Mabigat ang paghinga na pinakawalan ni Alonzo kasabay ng pagtama ng manipis na patpat sa kanyang balat. Nagdulot iyon ng hapdi ngunit kaagad iyong napalitan ng ligaya at pangungulila nang maupo si Thalia, ang kanyang asawa, sa kanyang kandungan. Hinaplos nito ang mukha niya. Naisin niya man na hilahin ito at siilin ng halik ay hindi niya magawa. Nakagapos ang kanyang mga kamay sa likod ng upuan at hindi siya makagalaw.
"I don't want you to do the same mistakes like you did earlier today, love, alright?" mahinang bulong nito habang pinapadaan ang mga daliri nito sa kanyang dibdib. "Or else..."
Nahigit niya ang kanyang paghinga. "Yes, amore... I won't disappoint you again..."
Ngumiti ito at nagtanim ng magaang halik sa kanyang labi. "Good boy..."
At tila asong napaamo, tuwang-tuwa na tinanggap ng lalaki ang mga halik na tila pabuya sa kanya ng asawa.
Ano nga ba ang nagawa niyang pagkakamali? Hindi niya rin alam. Dahil ba tinawag niya itong amore sa harapan ng mga tauhan nito? Dahil ba pinagbuksan niya ito ng pintuan nang bumaba ito mula sa Jaguar nito? O dahil nilutuan niya ito ng pagkain?
Kung ano man iyon, iisa lang ang alam ni Alonzo: ayaw ni Thalia na tinatrato ito na tila babasaging manika. Thalia wanted something else. Something that was... rough and merciless. Without inhibitions. Within closed doors.
At hindi na rin siguro siya magtataka, dahil ito ang nagturo sa kanya na makahanap ng ligaya sa pagitan ng sakit.
Napatigil ito sa paghalik sa kanya nang mapatingin ito sa relos na suot nito. "Mi vida, I forgot, but I have to leave early... There's a deal I have to oversee downtown. Are you coming with me?"
Bahagyang sumimangot ang mga labi ni Alonzo. "Si Hugo na naman ba ang kasama mo?"
Tumaas ang kilay nito. Napintahan ng ngisi ang labi nito at masuyong ikinawit ang mga braso nito sa leeg niya. "Are you jealous of Hugo, mi vida?"
Nakagat niya na lamang ang kanyang pang-ibabang labi. "I—"
Napahalakhak ito at mas lalong idinikit ang katawan nito sa kanya. "You're adorable, Alonzo... That's why I married you..."
Sa katunayan, wala siyang alaala tungkol kay Thalia o ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Nagising na lang siya sa isang ospital at nasa tabi niya ang babae, na siyang nagsabi na na-comatose raw siya nang halos ilang linggo. At nang malaman ng doktor na wala siyang naaalala, ito na rin ang nagpuno sa kanyang memorya. Anim na taon na raw silang kasal. Walang anak dahil ayaw pa nito. Nagkakilala sila noong beinte uno pa lamang ang dalaga at siya ay treinta y tres. Nagpakasal noong bente dos na ito at siya naman ay treinta y cuatro. Tinanong niya ang asawa kung bakit sobrang bata pa nito nagpakasal ngunit ngumiti lang ito at sinabing hindi na raw ito makapaghintay na maging asawa niya at hindi naman daw tumutol ang kanilang mga magulang na kapwa nang pumanaw.
Minsan ay nagtataka rin si Alonzo, na bakit sa dinami-rami ng mga lalaking nagkakandarapa para mahalin ni Maria Thalia Diaz ay siya ang napili nito. Ngunit nang makasama niya nang husto ay napagtanto niyang iba si Thalia sa lahat. Hindi ito naghahanap ng lalaking magmamahal dito. Dahil para sa asawa, ang mga katulad niyang lalaki ay mga tau-tauhan lamang madali nitong mapapaikot sa mga kamay nito. Puppet kumbaga. At masuwerte siya sa lahat ng napakaraming lalaking maaari nitong paglaruan ay siya ang napili nitong pakasalan.
Ngunit dahil nakakabulag ang pag-ibig, kailan man ay hindi nagreklamo ang lalaki. 'Ni ang naisipan man lang na iwanan ang asawa. Basta sa kanya ito umuuwi, buong puso at kaluluwa niya itong pagsisilbihan.
"Mi vida, you have no reason to get jealous of Hugo," mahinang sabi nito habang inaalis ang pagkakatali ng kanyang mga kamay. "You're the one I married."
Kahit na kinalagan na ay tila nanghihina pa rin ang katawan ni Alonzo. Kung sa bagay, kapag naman ginagawa nila ni Thalia iyon, palagi siyang naiiwang pagod. Hindi naman sa nagrereklamo siya o kung ano, sadyang hindi niya lang kayang sabayan ang galaw ng kanyang asawa. Kuwarenta na siya at minsan ay kailangan niya rin ng pahinga kahit na makisig at malusog ang pangangatawan.
"I just can't stop myself, amore... Pero para sa ikasisiya mo, hindi na mauulit," saad niya bago tumayo at isinara ang zipper ng kanyang slacks, nagsuot ng puting polo at pinulot ang coat niyang nasa lapag na. Ang kanyang asawa naman ay nasa harapan ng vanity mirror nito at nag-aayos. Hinintay niya ito. Ganoon naman siya.
Ganoon ang katayuan niya sa buhay ng sarili niyang kabiyak.
