“She can’t stay here, Thalia. Let alone be our personal maid,” matigas na saad na sabi ni Alonzo na siyang narinig ni Teresa. Nakagat na lamang ang kanyang labi at nagsumiksik sa isang pader habang nag-uusap ang mag-asawa sa kabilang silid, na siyang dining area ng magarbong tahanan ng mga ito.
Hindi niya alam kung bakit sumikdo ang kanyang puso nang mapasadahan siya ng tingin ni Alonzo Romano kanina noong matagpuan siya nito. Malaki ang pagkakautang niya sa kliyente ng mga ito nang may bigla na lamang pumasok sa loob ng opisina nito. Kasalukuyan siyang naroroon at nasa bingit ng panganib ngunit hindi man lang siya pinansin ng mga tauhan ng mag-asawa. Pinanood niya kung paano sumingil ng utang ang mga ito. Isang kabayaran na–
“My decision’s final, mi vida. And besides, malaki ang utang niya sa kliyente natin at ang kliyente na ‘yon e malaki ang utang sa atin mismo. She’ll be the payment,”mariing saad ni Señorita Thalia habang kumakain ito ng steak.Sumunod niyang narinig ang pagkawala ng buntong-hininga mula sa mapupulang labi ni Alonzo.
“Look, amore… I’m just being cautious. What if she’s a spy? I don’t want to endanger you, my love…”
Bahagya siyang napapitlag sa sinabi ng lalaki. Ngunit pilit na pinakalma ni Teresa ang kanyang sarili dahil ayaw niya naman na mawalan ng tutuluyan. Wala na siyang pamilya at baon pa sa utang na iniwanan ng kanyang magaling na kapatid. Ayaw niya namang pang-habang-buhay na takbuhan nang takbuhan ang mga pinagkakautangan nito at mas lalong alam niya na kapag kinupkop siya ng mga ito kahit bilang katulong ay magkakaroon siya ng pagkakataon na makapagbayad.
Wala na siyang matatakbuhan. Ayaw niya namang magtungo sa Paradiso at maging escort, dahil iyon na ang naging trabaho ng kanyang ina bago ito pumanaw at alam niyang hindi maganda ang karanasan nito roon. Kung mangingibang-bayan naman siya, ano ang garantiya niya na hindi siya mahahanap ng nakatatanda niyang kapatid na hanggang ngayon ay pinipilit siyang magbigay ng pera pambayad sa mga utang nito?
“Look, Alonzo. Sigurado naman na kilala niya tayo. And besides, it’s riskier if we’ll let her go. Keep your friends close but keep your enemies right beside you, remember?”
Nang sumilip siya sa maliit na siwang ng kurtina ay nakita niyang naupo si Señorita Thalia sa kandungan ng asawa nito at masuyong pinadaan ang palad nito sa dibdib ng lalaki. Hubad-baro kasi ito, siguro ay dahil na rin natilamsikan ito ng dugo kanina habang ginagawa ang trabaho nito. Napalunok siya nang makita niya na bahagyang umindayog ang katawan ng babae sa ibabaw ng kandungan ng lalaki.
“Alright, amore… I trust you,” pagsuko ng lalaki bago hinawakan ang beywang ng asawa nito. Ngumiti si Alonzo at hinagkan ang babae habang tahimik naman siyang nanonood sa may siwang ng kurtina. “At kung susubukan niya man na traydurin tayo, poprotektahan kita, Thalia… I’ll die for you if you want me to…”
Nanlaki ang mga mata ni Teresa nang marinig niya ang pag-ungol nito at ang dahan-dahang paggalaw ng asawa nito sa ibabaw ng kandungan nito. Kaagad siyang napaalis sa tabi ng pintuan at tumikhim nang mahina. Inayos niya ang kanyang sarili at pilit na iwinaksi sa kanyang isipan ang nasaksihan.
Lumipas ang halos tatlumpung minuto nang marinig niya ang kaluskusan sa loob ng dining area. Sumunod ay ang tunog ng hinihilang upuan at ang pagtikhim muli ni Alonzo. Hindi naman siya makaalis dahil sinabihan siya ni Señorita Thalia na manatili sa may tabi ng pintuan. Mayamaya ay narinig niya ang pagtawag ng babae sa kanya.
Nang makapasok sa loob ay nakangiti ito habang pawisan naman ang asawa nito at nakasandal sa kinauupuan nito, matiim ang pagkakatingin sa kanya. Pinaglaruan ni Teresa ang laylayan ng kanyang suot na damit habang pinagmamasdan naman siya ng bago niyang amo. Ngumiti ito at ipinalakpak ang kamay nito ng isang beses.
“You’re in luck, Miss Rufin. My husband and I decided to take you in as our personal maid. Marunong ka naman siguro ng mga gawaing bahay, ano?”
Tumango siya pagkatapos mapalunok nang mapansin ang talim ng titig ni Alonzo Romano sa kanya. “Opo, Ma’am Thalia… marunong po ako ng gawaing bahay…”
Ngumiti ito at sinimsim ang wine sa hawak nitong kopita. “Good to hear. Hindi naman mahirap ang gawain dito dahil may mga kasama ka naman. As for our food, we have our own personal cook. Isa pa, madalas naman kaming wala ng asawa ko. Kilala mo naman siguro kami, ano?”
