ay ikakasal na sila.
"Hay, nakakapagod pala." sabi ni Venice kay Damon habang nakahiga siya sa kama habang ito ay hinihilot nito ang mga binti niya.
"Sabi ng Doctor ay kailangan mo iyon para hindi ka mahirapan manganak. Kaya tiis lang, Babe. Inaaral ko na rin ang tinuro ng masungit na Doctor na iyon. Kung hindi lang para sa inyo ni baby ay papatulan ko na iyon." natawa siya sa sinabi nito. Paano kasi, ang bilin ng doctora niya ay kailangan daw nilang malaman ang mga dapat gawin para 'pag nasa puntong sumabog ang panubigan niya ay alam ni Damon ang gagawin. Hinikayat din sila sa isang program ng hospital para sa mga buntis na kailangan ng tamang exercise. Sinusungitan kasi ng Doctor si Damon dahil mali-mali ang paghilot nito sa katawan niya. Alam niya na mababaw lang ang pasensya ni Damon at ayaw nito na inuutos-utusan ng iba at sinisigawan. Pero natutuwa siya dahil pinili nalang nitong makinig para sa kanila ni baby.
"Hayaan muna. Marami naman siyang naturo sa atin sa dapat nating gawin oras na manganak na ako. Tsaka feeling ko nga ay parang gumaan ang katawan ko ng magalaw-galaw ang mga muscle ko at buto." sabi niya rito. Nahiga na si Damon sa tabi niya at inakbayan siya habang nakasandal ang ulo nila sa headboard ng kama. Umayos siya ng higa at yumakap rito at pinatong ang ulo sa dibdib nito.
"Mabuti naman." sabi nito habang hinahaplos ang buhok nya.
"Sir! Ma'am!" tawag ng kasambahay nilang si Ruby mula sa labas ng pinto ng kwarto nila.
"Daddy, si Ruby." sabi ni Venice na umalis sa pagkakayakap kay Damon. Naupo naman si Damon at tumayo mula sa kama. Tinungo niya ang pinto at sumilip.
"Why?" tanong niya kay Ruby na kinakabahan.
"Eh Sir, may bisita po kayo sa baba." sabi nito.
"Sabihin mo na natutulog na kami at bumalik nalang bukas." utos niya rito.. Isasara na sana njya ang pinto ng pigilan siya nito. "Bakit na naman?" naiinis niyang tanong.
"Sir, kapag hindi niyo daw siya hinarap ay makikita niyo daw po ang mahiwaga niyang samurai." sabi nito na kinatigil niya.
"f**k! f**k! Sige, sabihin mo sandali lang." mura niya at sabi rito, kaya agad umalis ito tila natakot sa pagmumura niya. Sinara niya agad ang pinto at lumapit sa roba niya.
"Daddy, anong sabi ni Ruby?" tanong ni Venice kay Damon na parang namumutla. Nagsusuot ito ng roba dahil naka-boxer short lang ito at walang pang itaas kanina.
Bumangon siya at tinignan ito na hindi mapakali. Tumingin ito sa kanya at lumapit. "Babe, may bisita tayo. Halika at ipapakilala kita." sabi nito.
"Huh? Sino ang bisita?" nagtatanong niyang sabi at tumingin sa wall clock. "Alas nuebe na." sabi pa niya.
"Mamaya ko na sasabihin. Ayaw no'n ng pinaghihintay." sabi nito at inalalayan siyang tumayo. Kinuha niya ang roba niya at sinuot. Pagkatapos at sabay silang lumabas ng kwarto. "Dahan-dahan lang at baka madulas ka." paalalanan ni Damon habang nakahawak sa baywang at kamay niya habang pababa sila ng hagdan.
Nang makababa ay napahinga pa siya ng malalim dahil halata rin na nahihirapan siya lalo't lumalaki na ang tiyan niya. Paano pa kaya kung malaking-malaki na? Tiyak na hindi na niya kita ang mga paa niya.
Tinungo nila ang sala at may nakita silang nakatalikod sa kanila na maputing buhok na kulot ng isang babae habang may nakatayo sa tabi nito na isang babae na may bitbit na bag. Napatingin siya kay Damon na seryoso ang mukha habang nakatingin sa bisita.
Huminto sila at tumingin doon hanggang si Damon ang bumati sa bisita.
"Grand Ma, what are you doing here?"
Gulat napatingin siyang muli kay Damon sa tinawag nito sa babae. Pinanlamigan siya at kinabahan sa tinawag nito sa ginang na bisita nila.
"Sit here." maawtoridad at istriktang boses na sabi ng Grand Ma ni Damin.
Inakay siya ni Damon para humarap sa Granda Ma nito. Naupo sa sofa si Damon at isasama sana siyang iupo ng hindi siya sumunod. Nakatingin siya sa Grand Ma nito na may salamin sa mata. Medyo may wrinkles. Maputi. May mga alahas na sa tenga at sa leeg na perlas ang kwintas. At nakasuot ito ng isang mamahaling chinese dress.
Yumukod siya at binati ito. "Magandang gabi po, Grand Ma." bati niya.
"Ilang months na ang nasa sinapupunan mo?" tanong nito.
Napalunok muna siya bago sinagot ito.. "Five months and fifteen days po." sagot niya.
"Kung hindi pa nadulas ang mama mo apo ay hindi ko pa malalaman!" singhal nito kay Damon.
"Tsk. Kaya nga ayoko sabihin dahil tiyak na papakialaman niyo na naman ako." bulong ni Damon.
"Ano?"
"Ang sabi ko po, sasabihin ko din. Alam kong lagi kayong busy sa auction niyo, kaya hindi ko na muna kayo inistorbo." sabi ni Damon rito at inalalayan siyang maupo.
"At kasal niyo na sa sabado na pala gaganapin. Wala ka ring balak sabihin?" usisa ng Grand Ma nito at tumingin sa kanya. "Ganyan ba ang sinusuot mo lalo't alam mong buntis ka? Paano kung magkasakit agad ang susunod na henerasyon ng Vega dahil sa kapabayaan mo?" sermon nito sa kanya kaya napababa siya ng tingin.
"Tsk. Huwag niyo nga ho siyang sermonan. Nalaman niyo na pala ang lahat, bakit pa kayo nagpunta dito? Pwede naman na ipagpabukas nalang ang pagpunta niyo."
"Hindi pwede bukas. Dahil bukas ng umaga ay nagpatawag ako ng press at mga amiga ko para ipakilala ang magiging asawa mo.." sabi nito na kinagulat niya. Napatingin siya kay damion na napahilot ng sentido.. Mas lalo siyang kinabahan dahil sa sinabi nito.
"But Grand Ma, you should tell me first before you make a decision to yourself.. I want a secret wedding. And what now? It's not secret anymore." galit na sabi ni Damon.
Napatalon siya sa gulat ng kunin ng Grand Ma ni Damon ang isang mahabang lalagyan at nilabas doon ang isang samurai na kinatakot niya. Lalo't tinapat iyon kay Damon.
"Gagawin ko ang dapat kong gagawin. Hindi pwede sa pamilya natin ang may nililihim. Lalo na ang magiging apo ko sa tuhod." sabi nito. "Betty, ipasok niyo na." sabi pa nito at hindi niya kilala kung sino ba ang tinatawag nito? Pero ng pumalakpak 'yung katabi nitong babae ay nalaman niya na ito 'yung sinasabihan. Napatingin siya sa gawing pinto ng magpasukan ang mga kalalakihan na naka-black suit na may bitbit na maleta.
"What's the meaning of this, Grand Ma?" tanong ni Damon sa Grand Ma nito.
"Simple lang. Simula ngayon ay dito muna ako upang mabantayan kayo." sabi ng matanda sa kanila ni Damon. At tumingin ito sa paligid. "At kailangan na maayos ang buong mansyon dahil tila walang swerte sa mga kulay na ginamit at ayos. Magpapatawag din ako bukas na bukas ng punsoy." sabi pa nito.
Napabuga ng hangin si Damon tila walang magagawa sa nais ng Grand Ma nito. Dati, gusto nya makilala ang pamilya ni Damon ngunit parang lalo siyang nahihiya ngayon. Parang ramdam niya na mas lalo siyang hindi bagay kay Damon sa estado ng buhay ng pamilya nito. Kung hindi pa alam ng Mama ni Damon na dala-dala niya ang anak ni Damon ay hindi siguro titigil iyon na paringgan siya. Tapos ngayon ay ang Grand Ma naman ni Damon na dahil sa magiging apo sa tuhod kaya siya kinikilala.
Pero dahil mahal niya si damion ay wala siyang magiging reklamo. Lalo't ang pamilya ni Damon ay magiging pamilya na rin niya 'pag nakasal na sila.
"Sorry, Babe. Kaya ayokong ipakilala kita sa pamilya ko dahil ayokong pakialaman nila tayo." sabi sa kanya ni Damon ng makahiga sila muli sa kama.
