VI

1606 Words
Bahagyang napatungo si Teresa nang makita ang kanyang Ma’am Thalia na pumasok sa loob ng kusina at binuksan ang malaking refrigerator na naroroon, tila naghahanap ng maiinom. Nakasuot lang ito ng manipis na sleeping robe at magulo ang buhok, bahagya pang pupungas-pungas.Naglilinis na siya noon ng kusina dahil kakatapos pa lang magluto ng cook ng mansyon. Gabi na rin at hindi niya inaasahan na makikita ang kanyang among babae dahil ang sabi ng kanyang Sir Alonzo ay tatlong araw pa bago ito umuwi. “Good evening po, Ma’am,” bati niya sa babae na naupo sa kitchen counter at tiningnan ang mga pagkain na nasa ilalim ng takip. “Kakain na po ba kayo ng dinner?” Tipid lang itong ngumiti at umiling. “Hindi muna, Esay. Hihintayin ko munang magising ang asawa ko.” Ngumiti siya pabalik at bumalik sa kanyang ginagawa. Hindi naman umalis ang babae at tumambay doon habang pinapanood siya at umiinom ng cranberry juice na naka-lata. Siguro ay nabuburyong o hindi naman kaya ay ayaw munang bumalik sa silid nito. Hindi naman nailang si Teresa. Iba pa rin ang titig ng kanyang Sir Alonzo, maliban sa ginawa nito kaninang umaga— Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang tainga nang maalala kung gaano kaalab ang halik nito sa kanya. Kung hindi niya lang ito naitulak at kung hindi lang ito natauhan, saan kaya napunta ang halik na iyon? Bakit kaya siya hinalikan ng lalaki, ganoong kitang-kita naman na mahal na mahal nito ang asawa nito? Ti-ne-testing ba siya ng amo niyang lalaki upang matingnan kung may iba pa siyang balak kaya siya nagmakaawa na maging katulong ng mga ito? “Have you met the other staff?” tanong ni Thalia na ikinapitlag niya ng bahagya at nakapagpabalik sa kanya sa ulirat. Tumikhim siya at tumango nang hindi ito nililingon. “Opo, Ma’am, nakilala ko na po ‘yong iba. ‘Yong hardinero na lang po na tuwing weekends lang nagpupunta ang hindi pa po,” saad niya habang pinupunasan ang tabi ng lababo. Mahinang tumawa si Thalia. Narinig niya ang tunog ng paglapag nito ng lata sa ibabaw ng kitchen island. “Huwag mo na akong i-po at opo, Esay. Mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Ilang taon ka na ba?” Ngumiti siya at nilingon ang babae. “Beinte dos, Ma’am Thalia. Mag-be-beinte tres sa susunod na buwan.” Napansin niya ang paglamlam ng mga mata nito nang marinig ang kanyang sinabi. Natuon ang pansin nito sa lata ng cranberry juice na may laman pa. Matagal-tagal ding hindi nagsalita ang kanyang amo bago ito tipid na ngumiti at sinulyapan siya. “Ka-edad mo pala ang kapatid ko.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Teresa. “May kapatid ka, Ma’am?” Mahina itong tumawa at tumango. “Yeah… Nagkahiwalay kami no’ng baby pa lang siya. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya, o…” Humina ang tinig nito. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Thalia bago ito dumiretso ng pagkakaupo. “We already buried an empty casket for her, anyway. She’s legally dead. And even if she’s alive, I highly doubt that she would accept me as her sister. I mean, alam mo naman siguro ang trabaho ko, ano?” Tipid lang na tumango ang dalaga. Alam niya kung ano ang trabaho ni Thalia Diaz. Kung bakit ito may malalaking plantasyon, o kung bakit maraming armadong lalaki sa paligid tuwing lumalabas siya. Halos lahat naman yata ay alam kung ano ang ibig sabihin niyon. At hindi siya magmamalinis. Ilang beses na bang nasangkot ang kanyang pumanaw na ama sa mga ganoong gawain? “Malay mo naman, Ma’am Thalia. Iba pa rin ang lukso ng dugo,” wala sa sarili na komento niya bago ito nilingon. “Mas mainam siguro na gisingin na si Sir Alonzo, ma’am. Baka lumamig po ang pagkain.” Bago pa man makatayo si Thalia ay sumungaw na ang naghihikab pang ulo ni Alonzo Romano sa pintuan ng kusina. Nang makita nito ang asawa ay kaagad itong lumapit doon at niyakap ang babae. Hindi naman natinag ang kanyang amo, ‘ni hindi ibinalik ang mahigpit na yakap nito. Sumubsob ang ulo ng lalaki sa leeg ng kanyang Ma’am Thalia. “Kumain ka na, amore?” Umiling ito. “Hindi pa. Nagugutom ka na ba? Nakapagluto na ang cook. Magpapahain na ako.” Bago pa man siya utusan ay kaagad nang napa-iwas ng tingin ang dalaga at inumpisahang dalhin ang mga pagkain patungo sa dining hall lalo na nang sulyapan siya ni Alonzo. Tahimik at tila wala sa sarili na inihanda ni Teresa ang lamesa habang nag-uusap naman ang mag-asawa sa may kusina kung saan niya iniwan ang mga ito. Aaminin niya, mabigat para sa kanyang dibdib na panoorin ang dalawa na… malambing sa isa’t isa. Hindi maintindihan ni Teresa ang kanyang nararamdaman. Hindi niya dapat masyadong pinupuno ang kanyang isipan ng imahen ng guwapong mukha ni Alonzo Romano ngunit kahit sa pagtulog ay ito ang laman ng kanyang utak. Kung paano siya nito iniligtas noong gabing iyon. Noong pumasok ito sa silid niya upang sabihan siya na babantayan siya nito. Lalo na nang hagkan siya nito kanina lamang. Alam niyang mali. Alam niya na iba ang pakahulugan ng lalaki sa mga salita nito ngunit… “Esay?” untag ni Thalia sa kanya na nakaupo na sa hapag-kainan. Itinuro nito ang cellphone niyang nasa bulsa ng kanyang uniporme. “May tumatawag sa ‘yo.” Napatingin siya sa kanyang bulsa at iniwasan ang nanghuhuling tingin ni Alonzo. Nang makita ang pangalan ng tumatawag ay magalang siyang yumukod at nagpaalam. “Sagutin ko lang ‘to, Ma’am. Tumatawag ang kuya ko.” Ngumiti naman si Thalia. “No problem. Kaya naman naming pagsilbihan ang mga sarili namin.” Kaagad na lumabas ng lugar si Teresa at nagtungo sa kanyang silid, sa maid’s quarters. Ilang beses pa siyang humugot ng malalim na hininga bago sinagot ang tawag. “Hello?” Bahagyang ginapangan ng kakaibang kaba ang kanyang katawan nang marinig ang baritonong tinig sa kabila. “Nakapasok ka na ba sa bahay ni Thalia Diaz, Esay?” Lumunok siya bago nagsalita. “Tapos na, kuya. Nakakuha na rin ako ng trabaho bilang maid.” “Good. I’ll call you again after a few weeks. Sa ngayon, kuhanin mo ang loob ng mag-asawa. Then we’ll proceed on to the next part of the plan.” Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at mas hininaan pa ang kanyang tinig. “Basta siguraduhin mo na gagawin mo ang ipinangako mo.” Mahinang tumawa ang nasa kabilang linya. “Oh, don’t worry about me. Be worried about you. Mr. Romano can be a little bit… attractive son of a gun.” Iyon lang at ibinaba na ng lalaki ang tawag. Naghintay ng ilang sandali si Teresa bago lumabas ng silid. Inayos niya muna ang kanyang sarili at pilit na pinakalma ang kanyang mukha. Basta talaga nakakausap niya ang lalaking iyon, ginagapangan siya ng kakaibang kaba. Kagaya na lang kapag kausap niya si Alonzo Romano. Speaking of the devil, sa isip-isip ni Teresa nang pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang matipunong pigura ng lalaki na nakasandal sa pader at tila hinihintay siya na matapos sa kanyang tawag. Nang makita siya nito ay dumiretso ito sa pagkakatayo at istriktong pinasadahan siya ng tingin. “Sir–” “Tapos nang kumain ang Ma’am Thalia mo. Iligpit mo na ang pinagkainan,” saad nito. “Oh, and one more thing, Miss Rufin. Sa susunod, paki-off ng cellphone mo habang nagtatrabaho ka.” Iyon lang at naglakad na ito palayo. Pinanood ni Teresa na maglakad palayo ang lalaki, ngunit huminto ito at pasimple siyang nilingon. “At tungkol sa nangyari kaninang umaga, sorry. Lasing ako pero hindi ‘yon excuse sa ginawa ko. I hope you won’t tell anybody about that, Esay.” Hindi nito hinintay ang kanyang sagot at alam niyang hindi rin iyon pakiusap. Banta ang lumabas sa bibig ni Alonzo. Isang banta na tila ba nagsasabi sa kanya na dapat niyang isikreto ang kung ano mang kahulugan ng halik na iyon para sa kanya. At wala rin naman siyang balak na magsalita. Takot niya lang sa asawa nito. Isa pa, hindi na iyon issue pa kay Esay. Halik lang iyon. Isang halik na… Isang halik na hindi niya maalis-alis sa isipan niya. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga at naglakad patungo sa dining hall. Bago pa man siya makapasok sa loob ay naulinigan niya ang tinig ng amo niyang babae na tila ba may kausap sa smartphone nito. Kaagad na napatago ang dalaga. “Sinabi ko naman sa ‘yo, Hugo, ‘di ba? Titiyempo lang ako at pupuntahan kita sa X. Oh, please. Don’t be like that. Alam mo naman na magkakagulo kapag nahuli tayo ni Alonzo. What? Hugo–” Nanlaki ang kanyang mga mata nang hilahin siya ng isang kamay patungo sa malayong parte ng kabahayan. Kabisado niya ang likod ni Alonzo Romano at— Nang huminto sila, nasa hardin na silang dalawa, kapwa naghahabol ng hininga. Inayos ng lalaki ang suot nitong pajama at sumulyap sa kanya. “Next time, don’t eavesdrop. Let Thalia do her thing.” “Pero Sir–” Tumawa ito. Ngunit kahit na iyon pa ang pinakamalakas na halakhak sa buong daigdig ay napansin niya ang pait sa tinig nito. “What, akala mo hindi ko alam, Esay? I’m well aware. Ayoko lang na mag-away kami.” Muli itong naglakad palayo. “Wait here for a little bit more. And then clean the dishes. Sa susunod, huwag ka nang makikinig sa usapan ng iba. Mahirap ang maraming nalalaman.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD