Tahimik na sinimsim ni Thalia ang champagne na nasa baso niya habang hinihintay ang kanyang asawa na pumasok sa loob ng kanilang silid. Isang manipis na lingerie na lamang ang kanyang suot at maliban doon ay wala na. Alam niyang gustong-gusto ni Alonzo kapag ganoon ang sinusuot niya tuwing gabi.
She has been restless these past few days. Siguro ay dahil na rin nalaman niya na kasalukuyang hinahanap ni Alessandro Romano ang kakambal nito. Hindi magtatagal ay matutuklasan ng lalaki kung nasaan sila at kung ano ang kasalukuyang lagay ni Alonzo. At hindi niya alam kung sino ang pipiliin ng kanyang asawa kapag nalaman nito ang matagal niya nang itinatago rito. Sadyang… hindi niya lang talaga alam kung papaano sasabihin sa lalaki ang katotohanan. Ganoong malaki ang posibilidad na magagalit ito sa kanya kapag nalaman nito ang kasalanan na kanyang ginawa.
Bahagya siyang napangiti nang marinig ang pag-ingit ng pinto ng kanilang silid. Kaagad niyang ibinaba ang hawak niyang kopita at nagsalin ng brandy sa baso na madalas gamitin ng kanyang asawa. Nilapitan niya ito nang maupo ang lalaki sa isa sa mga divan na nasa loob ng kanilang silid at iniabot dito ang baso. Naupo siya sa tabi ni Alonzo at marahang pinadaan ang kanyang palad sa hita ng lalaki. Napangiti naman ito at ininom ang ibinigay niya.
“Nabitin ka ba sa ginawa natin kanina, amore?”
Natawa naman si Thalia at nagsumiksik sa katawan nito. “I’m just pampering you, papi. I know you had a very long day.” Mahina siyang tumawa. “Thank you for your hard work, mi vida.”
Sinapo nito ang kanyang baba at masuyong kinurot iyon nang bahagya. Sinalubong siya ng tsokolateng mga mata ni Alonzo na tila ba sinusuyo siya. “Anything for you, Thalia…”
Nang pagsaluhan nilang muli ang isang mainit na halik ay unti-unting nakaramdam ng kakaibang sensasyon ang babae. Parang hinahalukay ang kanyang tiyan sa hindi malaman na dahilan at sa totoo lang ay nais niyang ilayo ang sarili mula kay Alonzo. Todo ang kanyang pagpipigil na gawin iyon dahil alam niyang masasaktan niya ang lalaki. After all, she was always distant to him whenever she did not need anything from him.
Having Alonzo around was very beneficial for her, especially now that her business partner and right-hand man, Hugo, decided to take a vacation in Italy. Palipad-lipad lang ito sa X ngunit nagtutungo din ito kaagad sa Venice kung saan nandodoon ang pamilya nito. Minsan lang ito mamalagi sa X simula noong bumalik si Alonzo at halatang iniiwasan nito ang lalaki. Naririto ito ngayon ngunit hindi naman ito tumutuloy sa kanyang tahanan sa may San Esteban.
Hinaplos ni Alonzo ang kanyang buhok pagkatapos nitong tapusin ang halik. Masuyo nitong inihiga ang kanyang katawan sa malambot na kama at kinumutan. Nangunot ang noo niya. “Not going to pleasure me tonight?”
Tipid itong ngumiti. “You look tired. I don’t want to make you sore.”
Tumawa lang si Thalia at hinayaan ang lalaki na masuyong haplusin ang buhok niya nang paulit-ulit. Pumikit na lamang siya at sinubukang matulog sa tabi nito kahit na hindi pa rin matahimik ang kanyang isipan. Hindi ugali ni Thalia na nag-aalala sa mga bagay-bagay ngunit minsan ay sadyang hindi niya lang talaga mapigilan. Mapanganib ang negosyo nilang pinasok niya at hindi siya dapat magpakampante.
Isa iyon sa mga natutunan niya kay Alonzo.
“Alonzo…”
“Yes amore?”
“Would you promise me to be forever true? Maipapangako mo ba sa ‘kin na ako lang ang mamahalin mo?”
Mahina itong tumawa bago siya hinila papalapit at siniil ng halik sa labi. “Ano bang sinasabi mo, amore? Of course I’ll forever be true to you. Ikaw lang ang mamahalin ko…”
Nang isiksik siya nito sa bisig nito ay hindi mapigilan ni Thalia ang kanyang ngisi. Niyakap niya ito pabalik at pinadaan ang kanyang palad sa matipuno nitong likod. Gan’yan nga, Alonzo… ako lang ang mahalin mo.
Pang-habang-buhay.
Bago niya pa man matamasa ang sandali ay nag-ring ang kanyang smartphone. Balak niya sanang hindi muna bumangon ngunit kailangan nang mapansin ang pangalan ni Hugo sa Caller ID. Dali-dali niya iyong sinagot.
“Hello, Hugo? What’s the matter?”
Bahagyang hinihingal ang baritonong tinig nito sa kabilang linya na dahilan para mapabangon na rin si Alonzo mula sa kinahihigaan nito. “Kailangan mong lumuwas dito sa X. Bukas, dapat nasa condo ka na. There’s an emergency.”
Nanlamig ang kanyang katawan nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Alam niya na kung ano ang ibig sabihin niyon. Kaagad siyang napatayo at nag-umpisang kuhanin ang ilan sa mga damit niya na nasa closet sa pagtataka ng kanyang asawa. Sinundan siya nito.
“What’s the problem, amore?”
“Kailangan ako ni Hugo sa X. I need to leave immediately—”
Napahalukipkip ito at napakamot ng batok. “Kailangan ba talaga na umalis ka ngayon? I’m sure whatever Hugo needs can wait–”
Mahina siyang natawa at nilapitan ito bago masuyong hinaplos ang dibdib ng lalaki. “Nagseselos ka ba kay Hugo? Look, Alonzo. I’ll be leaving purely for business. Nothing else. Wait for me, okay? Mawawala ako nang tatlong araw.” Inilapit niya ang kanyang labi sa tainga nito. “Isa pa, alam mo naman kung anong pinakaayaw ko sa lalaki, ‘di ba? Ayaw ko ng seloso.”
Lumuhod ito sa harapan niya at niyakap siya sa beywang. Ugali na iyon ni Alonzo kapag naglalambing ito o kapag gusto nitong humingi ng tawad. Hindi naman niya ikinakainis, sa katunayan ay natutuwa pa nga siya kapag ginagawa iyon ng lalaki. Pakiramdam niya ay mahal na mahal siya nito.
Ngunit hindi siya maaaring magpakampante. Dahil alam niya ang dahilan ng pagtawag ni Hugo sa kanya. At kung hindi siya kikilos kaagad, baka mabunyag ang lihim niya na matagal-tagal niya na ring itinatago.
Para sa kapakanan nila ni Alonzo.
Teresa
Bahagyang napamulagat si Teresa nang mabungaran ang amo niyang lalaki na nakaupo sa dining area at umiinom ng kape. Alas tres pa lang ng madaling-araw at maaga talaga siyang gumising para sana magluto ng agahan ngunit hindi niya inaakala na mabubungaran niya ang kanyang Sir Alonzo. Kagaya kagabi ay madilim ang mukha nito at tila mangangain na naman ito nang buhay.
At ang hindi niya maintindihan, ay ang kakaiba niyang nararamdaman sa tuwing ginagawa iyon ng lalaki. Halos wala pa silang isang linggo na nagkakasama ngunit pakiramdam ni Esay ay kapag bigla na lang siya nitong hinagkan ay bibigay talaga siya.
Kung sa bagay, sino ba namang hindi? Guwapo si Alonzo Romano. Bulag lang ang hindi magkakagusto sa lalaki, kahit na simpleng paghanga man lang.
“Sir, good morning po…” nahihiyang sabi niya bago ikinabit ang apron na kasama sa uniporme ng mga maid. “Magluluto na po ako ng agahan…”
“Kaunti lang iluto mo. Wala ang Ma’am Thalia mo, umalis.”
Napalunok na lamang si Teresa at tumango. Ramdam niya ang pagtagos ng mainit na titig nito sa kanyang leeg at kung papapiliin lang siya ay hindi siya magluluto sa kitchen. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya? Alangan namang utusan niya ang boss niya. Baka ngayon pa lang ay masisante na siya sa trabaho ganoong pinag-iinitan siya ng lalaki.
Napansin siguro ng lalaki na naiilang siya sa presensiya nito kaya mayamaya ay tumikhim ito at sumandal sa kinauupuan nito. “Just act natural when you’re around me, Miss Teresa. Hindi mo ako gagaguhin at hindi rin kita gagaguhin. As simple as that.”
Napangiwi lang ang dalaga. At inumpisahang hiwain ang mga carrots na nasa chopping board. Iniiwasan niyang sulyapan ang lalaki siguro ay dahil na rin naiilang siya sa presensiya nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa pagtitig sa kanya. “Hindi naman po ako natatakot sa inyo, Sir. Ayaw ko lang pong masisante–”
Napaatras siya nang tumayo ito at lapitan siya. Halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha at naaamoy niya sa hininga nito ang matapang na amoy ng serbesa. Wala pa rin itong suot na pang-itaas at damang-dama niya ang init ng katawan nito. Naisin niya man na lumayo ay na-korner na siya ng lalaki. Pakiramdam ni Esay noong mga sandaling iyon ay para siyang nabitag ng isang mangangaso. Ngumisi ito at itinukod ang kamay sa lababo na nasa likuran niya. “Akala ko ba, hindi ka natatakot sa ‘kin, Esay?”
Napalunok siya nang magtama ang kanilang mga mata. Para kasi siyang kinikilatis ng lalaki sa tindi ng pagtitig nito. Para bang hinihimay-himay ang bawat hibla ng pagkatao niya. Muli siyang lumunok bago sumagot. “Ang lapit niyo kasi, Sir… Tapos amoy alak pa kayo–”
Pagak itong tumawa at hinagod ang batok nito. “I’ve been drinking, that’s why. Thalia’s been busy and… Bakit ba ako naglalabas ng sama ng loob sa ‘yo?” Natuon muli ang titig nito sa mukha niya. Bahagya pa siyang napapitlag nang haplusin nito ang kanyang pisngi at…
“You know, you awfully resemble my wife,” mahina nitong bulong sa tainga niya bago tumawa. “I don’t know if I’m just drunk, but…”
Tila tumigil ang mundo ni Teresa nang hagkan siya nang mariin sa labi ng lasing niyang amo.