V

1315 Words
“Thalia?” Napalingon ang kanyang asawa mula sa pagsasalin ng alak nang marinig ang tinig ni Alonzo. Umidlip lang siya sandali dahil na rin maaga siyang nagising kanina. At pagkatapos ng kagaguhan na kanyang nagawa, hindi kinaya ni Alonzo na manatili sa loob ng kusina at— “Mi vida…” masuyong bati nito sa kanya bago siya dinampian ng halik sa pisngi. Inayos nito ang kuwelyo ng suot niyang pajama at bahagyang sumimangot. “You just woke up?” Mahina siyang tumawa at hinaplos ang pisngi ng kanyang asawa. “Well I woke up early and I have nothing else to do. Ang bilis mo yatang nakabalik?” Pagak lang na tumawa si Thalia at nginisian ang asawa nito. “Ayaw mo ba, Mr. Romano?” Nanindig ang kanyang balahibo nang padaanin ni Thalia ang matulis nitong kuko sa kanyang batok. Napapikit si Alonzo at bahagyang naikuyom ang kanyang palad, nagpipigil na magpakawala ng ungol. He groaned as Thalia stopped touching him. “Of course I missed you…” Ngumiti naman ang kanyang asawa at hinubad ang coat nitong suot. “Good… let me have my breakfast first and then let’s go to our room, hmm? Feed me.” At katulad ng kanyang nakagawian nang gawin, sinunod ni Alonzo ang hiling nito. Kaagad niyang pinaupo ang kanyang asawa at kumuha ng plato mula sa dish rack. Sinigurado niya na mainit pa ang sinangag at ulam na niluto ni Esay bago naghain. Sinubuan niya ang kanyang asawa na tila tuwang-tuwa habang pinapanood siyang pagsilbihan ito. Ngingiti-ngiti pa ito habang masuyong hinihimas ang kanyang hita. Mayamaya pa ay nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Alonzo at masuyong hinaplos ang kamay nito. “Thalia… eat first.” Hindi na siya nagtaka nang tumayo ito at paharap na naupo sa kanyang kandungan. Sinunggaban nito kaagad ang kanyang labi at mahigpit na sinabunutan ang kanyang buhok. Nabitawan ni Alonzo ang hawak na kutsara at tinidor upang suportahan ang likod ng kanyang asawa. Nag-eskrima ang kanilang labi at dila habang nararamdaman niya ang paglalaro ng mga kamay nito sa suot niyang pajama. “Amore…” Mahina naman itong tumawa. “I want to do something else.” “Sayang ang pagkain–” Natigilan siya sa ibinulong nito sa kanyang tainga. “Mi vida, mas ginagalit mo lang ako kapag nagdadahilan ka pa…” Bahagya siyang napaungol nang hawakan ni Thalia ang kanyang dibdib, kasabay ng pagbaon ng ngipin nito sa kanyang tainga. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa beywang nito na nauwi na sa isang yakap. “Thal…” Masuyo niyang hinimas ang likod nito. “Sa taas na lang tayo. You can do whatever you want to me…” Binuhat niya paakyat ang kanyang asawa. ‘Ni hindi niya nga malaman kung paano niya nagawang umakyat ng hagdan ganoong ayaw nitong pakawalan ang kanyang mga labi. Kinapa niya ang daan patungo sa kanilang silid at nang mabuksan ang pinto niyon ay kaagad niya iyong isinara. Hinayaan niya si Thalia na itulak siya sa kama at umpisahang hubarin ang kanyang suot na pajama. Alonzo did not even dare to remove her clothes, nor move even an inch. She always wanted to be in control. And he always lets her do everything that she wants. “Goddamn,” mahinang mura ni Alonzo nang itaas ni Thalia ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng ulo niya at kabitan iyon ng dalawang pares ng posas. Ikinabit ng babae ang magkabilang dulo sa poste ng kanilang kama at sinigurado na hindi siya makakawala. Ngumisi naman ito nang maramdaman ang pagkagising ng nahihimbing niyang alaga. “Amore, you always make me crave when you do this…” Sumeryoso ang mukha ng babae at hinaplos ang kanyang pisngi. “Oh, Alonzo, my love… I can do more than that…” He watched in pure agony as she slowly removed her clothes, tearing piece to piece of fabric that hid her body from his hungry eyes. Sinabayan pa iyon ng mapang-akit nitong pagsayaw sa ibabaw ng kanyang katawan na mas lalong nagpatindi ng init na kanyang nararamdaman. Mahina siyang napapaungol sa bawat pagkiskis ng balat nito sa kanya, sa bawat ngisi at bawat tawa na lumalabas mula sa mapupulang labi nito. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Alonzo nang abutin nito ang duct tape na nakatabi sa loob ng kanilang bedside table. Gumupit ang kanyang asawa ng isang mahabang putol mula roon at itinapal sa kanyang bibig. Nag-iwan pa ito ng matamis na halik sa kanyang pisngi bago iyon tinapik. “Stay silent and I’ll reward you even more.” Bahagya pa siyang napapitlag nang maramdaman niya ang pagdampi ng mainit nitong labi pababa ng kanyang dibdib, tiyan, hanggang sa marating niyon ang kanyang puson. Tiningala pa siya sandali ng kanyang asawa bago ngumisi at pinadaan ang kamay nito sa kanyang nangangalit na p*gkalalaki. May gumapang na libo-libong sensasyon sa katawan ni Alonzo lalo na nang umpisahang igalaw ni Thalia ang kamay nitong nakahawak sa kanyang alaga. Impit ang ungol na namutawi sa kanyang bibig. Bahagyang masakit sa pulso ang posas na nakakabit sa kanyang kamay ngunit hindi iyon ininda ni Alonzo. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata at kahit na naisin niya man na hawakan ang kamay nito ay hindi siya makagalaw. Hinayaan niya na lamang na dalhin siya ng agos ng eksena habang sinasamyo ang matamis na amoy ng pabango ng kanyang asawa. Nang maramdaman niya ang pananakit ng kanyang puson ay bahagya niyang iginalaw ang kanyang balakang. Napataas ng tingin si Thalia sa kanya at itinigil ang ginagawa nito sa pagproprotesta ng kanyang katawan. Napamura siya nang baltakin nito ang duct tape na nakatapal sa kanyang labi dahilan para mahinang mapamura si Alonzo. Nginitian lang siya ng kanyang asawa at dahan-dahang ipinasok ang kanyang sandata sa loob nito. “Thalia…” Mahinang tumawa si Thalia sa pagitan ng mga ungol nito. Mas lalong nayanig ang mundo ni Alonzo nang mag-umpisang gumalaw ang kanyang asawa. Dahil hindi makagalaw ay ipinikit niya na lamang ang kanyang mga mata at pinakinggan ang mahinang tunog ng pagtama ng balat sa balat. Dinama niya ang pag-indayog nito sa ibabaw ng kanyang katawan, habang— Teresa… Kasabay ng pag-abot niya ng kanyang rurok ay ang pagrehistro ng mukha ni Teresa, ang bago nilang katulong, sa kanyang isipan. Kaagad na napamulat si Alonzo at napamura. Hindi naman iyon pinansin ni Thalia dahil sumabay iyon sa rurok nito. Nang mahapo ay pabagsak itong nahiga sa ibabaw niya at inumpisahang alisin ang mga posas na nakakabit sa kanyang mga kamay. Habol ang hininga nito na hinagkan ang kanyang mga labi at mahinang tumawa. “Sorry… I’m kind of tired because of the trip…” Tipid lang siyang ngumiti at hinaplos ang buhok nito. “Ayos lang, amore. We both needed rest too.” Humagikgik si Thalia bago nahiga sa kanyang tabi. Totoo naman na pareho silang pagod, at isa pa, hindi niya magawang magsalita dahil na rin sa bumabagabag sa kanyang isipan na alaala ng mga nangyari kaninang umaga. Ngunit tila hindi man lang napansin ng kanyang asawa ang lahat ng iyon. Nakangiti itong nagsumiksik sa kanyang tabi. Mayamaya pa ay mahimbing na itong natutulog. Nagpakawala na lamang si Alonzo ng malalim na buntong-hininga at hinagkan sa noo ang asawa bago ito kinumutan. Nanatili siya sa tabi nito. Kagaya ng palagi niyang pangako. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Alam niyang lasing siya noong halikan niya si Teresa kanina ngunit ang pagsagi nito sa isipan niya habang katalik ang sarili niyang asawa? Pakiramdam niya ay para siyang nagtataksil kay Thalia. He should not be feeling those sensations, nor having those thoughts. Isa pa, may agam-agam pa rin siya tungkol sa katauhan ng bago nilang kasambahay. Hindi ba dapat ay mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagbabantay sa seguridad nilang mag-asawa? What the hell is wrong with you, Vittorio Alonzo? Remove that girl from your head, for f*ck's sake!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD