IV

1538 Words
“You came early,” bati kay Thalia ni Hugo na prenteng nakaupo sa loob ng condominium unit nito sa Krasny Towers, isa sa mga prominenteng condominium building sa X. Umiinom ito ng alak at may tinitingnan sa laptop na nakabukas sa harapan nito. Nahahapo na inilapag ni Thalia ang kanyang may kalakihang travelling bag sa sofa couch nito at sumalampak doon. “What’s the emergency, Hugo? Hindi ka mukhang nag-pa-panic,” malamig niyang tanong sa lalaki bago inilabas ang kanyang smartphone upang magpadala ng mensahe kay Alonzo. Pinanood niya ito nang tumayo ito at maglakad patungo sa kitchen counter. Kumuha ang lalaki ng isang kopita at nagsalin ng kaunting red wine doon. Tinanggap iyon ni Thalia ngunit kaagad niyang iniiwas ang kanyang mukha nang subukan siyang hagkan ni Hugo. “Ito lang ba ang dahilan kung bakit mo ako tinawag dito, Hugo Corleone?” Napaatras ang lalaki at bahagyang lumayo. Hinagod nito ang batok nito at sumulyap sa laptop nitong nakabukas. “I wanted to be with you. Masama ba ‘yon?” “May asawa na ako, Hugo,” pagbibigay-diin ni Thalia sa lalaki bago lumapit sa laptop nito. “Sinabi ko na sa ‘yo. Matagal nang tapos kung ano man ang namagitan sa ‘tin. Ginamit mo ‘ko para sa s*xual needs mo at ganoon din ako. Stop acting like you’ve fallen in love with me.” Pagak na natawa ang lalaki. “Oh, come on, Thalia. Alam ko naman na hindi mo mahal talaga ang asawa mo. You’re just doing this to get back at him and the Romanos. Stop being so righteous about it.” Nang batuhin niya ito ng ballpen ay tumigil ang lalaki. Kahit na hindi niya ito lingunin ay alam niyang malungkot ang mukha ni Hugo. Kabisado niya na ito. Kagaya ni Alonzo. At kahit na gustuhin niya man na huwag saktan si Hugo, wala siyang magagawa. Totoo naman ang sinasabi niya. Higit sa lahat, ayaw niyang… “Sorry. I… I guess I’m just drunk. But… trust me, I called you because I have some important matters to discuss.” Sumandal siya sa kinauupuan niyang swivel chair at naglabas ng imported na sigarilyo mula sa kanyang bulsa. Sinindihan niya iyon sa harap ng lalaki kahit na alam niyang ayaw nito na naninigarilyo siya. Pagkatapos ibuga ang usok na naipon sa kanyang bibig ay sinenyasan niya ito. “Discuss it now. Hindi rin ako magtatagal at uuwi rin ako kaagad sa San Esteban.” Bumuka ang labi nito ngunit kaagad din nitong ipininid iyon. Siguro ay naisip ni Hugo na wala ring saysay ang pakikipagtalo sa kanya. Kaagad itong lumapit at binuksan ang isang folder sa laptop nito at ipinakita sa kanya ang ilang scanned na dokumento. “You told me that you’re looking for your long lost sister, Thalia, right? You got separated from her when she was a baby. She’s around, say, twenty-three?” Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Thalia at hinilot ang sentido niya. “Bakit ba natin pinag-uusapan ang kapatid ko, Hugo? It’s been twenty-two years and two months since I lost my sister. Imposibleng mahanap pa natin siya o kung buhay pa ba siya. Tinantanan ko na ang paghahanap sa kapatid ko no’ng mamatay ang mga magulang ko dahil sa kagaguhan ko.” Napasulyap siya sa profile na binuksan ni Hugo. Isa iyong dossier mula sa Arnold Intelligence Service, isang elitistang spy agency na madalas makatrabaho ni Alonzo noon. Naglalaman ang dossier ng impormasyon tungkol sa isang Theo Rufin, na may codename na Alpha. Nangunot ang noo ni Thalia. “What’s with the dossier?” Dumiretso ito sa pagkakatayo at humalukipkip. “I have a hunch that this agent might know where your sister is. He was present during the fire at your old summer home, the night your sister went missing. Tiningnan ko lahat ng iba pang mga taong naroroon at maliban sa mga bumbero at paramedic na sumugod sa lugar no’ng gabing ‘yon, siya lang ang kakaiba. Isn’t it suspicious that he showed up at the daycare where you go and even followed you to San Esteban, and totally went off-grid after the incident?” May kapatid na babae si Thalia, na anim na taon na mas bata sa kanya. Si Theia. Dahil isang miracle baby ay alagang-alaga ito ng kanyang mga magulang at napamahal na rin ito sa kanya. Palagi pa ngang pinapangarap ng batang Thalia na kapag lumaki ang kanyang kapatid ay ipagtatanggol niya ito at magiging isang mabuting kapatid. Ngunit ang mga pangarap at plano nilang pamilya ay hindi na natuloy pa. Napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na magbakasyon sa probinsya noon, bago siya pumasok sa elementarya. Tahimik naman ang lahat ngunit isang gabi ay nagising na lamang silang mag-anak sa apoy na nag-umpisa sa ibabang bahagi ng kanilang summer home sa San Esteban, na siyang kinatitirikan ng bahay niya ngayon. Kaagad siyang nailabas ng kanyang mga magulang at bumalik ang kanyang ama para kay Baby Theia, na nakakapagtakang wala sa crib nito sa loob ng silid ng kanyang mga magulang. Nang hindi mahanap ng kanyang ama ay wala silang nagawa kung hindi ang hintayin na lamang na maapula ng mga bumbero ang apoy at hanapin ang labi ng kanyang bunsong kapatid. Ngunit wala silang nakitang katawan. ‘Ni buto, wala. Para bang naglaho na parang bula ang kanyang nakababatang kapatid. Kinailangan ng kanyang mga magulang na magdaos ng burol kahit na hindi matanggap ng mga ito na wala na ang kanilang bunsong anak. Tandang-tanda pa ni Thalia na naglibing sila ng kabaong na walang laman. At ang pagluluksang dinala nilang mag-anak hanggang sa tumanda na siya at nagkaisip. Nagka-nobyo. Natatandaan niya ang araw na nakatanggap sila ng tawag na malaki ang posibilidad na buhay ang kanyang kapatid. Bagaman nagdududa ay natatandaan ni Thalia ang galak at pag-asa sa mukha ng kanyang mga magulang. Dali-daling pinuntahan ng mga ito ang kausap ng mga ito. Naisin man niyang sumama ay kinailangan niyang ipagpaliban iyon dahil nagmakaawa si Alonzo sa kanya noong araw na iyon na puntahan ito sa X. Nabungaran niya ito. Na… may kahalikang iba sa loob ng opisina nito. Sinubukan nitong magpaliwanag ngunit hindi na nagawa pa ni Thalia na pakinggan ang mga paliwanag ng lalaki dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang mga tauhan sa San Esteban. Natagpuang patay ang kanyang mga magulang. May tatlong bala sa bungo at… “Thalia?” Nagbalik siya sa ulirat nang marinig ang tinig ni Hugo. Muli niyang sinulyapan ang dossier na nasa harapan niya at tumikhim. “Sorry, I zoned out. Kulang ako sa tulog, to be honest…” She sighed and scrolled on Theo Rufin’s information. “Do you have any means to find him, Hugo? If your hunch is true, this man might know where my little sister is. Or at least what happened to her. And if not, then I don’t want to talk about this again, okay?” Hugo toggled at the dossier. “I can contact AIS. The spymaster was Leopold Arnold and I remember him giving me his contact number. I’ll work on this as soon as I can but for now, there are other things we should focus on…” “Then show it to me.” Tumango ito at muling tumingin sa laptop. May binuksan itong panibagong folder at ipinakita sa kanya. “About the other thing… Alessandro Romano’s starting to look for you, Thalia. We have to move sooner or later before he finds out everything.” Tumambad sa mga mata ni Thalia ang ilang CCTV footages at audio recordings na puro si Alessandro Romano ang laman. Nagtatanong-tanong tungkol sa kapatid nito sa mga iba pang negosyante sa Paradiso at X na may kaugnayan sa kanya. Tiyak niya na nagtataka rin ang lalaki kung bakit bigla na lang siyang nawala, pati na rin ang kapatid nito. Hindi niya puwedeng hayaan na magkrus ang landas nito at ng kakambal nito. At kung kailangan niyang protektahan si Alonzo sa pinakamatinding paraan, gagawin niya. Hindi ito puwedeng maagaw ng iba sa kanya, lalong-lalo na ang sarili nitong kapatid. Hindi niya pa naisasakatuparan ang mga plano niya at mas lalong hindi pa siya tapos sa lalaki. Hindi niya puwedeng itigil ang kanyang mga plano ngayon lalo na at malaking oras, pera, at hirap ang naibuhos niya. Besides, Alonzo could not remember anything prior to his accident. Madali na lang na— “If I were you, Thalia, I would start moving carefully,” mahinang saad ni Hugo habang sinisimsim ang alak sa baso nito. “Tuso si Alessandro Romano kagaya ni Alonzo. Who knows what kind of tricks he has under his sleeves. If you don’t want your plans to be foiled, be prepared to face the guard dog himself.” Pagak na tumawa si Thalia at sinulyapan si Hugo. “Do you take me as a fool, Hugo? Of course I know how to deal with the Romanos.” Natunaw ang ngiti sa kanyang mga labi at napalitan iyon ng galit. “They f*cked up my life, after all. And if there is one thing I learned about them, that is you should never repeat the same stupidity you did before. Never—ever— f*cking trust the Romanos.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD