Hinayaan ni Alonzo na masunog ang dulo ng hawak niyang imported na sigarilyo. Nakatambay siya sa terasa ng silid nila ni Thalia habang ito naman ay naliligo sa banyo. Pinag-iisipan niya ang narinig nila noong isang gabi ni Teresa, iyong bagong kasambahay. At kahit na ipakita niya man na hindi siya apektado, alam niyang nagproprotesta naman ang kanyang puso.
Matagal na siyang nakakaramdam ng kakaiba sa pagitan ng kanyang asawa at ni Hugo Iver Corleone, ang kanang-kamay nito at siyang nag-aasikaso ng iba nitong negosyo sa X. May matinding selos siyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang dalawa na nag-uusap, kahit na sabihin pa ni Thalia na tungkol iyon sa negosyo at wala nang iba pa. He hated him calling her at three in the morning just to ask her to meet up. And what he could not fathom was that she always did what he wanted, every single damn time. She even asked him not to follow her.
At siya naman ang tanga na sunod nang sunod sa bawat gusto ni Thalia. Kahit na alam niyang… may mali.
What are you hiding from me, Thalia?
“O, hindi ka pa pala natutulog?” bungad sa kanya ng kanyang asawa na kakalabas pa lang mula sa banyo, bahagya pang nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalyang hawak. “Akala ko pagod ka?”
Mahina lang siyang tumawa. “I’ll stay out here for a little bit. Kung inaantok ka na, matulog ka na.”
Bahagyang napakunot ang noo nito sa itinuran niya ngunit hindi na nagsalita pa ang kanyang asawa. Sumandal ito sa tabi niya at inabot ang smartphone niyang nasa bulsa. Kaagad niyang hinawakan ang kanyang telepono na mas lalong ikinalukot ng mukha nito. “What? I’m borrowing your phone.”
“What for, Thalia?” tanong niya. “May smartphone kang sarili mo at ikaw ang gumagamit. Bakit kailangan mo pa ang sa ‘kin?”
Pagak itong tumawa. “I’m just going to check something, Alonzo. Now, give me your phone.”
Inilahad nito ang kamay nito ngunit mas nagmatigas si Alonzo. Iniiwas niya ang tingin niya mula sa kanyang asawa at ipinagpatuloy ang paghithit sa sigarilyong hawak. “No.”
“Why are you being so b*tchy?” iritadong tanong ni Thalia. “Give me your damn phone.”
“Now I’m the one being b*tchy?” asar na tanong niya pabalik. “I’m not giving you my phone, Thalia. Use your own. Matutulog na ako,” pagwawakas niya sa usapan bago pinatay ang dulo ng kanyang sigarilyo gamit ang dalawang dulo ng kanyang daliri at naglakad papasok sa kanilang silid. Hindi naman nagpatinag ang kanyang asawa at sinundan talaga siya sa loob.”
“Why the f*ck you don’t want to show me your phone, Alonzo? I—”
He scoffed before turning around to glare at her. “‘Ni hindi ko nga nahahawakan ang smarthone mo, Thalia. So don’t f*cking throw sh*t at me when you’re the one who’s being suspicious. Imagine, answering damn calls from that Hugo in the middle of the night! Isang tawag lang ng hinayupak na ‘yon, lumilipad ka na!”
Lumambot ang kanyang mukha nang makita na parang maiiyak si Thalia nang sigawan niya. Napatungo ito. “Are… are you jealous of Hugo again? Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na wala namang kami para paniwalaan mo? What we’re doing was just purely for the business, Alonzo…”
Damn it, mahinang mura ng kanyang isipan nang sumubsob ito sa mga palad nito na para bang maiiyak. Strategy na iyon ng asawa niya sa tuwing nag-aaway sila. Papakitaan siya ng luha. At para naman siyang tarantado na kaunting iyak lang, malambot na ulit ang puso. Siya pa ang nanunuyo kahit na ito naman ang may mali.
Kagaya ngayon.
He sighed and took her hand before pulling her in an embrace. “Sorry…” Hinagkan niya ito sa sentido. “I didn’t mean to lash out and shout at you.”
Sumimangot ito at sumubsob sa kanyang dibdib. “Ayaw mo naman kasi akong paniwalaan, Alonzo…”
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. “I believe you, okay?” pag-aalo niya rito kahit na labas sa ilong. “Just… if ever Hugo calls, please tell him not to call in the middle of the night. It’s distracting.”
Si Thalia naman ang ngumiti at hinaplos ang kanyang pisngi. “Gan’yan pa lang, nagseselos ka na. Paano pa kapag nagpunta kami sa business trip next week? Baka naman mamaya, umusok bigla ang ilong mo sa galit…”
Parang gusto lalo magwala ng dibdib ni Alonzo nang marinig ang itinuran nito. Noon niya lang din nalaman na pupunta ito sa isang business trip kasama ang Hugo na iyon. Maiiwan na naman siya mag-isa sa pagkalaki-laking bahay nito, ‘ni hindi makalabas nang mag-isa. He felt like he was a secret and… it hurted him so much.
Siya ang asawa, pero ang karamihan ng oras at atensyon nito, nasa iba.
“Gaano ka katagal mawawala?” tanong niya bago naupo sa ibabaw ng kama. Hinawakan niya ang kamay ni Thalia at hinayaan naman ng kanyang asawa na paglaruan niya ang mga daliri nito. "Bakit hindi mo na lang ako isama?”
Napapalatak ito at naupo sa kandungan niya. “Isang buwan lang, mi vida… Pagkatapos no’n, sisiguraduhin ko na sa ‘yong sa ‘yo na ako. Walang kahati.”
Hinaplos niya ang pisngi nito. Iyon lang naman talaga ang gusto ni Alonzo. Wala siyang ibang nais kung hindi ang makasama ang sarili niyang asawa. Wala siyang pakialam kung may pagka-sadista ito sa tuwing nagtatalik sila, o kapag minsan ay bigla na lamang itong nagagalit o nagtatampo nang walang dahilan. He could care less. All that he wanted was to be with her and he could endure everything life throws at them.
“Alright. I trust you, amore…”
Hugo
Tahimik na pinagmasdan ni Hugo ang mga naglalarong ilaw sa highway. Nakasakay siya noon sa loob ng kanyang McLaren habang tahimik na pinapanood si Alessandro Romano at ang asawa nitong si Valentina De Santis mula sa may kalayuan. Thalia asked him to watch over the two while she made some preparations back with Alonzo.
At bilang tapat na alipin ng babae, heto siya ngayon, hinahayaan ang sarili na mapagod at mapuyat para lang sa gulong pinasok nito.
He just could not understand why she kept on choosing that man when he was the one who hurted her before. Naroroon siya noong mag-isa ito at nasasaktan. Nanatili siya tabi ni Thalia noong nahihirapan ito na makabangon. Pero nang makahanap ito ng tiyempo, nang masaya na ito, pinili na naman nito ang lalaking iyon. Pinili na naman nito si Alonzo Romano.
At siya ang dakilang tanga na taga-linis ng kalat nito.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga nang pumasok si Alessandro at ang asawa nito sa loob ng malaking penthouse nito. Nang masiguro na hindi na lalabas pa ang lalaki ay iminaniobra niya ang kanyang McLaren at nagmaneho patungo sa Red Angel, isang pamosong nightclub sa siyudad ng X, na madalas niyang tambayan simula noong dumating siya sa lugar.
Nang makapasok sa loob ay kaagad na um-order ang lalaki ng sangkaterbang rum. ‘Ni hindi niya man lang ininda ang presyo niyon, o kung makakayanan niya pa bang magmaneho pauwi. He could care less if he would get into an accident. Mas maigi pa nga siguro iyon, nang mapabalik bigla si Thalia sa X at alagaan siya,iyon ay kung mabubuhay man siya.
Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga at pinaglaruan ang alak na nasa baso. Wala naman siyang ibang magagawa at ayaw niyang iwanan si Thalia nang mag-isa. Kung ito lang ang tanging paraan para maipakita niya ang pagmamahal niya para sa babae, gagawin niya.
Kahit na paulit-ulit pa siyang masaktan.
Bahagya siyang napaubo nang maramdaman ang pagtapik ng isang malaking kamay sa kanyang balikat. Hindi niya iyon nilingon ngunit alam niya kung sino iyon. Si Alessandro Romano. Naupo ito sa kanyang tabi at um-order ng cognac. Hindi naman umimik si Hugo at hinayaan lang ang lalaki. Ayaw niya ng gulo at ayaw niyang kumilos hangga’t walang sinasabi si Thalia.
“Akala mo hindi kita nakikita, Mr. Corleone? Tanaw na tanaw ko ang asul mong McLaren.”
“Napadaan lang ako.” He smirked. “What do you want, Mr. Romano?”
Malamig ang titig na iginawad nito sa kanya. “Leave me and my wife alone. Kinuha na nga ni Thalia Diaz ang kapatid ko, ginugulo niyo pa kami? Hindi ba si Alonzo lang naman ang may atraso sa inyo?”
Mahina siyang tumawa at inilapag ang kanyang baso para sa refill. “Wala akong alam sa sinasabi mo, Mr. Romano. Thalia’s just worried that you’re cooking some bullsh*t again.” Nilagok niya lahat ng nasa baso at inilapag iyon sa tabi ng lalaki. “Piece of advice, Alessandro. Huwag mo nang hanapin ang taong patay na. Your brother died because of you. Stop accusing us of stealing him when Thalia wanted him far away from her.”