Nang makapagwisik ito ng kaunting pabango ay tumayo na ito at naglakad palabas ng silid. Sinundan ni Alonzo si Thalia. At tila nanunukso namang mas lalo nitong ikinembot ang balakang at nilagyan ng kaunting pang-aakit ang paggalaw ng mga hita nito. Saglit siya nitong nilingon at nginitian bago sinenyasan na gusto nitong hawakan niya ito sa beywang. Wala pang ilang segundo, nakapulupot na ang matipunong braso ng lalaki sa beywang ng katipan.
He was wrapped around her finger and she was aware of it.
"You're such a good boy today," nang-aasar na biro nito sa kanya.
"I don't want to anger you, anyway," nangingiting saad niya. "Kahit na masarap ang mga parusa mo, wala tayong matatapos na trabaho."
Thalia clicked her tongue. "Oh, mi vida... I'm not yet done with you..."
Alam niya kung bakit ganoon kalambing ang kanyang asawa. Marahil ay may balak na naman itong ipagawa sa kanya. Hindi naman na iyon iniinda pa ni Alonzo. Kahit na mapanganib ay tinatanggap niya, kaysa naman kay Hugo Corleone pa ito lumapit. Gusto niya siya lang ang hihingian ng tulong ng kanyang asawa. Dahil handa siyang pagsilbihan ito kahit na ikamatay niya pa. Kahit na kapag wala itong kailangan ay para lang siyang dumi sa mamahalin nitong sapatos. Hindi pinapansin. Isinasantabi.
Kahit sa loob ng sasakyan nitong Jaguar ay ipinapakita pa rin ng asawa ang mga balak nito sa kanya. Ipinagmaneho niya ito habang inaabala naman nito ang sarili. Wala silang ibang kasama at...
"Clean yourself up, amore. Malapit na tayo," sabi niya. Ngumiti naman si Thalia at mahinang tumawa.
"After my meeting inside, there's something I want to talk to you about, darling."
At ayon na nga ang dahilan ng lambing niya, sa isip-isip ng lalaki habang papasok sa loob ng isang mamahaling restaurant. Sinamahan niya ito sa loob ng VIP area ngunit umupa siya ng hiwalay na silid upang doon kumain, habang nakikipag-usap ito sa kasosyo nito. Not that he was annoyed or anything, though. Kahit ano pa mang hilingin ni Thalia sa kanya, alam niyang gagawin niya ang lahat para lang matupad iyon.
Kahit na sabihan pa siya nitong sumisid sa dagat-dagatang apoy, gagawin niya.
Hindi rin nagtagal at natapos ang meeting ni Thalia. He waited patiently for her business partners to leave. Nang makaalis ang kahuli-hulihang siraulong pinapasadahan ng tingin ang magandang hubog ng katawan ng asawa ay kaagad niya itong pinuntahan. Sinalubong siya ng mapusok na halik nito at mapaglarong mga kamay.
"Amore..."
Ngumiti ito. "Mi vida, I want you to do something..."
Hinaplos niya ang pisngi nito. "Anything for you..."
Lalong lumapad ang pagkakakurba ng mga labi nito. Pinadaan nito ang mga daliri nito pababa sa kanyang dibdib. "Well, I have some... problems with a certain client... Can you fix it for me?"
Sunod-sunod ang tango na ginawa ni Alonzo. Matapos maibigay ni Thalia sa kanya ang bawat detalye ay inihatid niya lang ito pauwi. Sinigurado na mahimbing na itong natutulog sa kanilang silid. Pagkatapos ay saglit lang siyang nag-ayos. Nagbitbit ng mga kailangan niya sa kanyang trabaho noong gabing iyon.
May kailangan lang siyang linising kalat na iniwan ng mga tauhan ng kanyang asawa.
Alonzo never hated the job that Thalia gave him as her cleaner. He would have hated it even more if she trusted Hugo than him. Above else, it was his duty to serve her. She was his wife, after all.
Nahahalata naman niya minsan na kaya lang nagiging sweet ang kanyang asawa sa kanya ay dahil may hinihingi itong pabor. Kahit na madalas nitong sabihin na pinakasalan siya nito dahil sa nararamdaman nito para sa kanya, alam naman ni Alonzo na nagpakasal lang ito sa kanya dahil na rin sa kanyang apelyido. Bilang isang dating Romano, walang makakagalaw rito.
But his days of being a boss of a famiglia have been left behind the moment he got into an accident. Kinalimutan niya na iyon nang sabihin sa kanya na hinahanap siya ng kanyang kakambal na si Alessandro para patayin. Siguro ay marahil na rin sa mana. But to Alonzo, those things are useless for him. He would rather stay as a missing person and stay beside Thalia to serve her.
His estranged yet warm wife. Ironically.
Saglit siyang natigilan nang ipihit niya ang pinto ng silid na kanyang papasukan. Bahagyang napalunok si Alonzo nang maramdaman ang presensiya ng tao sa loob. Ang alam niya ay dapat wala nang—
Hindi niya naituloy ang pag-tutok niya ng kanyang baril nang mabungaran ang pinakamaamong mukha na kanyang nakita sa buong tanang buhay niya, nakagapos sa gilid ng isang drawer, takot na takot at nanginginig. Halos wala nang natira sa suot nitong bestida dahil gula-gulanit na. Sa harapan nito ay ang katawang ipinapaligpit ni Thalia sa kanya.
"Parang awa mo na, Sir... Huwag mo akong patayin..." garagal ang paos na tinig nitong sabi.