"Ayos lang. Masaya ako at unti-unti kong nakikilala ang pamilya mo." sabi niya habang nakapikit dahil talagang inaantok na siya..
"Salamat." bulong nito sa kanya at naramdaman nya na hinalikan siya nito sa ulo bago siya niyakap mula sa likod.
-
Kinabukasan ay maaga siyang nagising dahil pinapagising na sila ng Grand Ma ni Damon. Ang kaso ay mahimbing pa ang pagkakatulog ni Damon kaya siya nalang ang bumangon.
"Nasaan si Damon at ikaw lang ang bumangon?" tanong ni Grand ma sa kanya habang humihigop ito ng tsaa.
"Tulog pa po. Kaya hindi ko na po ginising." tugon niya.
Nilapag nito ang tsaa at tumingin sa kanya. "Maupo ka at kailangan kitang makausap ng masinsinan." sabi nito. Kaya naupo siya kahit na ubod na ang kaba niya. "Nasaan ang magulang mo? May business ba sila?" bungad na tanong nito.
"Wala na po ang magulang ko. Namatay na po sila nung sixteen years old ako." tugon niya.
"Tatanggapin kita dahil dala-dala mo ang susunod na magdadala ng apelido ng Vega. Kung ako lang ay hindi kita gusto sa apo ko. Ang bagay lang sa apo ko ay ang babaeng may maipagmamalaki. Tila wala ka no'n." walang paligoy-ligoy nitong sabi sa kanya. "Bueno, ayoko na pinapabayaan mo ang sarili mo. Dahil ibig sabihin lang no'n ay pinapabayaan mo rin ang apo ko sa tuhod. Kaya nagpaluto ako ng gulay dahil simula ngayon ay iyon ang kakainin mo. Nakita ko na puro karne ang laman ng refrigerator. Paano magiging healthy ang bata kung iyon ang kinakain mo? Baka nasa tiyan mo palang ay magkaroon na agad ng sakit iyon na highblood." sermon nito.
"Pasensya na po, hindi na po mauulit." paumanhin nya.
Hindi ito tumugon sa sinabi niya kundi tinawag lang nito si Betty na alalay nito. May hawak itong Box na malaki at nilapag sa harap niya.
"Iyan ang isusuot mo mamaya sa presscon. Sinuot na 'yan dati ng Mama ni Damon, kaya gusto kong isuot mo rin 'yan." sabi nito. Binuksan niya ang takip ng box at nakita niya ang isang pulang chinese dress. "Pina-adjust ko para magkasya sa iyo." sabi pa nito kaya tumango siya.
"Babe! Babe!" sigaw ni Damon mula sa taas. Narinig nila ang yapak nito kaya ilang saglit lang ay nakababa na ito. "Narito ka lang pala. Bakit hindi mo ako ginising?" sabi pa nito at hinawakan siya sa mukha at mariin na hinalikan siya sa labi na kinahiya niya. "Oh, Grand Ma, nand'yan pala kayo." ani nito nito tila noon lang napansin ang Grand Ma nito.
"Sa puti kong buhok ay talagang siya lang ang napansin mo? At anong suot' yan? Binabalandara mo ang katawan mo at hindi ka man lang magbihis bago bumaba." sermon nito kay Damon.
"Nataranta ako ng makitang wala si Venice. At bakit niyo ba siya ginising agad?" sagot ni Damon at naupo sa tabi niya.
"Sinabi ko lang ang dapat niyang gawin oras na maging asawa mo siya. At pagkakain ay kailangan niyo nang magbihis dahil maaga akong nagpatawag ng presscon at doon gaganapin sa bungalow ko." sabi nito.
"Tsk. Kailangan pa ba iyon?" inis na sabi ni Damon kaya hinawakan niya ang hita nito upang patigilin. "Fine, fine. Pero ayaw ko nang maraming tanong pa na binabato." pagpayag nito pero mukhang labag sa loob.
"Manang-mana ka talaga sa ama mo. Madaling mag-init ang ulo." sabi ni Grand Ma.
"I'm not like him. Don't say that again, Grand Ma." mariin na sabi ni Damon at napakuyom ang kamao nito.
"Bakit? Sinabi ko lang ay namana mo sa pagiging mainitin ng ulo niya. Kaya, bakit ka nagagalit? Unless, you flirting the other women?"
Nabigla siya ng hampasin ni Damon ang lamesa at tumayo. "It's not true. I'm loyal to my girl. I don't do that. I'm not a womanizer like dad. Never." galit at mariin nitong sabi bago siya itayo.
