Teaser

425 Words
Bahagyang napaungol nang malalim si Alonzo nang hilahin ni Thalia ang sinturon na nakakabit sa kanyang leeg. Hindi niya magawang gumalaw dahil nakagapos ang kanyang mga kamay. Nag-aalab ang mga mata ng kanyang asawa at alam niyang nararapat lang sa kanya ang ginagawa nito. Nahulog siya sa iba, kahit na nangako siya kay Thalia na sa babae niya lang iaalay ang buong pagmamahal niya. “So it’s true, cabron? You’ve been sleeping with our maid,” malumanay na tanong nito. “And you should not deny it to me, Alonzo. I have evidence.” Kahit na bahagyang kinakapos ng hininga ay nagawa niya pang tumango. “I’ll… leave her for you, amore…” Mahina lang na tumawa si Thalia at naupo sa kandungan niya. Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi habang mahigpit ang pagsabunot nito sa kanyang buhok. Inalis nito ang sinturon sa kanyang leeg. Parang naparalisa si Alonzo nang hagkan siya nito sa labi. Ilang libong sensasyon ang kumawala sa kanya nang maglapat ang kanilang mga balat. Ganoon pa rin ang nararamdaman niya para sa asawa. Binabaliw pa rin siya nito. Pinapasailalim sa mahika nitong maski siya ay hindi niya maintindihan kung nakabubuti o nakakasama ba sa kanya. “Thalia…” “Kulang ba ang pagmamahal ko sa ‘yo, mi vida? Do I often leave you sad and unfulfilled?” Napalunok si Alonzo sa tanong nito. Hindi niya magawang sagutin nang diretso ang kanyang asawa dahil tiyak na may parusa na naman itong ibibigay sa kanya kung sakali. Inilapit na lamang niya ang kanyang mga labi muli sa labi nito at nagsumamong angkinin siya. “No, you don’t amore… I always want you…” Lalong lumapad ang ngisi ng babae. Nalaglag ang panga ni Alonzo nang maramdaman niya ang mga ngipin nitong bumabaon sa kanyang tainga. Kaagad naman iyong napalitan ng lambing nang masuyo nitong halikan ang kanyang leeg. “I’m not going against your rendezvous with Teresa, cabron…” Thalia licked her lips before running her warm hand against her torso. “But just so you know, because of that, you have to work harder to please me…” “I will, amore–” “Oh, mi vida…” Tumawa ito. Bumaba ang kamay ng kanyang asawa sa kung saan. Napa-igtad si Alonzo sa sumunod na sinabi ng kanyang asawa. “Kaya mo ba kaming pagsabayin nang walang napapabayaan, Alonzo? I hate being neglected. And I hate being second to some cheap p*ta you found in the streets. Bear that in your mind and in your d*ck.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD