Nang makauwi ang kanyang mga amo mula sa sandaling bakasyon ng mga ito sa kakahuyan ay nakapagluto na si Teresa at nakapaglinis ng buong mansiyon. Bagaman walang tulog ay nakayanan niyang labanan ang kanyang antok. Kung hindi ba naman kasi siya naaya nina Xiao Feng at Alessandro Romano na maglaro ng baraha ay nakauwi sana siya nang maaga. Ngunit dahil kapwa ayaw magpatalo ng mga ito at palaging naglalapag ng taya, inabot sila ng madaling-araw. Hindi niya inakala na kapwang hindi marunong maglaro ng pusoy ang mga ito.
“You should be careful of my brother, Belladonna. Baka hindi mo pa napapansin, may charisma ang kapatid ko. Malakas ang s*xual appeal. Bago siya magkaroon ng amnesia, babaero na ‘yon. You surely don’t want to be his next victim, do you?”
Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Teresa nang maalala ang babala ni Alessandro sa kanya bago siya nito hayaang umuwi. Maingat niyang isinalin ang tsaa sa kopita ng kanyang babaeng amo at naglagay ng kaunting honey doon. She hated always being underestimated by those two man-babies. After all, she was not the best spy in AIS for no reason.
Oh, Mr. Romano. Do you want a bet? I’m open to that.
Palihim niyang sinulyapan ang lalaking prenteng nakaupo sa tabi ng kanyang Ma’am Thalia. Tahimik lamang ito habang nagbabasa ng dyaryo, ang isang kamay ay nakalaylay upang maging unan ng asawa nito. Nakapuwesto ang dalawa sa malawak na terasa ng ikalawang palapag ng villa na nakatanaw sa malawak na lupain ng San Esteban. Eksakto naman na tila naramdaman nito ang kanyang pagtitig dahil sumulyap din ito sa kanya. Their gazes lingered a little bit too long. But Teresa savored that. She knew all too well that all men were the same; they were immoral beasts who would take a bite just because.
Well, I guess except for the other men like Mr. Xiao and Sandro.
Nang papalapit na siya ay sinadya niyang ihulog ang kutsarita sa lapag. Lumikha iyon ng mahinang tunog ngunit tila hindi naman iyon pinansin ng kanyang among babaeng naka-idlip sa bisig ng asawa nito. Dahan-dahan siyang yumuko upang pulutin ang kutsarita. Alam niyang nakatitig ang lalaki. Nakumpirma niya iyon nang tumikhim ito at sinundan ng tunog ng kaluskos ng papel. Nang mapulot ang nalaglag ay kaagad siyang humarap upang ihatid sa dalawa ang tsaa na kanyang itinimpla.
“Thank you, bonita,” tila inaantok pang sabi ni Thalia Diaz bago nito ibinuka ang mga mata nito upang tingnan siya. Ngumiti ito at kinuha ang kopita ng tsaa nito. Inilapag niya naman ang mug ng kape ni Alonzo sa katabi nitong coffee table at ngumiti sa mag-asawa. “Oh, before I forget, I want you to come with me to the study. I’ll discuss something with you.”
Kahit na kakaba-kaba na baka napuna ni Thalia ang kaninang nangyari ay ngumiti pa rin si Teresa at yumukod na. Dinala niya ang tray patungo sa dirty kitchen sa unang palapag ng bahay at hinugasan iyon habang hinihintay ang pagtawag sa kanya ni Thalia mula sa intercom. Hindi siya naghintay nang matagal at mayamaya ay umalingawngaw ang malambing na tinig ng kanyang amo mula sa speaker na nakakabit sa dirty kitchen. Kaagad siyang sumagot at nagmamadaling umakyat sa study room nito. Tatlong beses muna siyang kumatok bago binuksan ang pinto. Inabutan niya itong nakaupo sa likuran ng desk nito, naninigarilyo ng makapal na piraso ng cigar. Nakataas ang makikinis nitong mga binti at nakapatong sa lamesa, nasusuotan ng pares ng Loubout*n. Ngumiti ito at sinenyasan siya na lumapit.
“It’s so nice to see you again, lovely,” malambing na bati nito. Pinatay nito ang hawak na cigar ngunit hindi pa rin nito binababa ang mga binti nito. Sinenyasan siya nito na maupo sa harapan nito na kanya namang sinunod. Kaagad na may inilabas si Thalia na maliit na kahong pahaba. Iniusog nito ang bagay na iyon sa kanya at inutusan siya na buksan iyon. Isang bagong smartphone. “Isn’t that nice? Binili ko ‘yan para sa ‘yo.”
“Pero Ma’am—” gulat na bulalas niya na kaagad naman nitong pinutol.
“Bago ako umalis, binigyan kita ng trabaho, Esay. Sabi ko bantayan mo si Alonzo, ‘di ba? Sasabihin mo sa ‘kin kung sino ang mga nakakasama niya, o kung sino ang mga nagiging bisita niya sa villa. Pati na rin kung lumalabas ba siya at may pinupuntahan. You can use that phone. May sim card na rin ‘yan at unlimited data,” prenteng saad nito.
Napalunok siya nang tumayo ito at naglakad papalapit sa kanya. Naghinang ang kanilang mga mata nang hawakan ni Thalia Diaz ang kanyang baba upang magkatitigan sila. Ngumiti lang ito bago siya binitawan at naglakad papaikot sa kanyang upuan.
“Let’s say that… There are some people who are against our marriage. Now, they’re trying to ruin it. You see, I don’t want to lose my husband, Esay. Kaya kailangan ko ng tulong mo para mabantayan ang asawa ko habang nasa business trip ako. Report all suspicious things to me, bonita. Kapag nakabalik ako, dadagdagan ko ang sahod mo.”
Tinanggap ni Thalia ang kanyang katahimikan bilang pagsang-ayon sa kagustuhan nito. Ngumiti ito at sinenyasan siya na tumayo na. Bago siya lumabas ng silid ay hinawakan pa siya nito sa balikat at may ikinabit na maliit na pin sa kanyang dibdib. Isang ginintuang brooch na may disenyo ng ahas na may pulang bato bilang mga mata.
Nang makalabas siya ng silid ay bahagyang nakahinga nang maluwag si Teresa. Sinulyapan niya ang hawak na smartphone.Pagkatapos, naglakad siya upang magtungo sa maids’ quarters kung saan naroroon ang kanyang mga gamit. Nang makapasok sa loob ng kanyang silid ay ikinandado niya iyon. Inilabas niya ang isang maliit na kahon na nakatago sa likod ng painting na nasa kanyang silid at inilabas ang smart glasses na nasa loob. Isinuot niya iyon bago inilabas ang binigay na smartphone na ibinigay ni Thalia sa kanya. Isinaksak niya iyon sa charging port at hinayaan na magkarga ang baterya. I-ni-scan ng smart glasses ang kabuuan ng aparato at hindi nga siya nagkakamali dahil may nakatanim sa loob na iyon na tracker at listening device, maliban sa ilang indikasyon na mayroong spyware ang aparato, na nagsasabing malalaman ni Thalia ang lahat ng kanyang mga mensahe sa ibang tao pati na rin ang mga tawag at usapan niya o kung nasaan siya naroroon kung gagamitin niya ang smartphone.
Matapos na ma-scan ng smart glasses na suot ang smartphone ay pinadala niya kina Alessandro ang itsura pati na rin ang imahe niyon. Ang mga ito na ang bahalang gumawa ng paraan kung paano mapapalabas ng mga ito na gumagana pa rin ang spyware at kahit na ang totoo ay na-hack na ito ng ilang tauhan ng lalaki.
Sa ilang taon na pagtatrabaho niya bilang isang espiya ay ilan lamang iyon sa mga bagay na natutunan ng dalaga. Kilala niya si Thalia. Alam niya na wala itong pinagkakatiwalaan. Maski ang gintong brooch na ikinabit nito sa kanyang dibdib ay sinipat niya rin. Mabuti na lamang at tila walang hidden camera sa loob niyon o kahit na anong klase ng listening o tracking device. Kaagad niyang iniligpit ang kanyang gamit at ibabalik na sana ang kanyang suot na damit nang makita niya sa salamin ang tattoo niya ng pangalang Belladonna na na nasunog na. Hindi niya na iyon ipinaayos pa.
Isang alaala noong araw na muntik niya nang kitilin ang buhay ng walang iba kung hindi si Vittorio Alonzo Romano.