Hinatak siya ni Damon paalis sa sala. "Damon, dahan-dahan lang." sabi niya rito. Napahinto ito at lumingon sa kanya.
"Damn! Sorry, babe." hingi nito ng pasensya at hinagod ang buhok tila napu-frustrate.
"Dapat ay hindi mo sinagot ang Grand Ma mo ng gano'n. Wala naman siyang maling sinabi." sabi niya rito.
"Hindi kasi ako nakapagpigil. Ganyan na si Grand Ma simula nung bata ako. Laging pinanghihimasukan ang buhay ko."
"Ganyan talaga, Daddy. Mabuti nga at may pamilya ka na pinapakialam ang buhay mo. Kesa naman sa may pamilya ka nga, pero wala naman pakialam sa 'yo. Kaya dapat imbes na mainis ka ay hayaan mo nalang. Dahil alam ko gusto lang ng Grand Ma mo na maging maayos ang pagsasama natin at hindi tayo matulad sa magulang mo." paliwanag niya rito. Ngumiti ito dahil sa sinabi niya at hinawakan siya baywang bago hinapit palapit.
"Kaya mahal na mahal kita. Kumakalma ako 'pag pinagsasabihan mo ako." sabi nito. Kaya ngumiti siya at humawak sa leeg nito.
"Asus! Nambola ka pa." sabi nyia rito at pinindot ang ilong na kay tangos.
"Bakit ba lagi mong iniisip na binobola kita? Ang tiyan mo lang naman ang naging bola dahil sa akin." sabi nito at ngumisi. Naningkit ang mata niya at tinulak ito sa dibdib.
"Ah, gano'n? Kung itong kamao ko na mukhang bola ang lumapat sa mukha mo?" mataray niyang sabi rito na kinahalakhak nito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang tiyan niya. .
"Syempre kahit na mabilog ang tiyan mo ang sexy mo pa rin, babe. Kaya naaadik ako sa 'yo." sabi nito at kumikindat-kindat pa.
"Tsk. Nambobola ka na naman." sabi niya pero nangingiti. Napatili siya ng buhatin siya nito.
"Hindi nga sabi kita binobola. Kung pwede lang na maka-score para dalawang bola na ang nasa tiyan mo kaso hindi na pwede baka mapahamak si baby." sabi nito at lumakad paakyat muli sa kwarto nila. Hinampas niya ng mahina ang dibdib nito at humilig siya rito. Napangiti siya dahil kahit gano'n lang sila ay masaya na.
-
Gaya ng sabi ng Grand Ma ni Damon ay may gaganapin na presscon. Suot niya ang parang chinese dress habang nakatarintas ang buhok niya. Light make lang ang make-up niya at ang nagpatingkad lang ay ang red lipstick. Naka-doll shoes siya dahil hindi na pwede ang high heels.
Nakakapit siya sa braso ni Damon at nahihiyang ngumiti sa mga nakatutok na camera sa harap nila. Parang museo ang style ng bungalow ng Grand Ma ni Damon at may touch ng chinese parol at dragon statue sa bawat haligi. May mga mamahaling vase na malaki na pinaglalagyan ng malalaking halaman na namumulaklak.
Inalalayan siya ni Damon na maupo sa isang antigong upuan na may nakaukit na dragon at may sapin na unan na pula.
Nag-datingan din ang sinasabing mga amigas ni Grand Ma na kausap nito ngayon. Kinakabahan siya dahil halata na mga matataas na tao ang bisita. At naiilang siya sa maya't-mayang kumukuha ng litrato sa kanya. Naupo si Damon sa tabi niya at hinawakan ang nanlalamig niyang kamay.
"Huwag kang kabahan, babe. Hindi ka naman nila kakainin. 'Tsaka nasa tabi mo ako kaya 'wag kang mailang." sabi nito sa kanya.
"Kasi, parang nakakahiya. Baka 'pag tinanong ako baka mautal lang ako." bulong niya rito.
"Ang cute mo talaga," ngiting sabi nito at inakbayan siya. "huag kang mag-alala. Ako ang sasagot ng lahat ng tanong sa 'yo."
"Ahem. Umayos na kayo at uumpisahan ko na." pukaw sa kanila ng Grand Ma nito. Kaya umayos siya ng upo.
"Magandang araw sa lahat. Mabuti at nakadalo kayo sa imbitasyon ko para sa pagpapakilala ngayon sa apo ko at sa magiging asawa nito." panimula ni Grand Ma.