Tumango siya. Hindi makapagsalita si Teresa dahil nararamdaman niya ang unti-unting pagtagos ng mainit at matalim na titig ni Alonzo sa kanya. Bahagya na rin siyang naiilang ngunit ipinapakita niya na lamang na hindi siya apektado para hindi ito maghinala ng kung ano-ano.
“Anyway, Teresa, your room is behind the kitchen. Wala kang kahati ro’n dahil stay-in ka. May sarili ring banyo sa loob. I hope you do your best at your job, hmm?”
Nahihiya siyang ngumiti. “Esay na lang po itawag niyo sa ‘kin, Ma’am…”
Tumawa ito. “Sure, Esay. Bueno, como iba diciendo… You may rest now. Your work starts tomorrow. Mi vida, would you escort her to the maids’ quarters?”
Nang tumayo si Alonzo Romano mula sa kinauupuan nito ay hindi mapigilan ni Teresa na mapalunok. Hindi naman maikakaila na matipuno ang lalaki ngunit hindi niya alam kung anong mahika ang taglay nito na mas lalong nakapagpabilis ng kakaba-kaba niyang puso.
Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman kung sino ang lalaki. Dati itong lider ng isang kinatatakutang grupo sa Paradiso kasama ang kapatid nito ngunit nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng dalawa at pinaghinalaan na napatay ng kakambal nitong si Alessandro ang lalaki. Kaya naman lubha siyang nagulat nang makita ang lalaki kanina na buhay at humihinga.
At marahil ay malalim ang dahilan nito kung bakit ito nagtatago. Hindi niya ito masisisi kung ganoon na lamang ang paghihinala nito sa kanya, lalo na at bigla na lamang siyang sumulpot sa buhay ng mga ito.
Sinundan niya ang walang imik na lalaki habang tinatahak nito ang mahabang pasilyo ng magarbong tahanan ng mga ito. Pinilit niyang ituon ang kanyang tingin sa sahig. Kaagad siyang napahinto sa paglalakad nang makita na huminto ang lalaki sa harapan ng isang nakapinid na pinto. Naglabas ito ng susi mula sa bulsa nito at binuksan ang silid.
Pumasok siya kaagad ngunit hindi umalis ang lalaki. Humalukipkip lang ito sa may pintuan at tahimik siyang pinagmasdan habang inaayos ang kanyang gamit. Nang hindi na nakatiis ay sinulyapan niya na ang kanyang lalaking amo at paulit-ulit na lumunok bago nagsalita. “Sir, may kailangan po ba kayo?”
Pagak itong tumawa at naglakad papalapit sa kanya. Bahagyang napaatras si Teresa ngunit hindi niya napansin na malapit na siya sa kama sa loob ng silid. Napaupo siya nang tuluyan sa malambot na kutson habang matayog naman ang pagkakatayo ng matipunong pigura ni Alonzo Romano sa kanyang harapan.
Alam ni Esay kung gaano kadelikado ang mapasama sa lalaki. Alam niya kung gaano kalaking pag-iingat ang kailangan niyang gawin para hindi siya mapag-initan ng kanyang bagong amo. Ngunit ngayon na nakatayo ito sa kanyang harapan, hindi niya mapigilan na hindi matulala sa guwapo nitong mukha. Lalo na kapag—
“Hindi ko alam kung sinong nagpadala sa ‘yo, o kung inosente ka ba talaga, Esay,” may halong pagbabanta na saad nito bago pinadaan ang hintuturo nito sa ilang hibla ng buhok na humulagpos mula sa kanyang pagkakatali. Pinaikot nito iyon sa kanyang daliri at mahinang tumawa na nakakaloko. “But if you dare lay a finger on my wife—”
Napalunok siya nang ilapit nito ang mukha nito sa kanya at hawakan siya nang mahigpit sa panga. Pilit siyang pinasalubong ng titig nito at mas lalong nagrigodon ang dibdib ng dalaga nang padaanin nito ang hinlalaki nito sa kanyang labi. Pinaawang nito ang kanyang bibig bago marahang inuga ang kanyang ngipin na tila ba binabalak nitong hugutin isa-isa.
“ —I’ll make sure you won’t ever know how it feels to be loved by a man.” Mahina itong tumawa at bumaba ang pagkakahawak nito patungo sa kanyang leeg. “Sisiguraduhin ko na magmamakaawa ka sa ‘kin para wakasan ang buhay mo, Esay.”
Nang bitawan siya nito ay halos hindi mapigilan ni Esay ang panginginig ng kanyang katawan, pati na rin ang kaba na sumakop sa kanyang dibdib. Iniwanan siya ng lalaki na mag-isa sa loob ng silid at nang makasigurado na nakaalis na ito ay tsaka niya sinipat ang kinaroroonan. Walang CCTV sa paligid. Walang mga bintana o lagusan na maaaring pasukan mula sa labas. Bagaman aandap-andap pa ang dibdib dahil sa ginawa ng lalaki niyang amo ay nagpakawala na lamang siya ng malalim na hininga at muling nahiga sa kama.
Wala rin naman akong planong traydurin si Ma’am Thalia, Sir Alonzo. Mahal ko pa naman ang buhay ko, sa loob-loob niya habang nakatitig sa kisame. Mayamaya pa ay naramdaman niya na ang unti-unting paggupo sa kanya ng antok.
At nakapagtatakang ang huling memorya sa kanyang ulirat ay ang guwapong mukha ni Alonzo Romano, na halos kanina lamang ay tinatakot siya na papahirapan nito.
Tama nga sila, hindi ako dapat makipaglaro sa apoy mo, Alonzo Romano.