Chapter 1
Leizen POV
"Goodmorning! Another day, another work na naman tayo self. Hays." Nakangiting ani ni Leizen habang nakatanaw sa bintana ng kwarto niya. Medyo mamasa-masa ang daanan tsaka mga bubong ng kapitbahay nila kasi maulan kagabi.
*tok tok tok
"Hoy, Ms. Leizen Clarisse Ocampo! Anong oras na oh mal-late na naman tayo sa trabaho, malalagot na naman tayo kay Madam kilay nito!" Sigaw ni Clara galing sa labas ng kwarto ni Leizen.
Pft, ito na naman si Clara. Kung hindi lang talaga tayo magkaibigan matagal na kitang pinugutan ng ulo. Bulong ni Leizen sa isipan niya.
"Teka lang naman noh, ang aga-aga pa oh 5:00 AM pa lang tapos 7:30 AM pa yung pasukan natin." Sigaw niya pabalik kay Clara.
"Ewan ko sayong babae ka, kahit kailan talaga hindi ka natakot kay Madam kilay." Ani ni Clara habang binubuksan ang pinto ng kwarto ni Leizen. Natatawang humarap sa kanya si Leizen.
"At bakit naman ako matatakot kay Madam kilay, aber? Bukod sa kilay niyang papuntang Maynila, yung lipstick niya na papuntang Cavite, tsaka yung pisnge niyang mukhang sinampal ng sampung demonyo sa sobrang pula ng blush on. Ano pa ba? yun lang siguro yung nakakatakot sa kanya hahaha." Tawang tawa na sambit ni Leizen.
"Bobo, manahimik ka nga. Maligo ka na tsaka magbihis ka na rin, maaga tayong papasok ngayon kasi dadaan ka pa sa iskwelahan ni Clark at Charize 'di ba kasi magbabayad ka pa ng entrance exam nila. Ayokong ma-late kaya maligo ka na, go go go." Taas kilay na sabi ni Clara sabay tinulak siya palabas ng kwarto niya.
"Pft." Natatawang nagpatangay na lang si Leizen kay Clara. Kahit kailan talaga napaka boosy ng kaibigan niya, kung ano ang ayaw nito, ayaw talaga. Wag mo na lang tanungin kung bakit, baka pag nagkataon bigla ka na lang malumpo.
1,000 hours later...
"At sa wakas, natapos din. Ano bang ginawa mo sa cr, mukhang ang dami mo talagang libag ano?" Sabi ni Clara sabay inirapan si Leizen. "Magbihis ka na jusko 6:40 na, dadaan pa tayo sa iskwelahan nina Clark at Charize. Traffic pa ngayon, jusko teh maawa ka sakin, may pamilya pa akong pinapakain ayoko pang mawalan ng trabaho." Kunwareng naiiyak na sambit ni Clara.
"Oo na, oo na ito na magbibihis na." Inirapan niya si Clara sabay pasok sa kwartk niya't nagbihis.