"Syempre Mrs. Vega, ikinagagalak namin na maimbitahan ng makapangyarihang babae sa mundo ng business world. At nagulat kami na sa kauna-unang beses ay nagpaunlak ng interview si Mr.Vega." sabi nung isang reporter.
"Well, hindi mahilig makipag-socialize ang apo ko.. He's very private person, kaya pasensyahan niyo na."
"Nauunawaan namin.." tugon ng mga press.
"Madam, pwede ba namin matanong kung sa anong pamilya related ang mapapangasawa ni Mr.Vega?" tanong ng isang reporter na babae.
Kinabahan siya dahil baka mapahiya ang pamilya ni Damon dahil sa kanya.
"Oh, next question please. Masyadong pribado kasi ang pamilya ni Venice, kaya wala ako sa lugar para sabihin iyan." sabi ni Grand Ma na kinatingin niya rito.
Tumango ang mga press at marami pang tanong na binato sa kanila. At gaya ng sabi ni Damon ay ito ang sumagot sa lahat ng tanong sa kanya.
Unti-unti na niyang nauunawaan kung gaano kataas si Damon sa kanya. Isang mataas na tao pala ang mga ito. Isang chinese pala ang Grand Ma ni Damon na isa sa pinakamayaman sa china. Kilala na pala sa industriya ang pamilya ni Damon pero siya ay walang kaalam-alam.
Isang salo-salo ang inihanda ng Grand Ma ni Damon kasama ang mga press at ilang bisita nito.
Nakaupo lang siya habang kinukuha siya ni Damon ng pagkain. Nahihiya siya dahil malapit lang ang pwesto ng lamesa nila sa mga bisita.
"Aida, I thought you want a chinese grand daughter-in-law for your grand son? Why her?" dinig niyang tanong nung isang babae na tingin niya ay medyo bata lang ng kaunti kay Grand Ma. Marami ding alahas sa katawan ito at mukhang chinese din.
"Dinadala niya ang magiging apo ko sa tuhod. Kaya wala na akong magagawa, lalo't mahirap pasunurin ng apo ko sa tradisyon namin." sagot ni Grand Ma.
Napatingin siya sa tiyan niya. Iniisip niya tuloy paano kung hindi siya buntis?
"Babe, are you okay?" pukaw sa kanya ni Damon kaya nag-angat siya ng tingin. Ngumiti siya at tumango.
"Ayos lang ako, ano ka ba." sabi niya rito.
"Are you sure?" nag-aalala pa rin nitong tanong. Tumango siya. "Kung gano'n ay bakit ka nakatingin sa tiyan mo? Baka may sumasakit, sabihin mo lang." napangiti siya dahil napakamaalalanin talaga nito.
"Opo. Tinitignan ko lang ang tiyan ko kung gaano na kalaki. Huwag ka nang mag-alala, 'pag nakaramdam naman ako ay sasabihin ko agad sa 'yo." nakangiti niyang sabi habang tumitingin sa kinuha nitong pagkain.
"Okay. Oh, kinuha kita ng chocolate mashmallow. Pero babe, konti lang. Baka makasama 'pag marami kang kinain." paalalanan nito.
"Yes, Daddy." sagot niya na kinangiti ni damyon at hinaplos ang buhok niya habang kumakain siya.
Habang busy ang dalawa ay nakatingin naman si Aida sa apo niya at kay Venice. Ngayon palang niya nakita ang apo na maging maasikaso at ngumiti ng totoo sa isang tao. Bata palang ito ay tahimik na ito pero sumusunod sa kanya. Pero nang malaman nito na nagkakalabuan na ang magulang nito ay naging matigas na ang ulo nito at mahirap nang pasunurin. Lagi itong napapaaway kaya kung saan-saang school na ito lumilipat.
Hanggang sa magbinata ito ay madalang na itong umuwi. At nalaman nga nila na may sarili na itong mansyon at iyong negosyo nito ay sarili nitong tinayo na hindi humihingi sa kanila ng tulong. Masasabi niya na iba si Damon sa ama nito. At tingin niya ay dahil ito sa babaeng papakasalan nito.
Gusto nya sanang subukan ang pagmamahal nito sa apo niya pero kaninang umaga ay narinig niya pinapangaralan nito ang apo niya. Kaya alam niya na dito lang nakikinig ang apo niya at alam niya na totoong mahal nito ang apo niya.
Napangiti siya habang pinapanood ang mga ito.
"Grand Ma, pasado ba?" bulong ni Betty na alalay niya. Tumikim siya at sineryoso ang mukha.
"Tigilan mo ako, Betty." sabi niya rito at pinagpatuloy ang pagkain.